Chapter 10

268 13 5
                                        

Guilty

The doctor covered my parents’ lifeless body with a white blanket. My body refused to move. All I could do was close my eyes hoping it was just an illusion. When I opened my eyes again, I was met with utter darkness.

I was suddenly breathless. Soaked with sweat yet the room felt cold.

I saw a faint light somewhere. I saw something about to cover me but instead of a white blanket, it’s a door. The panel of a car trunk.

I screamed and was expecting no sound to come out from my dried throat. But I was startled at the shrilling sound of my high-pitched voice and shivered at how terrified I sounded.

“Mommy! Daddy!” I cried to no one. I saw nothing.

“Ano’ng nangyayari?!” A familiar voice shouted. Papalapit ang boses niya kaya nasisiguro kong hindi siya ang nasa tabi at iniyuyogyog ang katawan ko.

I didn't realize I had my eyes closed until I felt a warm hand touch my face and my tears. Nagmulat ako at kahit malabo ang paningin dahil sa mainit na luha ay unti-unting naging malinaw sa akin ang pamilyar na imahe. Medyo madilim sa silid pero kahit hindi kita ang kabuuan ng kanyang mukha, alam ko na s’ya ‘yon.

His familiar scent also gradually went to my nostrils, completely dragging me back to my senses.

“Ano’ng nangyari?” Hans asked again and the lights scattered around the room when he turned it on before walking closer to us.

Sandali akong napapikit dahil sa biglaang liwanag pero agad na nagmulat para titigan si Dmitri. Nahuli ko pa ang naghalong takot at pag-aalala sa namumutla niyang mukha bago iyon mabilis na maglaho. Isang beses niyang pinasadahan ng tingin ang anyo ko bago nag-iwas ng tingin at kalaunan ay tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ko.

He stepped on the side so Hans moved closer to me. Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa mata at inayos ang magulong buhok.

“Ano’ng nangyari, iha? Nanaginip ka? Dahil siguro sa nangyari sa’yo kanina…” he trailed off when Dmitri handed me a glass of water.

Nakita ko ang pagkuha n’ya noon mula sa nightstand. My brain failed to process he actually meant to give it to me. Parehas kami ng naging reaksyon ni Hans na nagdalawang tingin pa kay Dmitri pero wala naman siyang ibang sinabi. Nagpatuloy siya sa pagsasalita kaya tinanggap ko na ang tubig. Medyo nanginginig pa ang katawan ko kaya dalawang kamay ang ginamit ko para tanggapin iyon.

“Pasensya ka na sa ginawa ko kanina ha? Hinimatay ka siguro dahil sa init. Mali talaga ang ginawa ko pero iyon lang naisip ko kanina. Mabuti nagising ka na.”

They’re both watching me sipped on the glass. Uhaw ako pero hindi ko magawang magmadali sa tingin nila. Lalo na nang magtama ulit ang paningin namin ni Dmitri.

Umiwas ako at nilingon ang bintana pero nakapinid na pala ang kurtina. May maliit na siwang kung saan nakita ko ang orange na ilaw sa labas na kusang bumubukas kapag nagdilim na.

“What happened?” I asked in a tiny voice. I was confused. “How did I get here?”

“Binuhat ka ni Dmitri. Hindi ko namalayan na hinimatay ka na pala. Akala ko talaga kung napaano ka na. Takot na takot ako!”

I blinked and stared at him. Tila uminit ang puso ko sa pag-aalala niya kaya tipid akong ngumiti.

“Takot na takot akong mapatay ni Dmitri!” he added and my smile flattened. “Kung nakita mo ang ayos n’ya kanina! Naku, hanggang ngayon nangingilabot ako—” He stopped when he glanced and realized Dmitri was still there. Halos masamid kaya idinaan sa pabirong tawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unwilling VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon