Prologue
Pedestrian Brigde
Roffer Vincent's POV
BEEP! BEEP!
Pinapakinggan ko ngayon ang kanta na galing sa radyo ni Manong driver sa kalagitnaan ng traffic na hindi ko alam kung ano ang pamagat. Gusto ko sana gamitin ang motorbike para maaga ako makapunta sa school kaso inaasikaso ko pa ang driver license ko.
Ngayon araw kasi ang unang pasok ko dito sa Pilipinas. Pansin ko na hindi masyado umuusad ang mga sasakyan. Nakasandal ang ulo ko sa bintana ng taxi habang pinagmamasdan ko ang mga tao na dumadaan sa sidewalk.
Last week, I just came home from California. Dahil iyon ang utos sa akin nila Mom and Dad. My brother is grieving because of what happened to his girlfriend. I don't know what happened to them. Ang alam ko lang ay my brother's girlfriend passed away three weeks ago.
"Tagal naman umandar mga kotse na 'to oh!" The taxi driver shouted irritably and napatingin ako sa kanya dahil nagulat ako sa boses niya.
Nakakunot ang noo niya at nakahawak siya nang mahigpit sa manibela niya. Nawala ang pagka-bad trip ng mukha niya nang makita niya ako sa rear mirror. Nilakasan niya bigla ang volume ng radyo at ngumiti siya sa akin. Nginitian ko rin siya pabalik.
"Pogi, sobrang enjoy mo ang music ha," natutuwang sabi niya sa akin at lumingon siya sa gawi ko. "Kahit late ka na sa unang klase mo." natatawang sabi ng driver at pumipito pa ito na parang sinasabayan pa ang tuno ng kanta.
Natawa ako lang ako sa sinabi niya at tumingin ako sa relo ko.
7:15 am— what? I was 15 minutes late for class!
Kaagad ko kinuha ang wallet ko na nasa bag ko at dumukot ako ng 160 pesos.
"Manong! Bayad ko po," I handed over my payment to him. "Baba na po ako! Keep the change po and thank you!"
"Salamat—" pagsasalamat dapat ng driver ngunit bumaba kaagad ako ng taxi dahil sa pagmamadali.
I walked and ran so I wouldn't be late for my first subject. General Mathematics subject is the first on my schedule and our professor there is a man. It's obvious from his name that he's grumpy.
Kaagad ako umakyat sa hagdan ng pedestrian bridge para madali nalang ako makapunta sa school namin.
Pagkaakyat ko ay huminto muna ako sa paglalakad dahil bumibilis na ang paghinga ko parang hinabol ako ng mga kabayo, at gumagataktak na ang pawis ko sa noo dahil sa pagmamadali at sa init ng panahon. Pinunasan ko kaagad iyon gamit ang likod ng kamay ko at huminga ako ng malalim.
Tsk! I will smell sweaty when I was in school already!
Naglakad muli ako para makarating na ako sa school kaagad. For the first time ko lang ma-late ngayon dahil sa tinding traffic, kakapagod pala.Napahinto ako sa paglalakad at napaawang ang akin bibig nang makita akong isang babae na sumasampa sa gilid ng pedestrian bridge at mukha itong magpapakamatay. Nakangiti pa ito kahit anong maling galaw lang niya ay mahuhulog na siya!
Bahagaya nagwala at bumilis lalo ang tibok ng puso ko at bahagya ako nataranta. Dahil konting hakbang nalang ng babae ay malalaglag na siya!
"Miss!" sigaw ko. Gulat na napatingin siya sa akin at nawalan siya ng balanse! Dahil sa taranta ko nang kaagad tumakbo ako palapit sa kanya para saluhin siya.
Pinalibot ko ang kanan kong braso sa beywang niya at hinila ko siya para hindi siya mahulog tuluyan sa baba ng pedestrian bridge na puno ng dumadaan na mabilis na mga sasakyan.
BINABASA MO ANG
Never Blind To Her Flaws
RomanceRoffer Vincent Feather is a transferred student at Athena University. He is a hardworking student, and his only goal was to graduate from senior high school. He wanted to become a secondary teacher because his parents are also teachers in California...