" boyfriend "
Love yourself.Love as much as you can.
Dahil kapag naubos ka mula sa dating pag-ibig na sobrang sakit, mahirap ng mahalin muli ang sarili.
Lalo kung yung pagmamahal na inipon mo at sa isang iglap lang nawala, sobrang hirap na talagang ibigay yun ulit sa sarili-- dahil wala na. Nawala na lahat yun.
Kaya naman..araw-araw mula nang mapagdesisyunan kong umalis, ipinangako ko sa sarili na magmamahal pa'rin ako. Pero this time..sa sarili ko na.
As part of loving myself, every two weeks ay bumibili ako ng bulaklak para sa sarili.
Ewan.. noon akala ko na kailangan ibang tao pa ang magbigay nito sa'kin dahil tingin ko kapag ibang tao ang dapat gumawa nun ay mas mararamdaman kong mahal ako. Na may nagmamahal talaga sa'kin.
Pero ngayon nauunawaan ko na hindi naman pala sa lahat ng panahon ay ganun. Dahil minsan...kaya mo rin palang gawin yun sa sarili. Kaya mo rin palang ibigay yun na hindi kailangang hingin o e demand sa ibang tao.
That was I learned from my past mistakes.
Na hindi ko pala kailangan hingin yung mga bagay na kaya ko namang gawin sa sarili. Gaya ng pagmamahal.
Kaya ko naman pala na mahalin ako. Kaya kong ako lang. .na walang ibang tao na dapat magparamdam nun sa'kin.
I am just holding a boquet of white tulips here while walking towards my unit. Nasa hallway ako at mabagal na naglalakad.
Medyo mahirap na kasi sa kalagayan ko ang anumang paghakbang. Ang bigat na kasi ng tiyan ko.
Since hindi ko na kayang pumunta ng Dangwa upang dun mamili ng mga murang bulaklak kaya nagpadeliver nalang ako.
Bago yung rider at hindi pa kabisado yung building kaya naman bumaba nalang ako para abangan siya sa receiving area.
Few more steps, I am close now to my unit. Pero malayo palang may nakita na akong parang may nag-aabang sa labas ng aking pintuan.
Nakatalikod siya mula rito sa gawi ko kaya hindi ko agad nakita kung sino ito.
Lalaki siya base sa kanyang porma. Akala ko babae dahil sa medyo mahabang buhok.
Napakunot ang noo ko habang papalapit sa kanya. Akala ko kasi si Isaiah pero parang pamilyar yata ang buhok na ito pati na'rin yung tindig.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hoping na sana mali ako sa akala.
My baby maybe feel how nervous I am, that is why he move. Napahawak ako sa tiyan at nang tuluyang makalapit sa taong ito, dun ko na napagtanto na tama ako sa hinala.
It's Sevi.
Humarap siya sa'kin. Pareho pa kaming napahinga ng malalim nang mapatingin sa isa't isa.
Both of us are shock to see each other again..this close.
Napalunok ako at agad na napaatras.
Ilang sandali pa ay napakunot na ang noo ko. Wanting to ask him of why the fuck he's here?! Who told him my address?!
" Harriet..." Maybe he see my confusion that is why he try to move closer into me. Pero napaatras lang ako lalo.
Hindi gustong mapalapit na naman sa kanya.
I don't know..ganun pa'rin kasi ang epekto niya sa'kin kahit sa kabila ng nangyari.
Shit... Akala ko okay na. Akala ko kaya ko ng harapin siya na hindi naaapektuhan pero...ano to? Bakit sobrang kinakabahan na naman ako?
" Harriet...please ..hear me out first. Akala ko kasi..
Napakurap ako.
" Ano bang ginagawa mo rito? And who the fuck told you my address? "
Kung sino man siya...sana madapa siya!
" Aray!! "
Pareho kaming napalingon ni Sevi.
Nakita ko si Isaiah na nadapa hindi kalayuan mula sa'min.
" Isaiah..." Nakita kong mabilis naman siyang tumayo at nag-aktong hindi nasaktan sa nangyari.
He smile at me. Lumapit siya sa'min.
" Okay ka lang? " Mukha kasing malakas yung pagkadapa niya.
Napatango siya sabay tingin kay Sevi.
Sevi's face is pale.
I don't know why he's stiff there. Parang kakarecover lang niya mula sa matinding pagkagulat.
" Oh..ikaw pala. Mabuti at nahanap mo yung unit." I don't know why he talk to Sevi casually. He then face me.
"Harriet kasi..pumunta siya ng opisina..nagtanong ng unit mo. Sinabi ko naman sa kanya kung saan. Sabi niya pinsan mo raw siya."
Parang gusto kong masamid kahit wala naman akong iniinom.
Si Isaiah pala ang salarin!
At ano yun? Pinsan?!
Nakita kong parang umiwas agad ng tingin si Sevi sa'kin nang tingnan ko siya ng maigi. Puno ng pagdududa ang mga titig ko sa kanya.
" So kumusta.. nakapag-usap na kayo?"
Walang ni isa sa'min ni Sevi ang umimik sa tanong niya.
Ilang sandali pa ay napahinga ako ng malalim.
I just want to get inside my condo without having this feeling of irritation.
" Balik nalang siguro ako sa susunod Harriet. Mukha kasing may seryoso kayong--
" No.." Mabilis kong pigil sa kanya.
Nagulat si Isaiah nang bigla ko siyang hilahin palapit sa'kin. Mabilis akong umangkla sa braso niya.
" We're done talking. " I am looking at Sevi.
Napakurap siya habang seryoso lamang na napatingin sa'kin.
" Aalis na siya..di ba? " Hindi siya sumagot.
" Kaya ..if you'll excuse us..pinsan...papasok na kami sa loob ng boyfriend ko."
Hinila ko na agad si Isaiah at sobrang bilis na nilabas yung susi ko.
Sevi's face is shock with what I said.
Maybe not believing that I have a boyfriend now. I want him to believe that Isaiah also is the father of this child.
Pero pakialam ba niya kung may boyfriend ako ngayon o wala. May pakialam ba siya?
Mukhang wala naman base sa huling trato niya sa'kin.
Saka..ano ba talagang ginagawa niya rito, ha?
Nang mabuksan ko na yung pinto, ni hindi ko siya nilingon at basta nalang hinila papasok ng condo si Isaiah.
I immediately shut the door.
Nang nasa loob na kami ng unit ay sobrang bilis kong napahinga ng malalim.
Binitawan ko agad si Isaiah sabay lapit sa ref. Before I forget..may hawak pala akong bulaklak. Kaya naman nilagay ko muna 'to sa counter saka ako kumuha ng tubig sa ref at uminom.
Gumalaw ulit ang anak ko sa'king tiyan. Maybe feeling again all the tension in my system.
Nang mahimasmasan, napaharap ako sa nagtatanong na mukha ni Isaiah.
Napatingin ako sa kanya na buong pag-aalala.
I'm a bit frustrated now. Disappointed from what he did.
Bakit kailangang sabihin niya kay Sevi yung address ko?!
Pero wala naman siyang alam kaya pinapatawad ko na siya.
I let out an exasperated sigh.
" What was that.. Harriet? "
BINABASA MO ANG
BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)
Roman d'amourHarriet Denise Santibañez is very inlove with his half brother's friend, Sevirino Elliot Dimagiba. Knowing she is the daughter of the richest man in their town, so she used her dad's power and influence just to get the man she wanted in this life. P...