ᴛʜᴇɪʀ ᴘᴀsᴛ;
𝙀𝙡𝙡𝙞𝙤𝙩Ikinuwento ni sunny habang nakatulala sa kung saan. Bakas sa muka ni sunny ang panghihinayang at lungkot. Ako namn ay gulat parin, parang sobrang gwapo naman 'ata ni papa.
"Nakipag hiwalay ako sa papa mo, at pinilit na lumapit kay eros, nag padala ako sa mga pinag sasabi ni papa. Sobrang pag mamakaawa ng papa mo na wag ko syang iwan, pero buo na ang desisyon ko. Nag umpisang mambabae ang tatay mo at talagang nasaktan ako, ang hirap makita na araw araw ay may kasama syang babae, at malala ay kahalíkan nya pa, pero wala na akong magagawa dahil naging duwag ako," natatawang kwento ni sunny habang pinipigilan nya ang luha nya.
"Sa bandang huli ay di ko kinaya ang sakit at napag-desisyonan ko na makipag balikan kay danny, pero dumating ang mama mo. Nahulog ang loob ng papa mo sa isang tingin lang kay Elizabeth. Sa huli nawalan na ako ng pag-asa. Kailangan kong sundin ang utos ni dad."
Nag-sisisi na kwento ni sunny. Habang ako, hindi makapaniwala sa storya ni sunny. Parehas silang may gusto ni king eros kay papa. At isa pa mababang uri pala si papa bakit ngayon ang dami naming kayamanan?
"Kung mababang uri si papa, bakit madami kaming kayamanan?" naguguluhan kong tanong
"Uhh...Si Elizabeth.....anak sya ng mayamang pamilya, nag iisang anak lang ang nanay mo. Patáy na ang mga magulang nya at kay Elizabeth lahat na punta ang kayamanan. Si danny naman ay lumaki sa ampunan, matalino ang papa mo kaya nakapasok sya sa school nang pang-mayaman," sagot ni sunny.
Biglang iniba ni sunny ang usapa, hindi na yata sya comfortable na pag usapan ang nakaraan nya. Kaso ako naman ang hindi naging komportable sa pinag-uusapan namin ngayon.
"Si Ethan at Liam hindi ako makapaniwala na gaganunin ka nila kung wala kang ginawang masama," biglaang sabi ni sunny at tumingin saakin ng seryoso
"Hindi ko rin alam kung bakit ganon sila," hindi ko sinabi ang totoong dahilan baka hindi maintindihan ni sunny.
"Si.... Ethan hindi sya nakaramdam ng attention saamin ni eros, pero napakabuti nyang bata. Hindi nga ako sinuwerte sa pag mamahal, sinuwerte naman sa anak," nakangiting saad ni sunny.
Napangiti at tumango ako sa sinabi ni sunny. Napaka kalmado at maintindihin ni ethan. Masâma lang ang ugali ni ethan sa iba at prânka mag salita pero mabait si ethan.
"Tama po kayo," sangayon ko
"Kung ano man ang pinag awáyan nyo sana maayos agad, at sa ngayon isang linggo kayong walang pasok ay mag-palamig muna kayo ng ulo bago mag-usap," payo ni sunny saakin at tumayo na sya
Tumango lang ako.
"Aalis na ako masyado nang gabi, pupunta ako dito bukas para dalawin ka at ibigay ang gamot," nakangiting saad ni sunny at tumalikod na
"Salamat sunny!" nahihiya kong sigaw.
Narinig ko ang tawa nya at umalis na sya ng bahay. Simple lang ang bahay ni sunny, malapit ito sa pamilihan at gawa sa kahoy.
Siguro ay tama si sunny, siguro kailangan namin mag usap ng masinsinan nila ethan. Kakausapin ko nalang sila pag pasukan na natatakot pa kasi akong makipag-kita sa kanila.
Humiga na ako sa kama at pumikit. Hindi ko muna sila iisipin, naiistress ako.
.
.
.
.
.
𝙀𝙩𝙝𝙖𝙣'𝙨 𝙋𝙊𝙑.....Nandito kami ni liam sa kwarto ko, nakonsensya ako sa ginawa namin kay Eliot. Sigurado ako na lalayuan na kami ni Elliot, si Elliot nga ba?
Naguguluhan pa rin ako na na-guilty. Kasalanan ko kung bakit nawala ang totoong Elliot. Kung sana ay hindi ako nag paapekto sa selos at sa sinasabi ni liam, sana ay kasama pa namin si Elliot.

BINABASA MO ANG
BOYSLOVE: His Shattered Heart
Teen FictionREINCARNATION SERIES ONE They didn't cheat but they betrayed me. Betrayal is the worst thing they did. Nang na-reincarnate si kyle sa loob ng libro, unang pumasok sa isip nya ay wag guluhin at layuan ang dalawang lalaki na bida sa storya. Ngunit hin...