Chapter 2
UtangJessica's POV
Pinagmamasdan ko ang likod ng lalaki na tinapon ang sigarilyo ko. Papansin siya kahit kailan at pakialamero pa. Kaya napikon sa ginawa niya at sinuntok ko siya sa mukha. Mukha naman natauhan sa ginawa ko.
"Bayaran mo 'yon ha!" habol na sigaw ko sa kanya at nakita ko na kumaway lang siya sa akin nang hindi lumilingon sa likuran niya.
Puta! Sayang ang limang piso ko!
Nang nawala na siya sa paningin ko ay biglang tumunog ang cellphone ko galing sa loob ng bag ko. Kaagad ko iyon kinuha. Baka si Moana ang tumatawag dahil may inoorder ako sa kanya na cupcakes para sa anak ni Manang.
Pero nagkamali ako, ang nag-appear sa screen ng cellphone ko ay ang pangalan ni Dad. Bigla ako nakaramdam ng pagkadismaya at lumakas ang tibok ng puso ko. Nilunok ko ang sarili kong laway bago ko sagutin ang tawag ng Dad ko.
"Good afternoon," Magalang na pagbati ko sa kanya. Bahagya akong tumikhim para alisin ang bara sa lalamunan ko.
"Jessica, my business partners from Austrilla will visit here later at mansion. They will look forward to seeing you. So... go home early para makapagayos ka ng itsura mo. Magsuot ka ng formal dress na binili ko sayo." Istriktong utos sa akin ni Dad at halatang walang gana makipag-usap sa akin base sa toni ng boses niya.
Napangiwi ako sa sinabi niya, "Okay, Dad. But para saan—" He immediately hung up the call and I sigh heavily.
"OH, iha! Nandyan ka na pala! Maligo ka na para makapag-ayos ka na!" Sinalubong ako ni Manang Soren na may ngiti sa labi. "Dahil maya-maya lang, dadating na ang mga bisita ng daddy mo."
"Ano ba meron? Meeting ba?" Medyong inis na tanong ko kay Manang Soren.
"Bakit pa kasi kailangan pa ako kasama 'dyan sa meeting nila Mr. Hailey? Hindi naman ako interesado sa company niya." Inis na sabi ko sa kanya at sumimangot si Manang nang pagkabanggit ko ang apelyido ni Dad.
Nagbuntong hininga muna siya bago magsalita. "Hay nako Jessica, ba't mo ginaganon ang Dad mo ha?" hinawi niya ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko at nilagay ko sa taas ng tenga ko. "Kahit gan'on ang tatay mo, dapat igalang mo pa rin siya. Siguradong mahal ka n'on hindi lang siya... alam mo na."
Hindi na ako sumagot at nagiwas lang ako ng tingin. Mahal ako? Tsk, mas mahal pa niya ang average ng grades ko kaysa sa akin.
"Huwag na huwag kang magtanim ng galit sa kanya, kasi tatay mo pa rin siya. At sa tingin ko, mahal na mahal ka pa rin niya sobra higit sa buhay niya." Mahinahon na sabi sa akin ni Manang at sinusuklay niya ang mahaba kong buhok habang nakangiti pa rin sa akin.
Napasinghal ako. "Impossible, Manang. Nagbago na siya."
"Hay nako, kapag wala yung tatay mo kung ano-ano pinagsasabi mo sa kanya pero kapag nasa harapan mo na siya..." Bahagya natawa si Manang. "Parang kang inaapi na tuta."
Umirap ako sa kanya at bumulong ako para gayahin ang mga pinagsasabi niya.
"Sige na, pasok ka na d'on sa loob para makabihis ka na. Dahil maya-maya ay dadating na ang mga ka-business partner ng Dad mo." natatawang sabi ni Manang pero bigla nagbago ang ekspresyon niya at makita ko ang pagsinghot niya. Inilapit pa niya ang mukha niya sa suot kong uniform.
Lumayo ako sa kanya at sumalubong ang kilay ko, "Bakit?"
"Naninigarilyo ka ba? Amoy usok ng sigarilyo yung uniform mo! Pumunta ka nanaman ba kanila, Radson ha!" tinaas niya ako ng kilay.
Peke akong ngumiti at halos kita lahat ang ngipin ko. "Manang, alam mo naman na madami naninigarilyo sa labas. At saka nasa Australia ngayon si Radson. Next month pa siya uuwi."
BINABASA MO ANG
Never Blind To Her Flaws
RomanceRoffer Vincent Feather is a transferred student at Athena University. He is a hardworking student, and his only goal was to graduate from senior high school. He wanted to become a secondary teacher because his parents are also teachers in California...