Chapter 28

121 3 0
                                    


𝙀𝙡𝙡𝙞𝙤𝙩

"Wag ka bibitaw kuya," tumango ako. Matapang akong tinignan ni alice, pero ramdam ko ang panginginig nya. Masyadong madilim sa loob ng gubat na ito at malamig sobra. Hinubad ni alice ang jacket nya at pinasuot saakin.

Huminto muna kami sa isang malaking puno at umupo.

"Alice, kailangan mo yan nakasando kalang. Lalamigin ka," nag aalala ko syang tinignan. Akmang huhubarin ko ito.

Umiling sya saakin at naiiyak akong tinignan.

"Kuya, bu-búntis ka kailangan mo 'yan," nanginginig ang labi nya. Hinawakan ko ang braso nya at ramdam ko ang lamig. Kakatanggal nya lang ng jacket pero nilalamig agad sya.

Hinubad ko ang T-shirt ko at seryosong tumingin sakanya.

"Kuya anong ginagawa mo!? Malamig masyado suotin mo na yan at ang jacket!" mahinang sigaw nya saakin.

Umiling lang ako. Naramdaman ko ang malamig ma simoy ng hangin. Nanginig agad ako. Tumayo ako at pinasuot sakanya ang T-shirt ko

"Suotin mo 'yan at ako ang mag susuot ng jacket mo, wag ka nang tumanggi. Bilisan na natin..."

Kita ko ang pag aalinlangan nya pero sinunod nya rin ako. Sinuot ko na ang jacket dahil nilalamig na ako. Mahamog na din at gabing gabi na.

"Tara na alice." Agad kong hinawakan ang kamay nya at umalis sa lugar na iyon.

Naglakad pa kami ng naglakad. Napaka dilim, natatakot ako pag ganto. Nanginginig akong humawak sa braso ni alice.

"Nandito ako kuya, wag kang matakot," pag papakalma saakin ni alice.

"Sila m-mama alice, nag a-aalala ako sakanila..." naiiyak kong saad.

Baka kung ano na ang ginawa nila liam kila mama. Baka gawin din nila kila mama ang ginawa nila kay zell. Naiiyak ako na natatakot. Kasalanan ko ang lahat.

"Kuya kumalma ka okay." Hinawakan ako ni alice sa balikat at huminto kami.

"Kasalanan ko lahat alice." Niyakap nya ako at pinakalma.

"Shh its not your fault kuya. Relax take a breath. Nakakasama sa baby ang ganyan kuya. Sige ka baka iwan ka ng baby mo..."

Napanguso nalang ako at tumahan na. Napangiti si alice at pinunasan ang luha ko. Pinipilit kong tatagan ang loob ko.

Nahinto kami sa pag da-drama ng makarinig kami ng yapak ng paa, madami ito.

"Kuya mukang may tao manghihingi lang ako ng tulong, dito kalang." Tumayo si alice at iniwan akong nakaupo.

Marami kasi ang yapak ng paa at dalawa lang ang humahabol saamin kaya wala akong dapat ipagalala.

Ilang minuto akong naghintay kay alice, nakita ko si alice na papalapit saakin kaya nginitian ko ito, pero nawala ang ngiti ko ng makitang puro talsik ng dúgo ang damit at kamay nya.

"Kuya, mga tauhan nila liam iyon. Kailangan na nating umalis!" Agad akong hinila patayo ni alice. Muntikan pa akong madapa dahil sa malakas nyang pag kakahila.

Tatakbo na sana kami ng mapaligiran kami ng mga taong nakaitim. Nakaaninag ako ng bulto ng babae na papalapit saamin, mayamaya lang ay nag salita na ito.

"Ang bilis mo namang umalis, alice Mahal..."

Nanlaki ang mata ko ng makitang kapatid ito ni liam. Si hellia.

Nanginginig akong tinago ni alice sa likod nya.

"Umalis kayo sa harapan namin," seryosong bigkas ni alice.

BOYSLOVE: His Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon