“YOU'RE FIERD!” matigas at umalingaw-ngaw na sabi ni madam sa kaniya.
Napanganga siya at nagulat sa sinabi nito, a-ano raw?
Kasulukuyan silang nasa office nito matapos na ipasa niya ang manuscript na ipapasa niya, actually late na siya nakapag pasa na dapat kahapon pa sana niya ipinasa but hindi niya naipasa dahil sumama ang pakiramdam niya. Through email nalang sana kaso walang load ang WiFi niya at natatamad siyang lumabas para magpaload.
“M-Madam—”
“I already give you a chance, ilang ulit ko na 'yon ibinigay sa'yo kasi naaawa ako sa'yo. But this is too much! Too much na 'to Ly.” mariing sabi nito.
“Madam, hindi ko lang po talaga naipasa kasi masama ang pakiramdam ko, tapos through email nalang po sana kaso nawalan ng load ang WiFi ko.” paliwanag niya.
“Dami mong alibi Lyka, ang sabihin mo namumurublema ka pa rin.”
“Madam naman.”
“Ako, ang dami ko ring problema pero hindi ko dinadala rito sa trabaho ko.” sabi pa nito.
“Madam give me another chance pa po, aayusin ko po lahat.” pagmamakaawa niya.
“No Ly, enough na 'to baka pahinga lang din ang katapat niyan. Magpahinga ka nalang muna Ly.”
“Madam naman—”
“Nakahanap na rin ako ng ipapalit sa'yo.”
Napatingin siya rito, ewan niya ba biglang kinabahan siya at mas lalong nanikip ang dibdib niya. Gusto niyang umiyak pero naalala niya na nasa harapan pala siya ni madam, shit nakakahiya. Napakagat labi nalang siya upang pigilan ang namumuong luha sa kaniyang mga mata.
“Sorry Ly...”
“JUSMIYO!” bungad sa kaniya ni Lodi mula aa kabilang linya.
“Lodi hindi ko na alam ang gagawin ko, sunod-sunod na malas ang nangyayari ngayon sa akin.” umiiyak niyang kwento rito.
“Shhhh tahan na.”
“Lodi, ang sama-sama ko bang tao? Bakit palagi nalang ako? Bakit lagi nalang nasa akin ang problema? Am I not enough ba to everyone?” parang tangang tanong niya.
“Enough ka pero sandali lang dahil maraming pinapa-encode sa akin ang boss ko.”
“Kainis naman 'yang boss mo! Sino ba 'yan?”
“Naku pag makita mo 'to panigurado laglag 'yang panty mo.” humahalakhak nitong sabi.
“Dito ka nalang kaya magtrabaho para magkasama na ta'yo?” dagdag pa nito.
“Ewan ko sa'yo, sige unahin mo nalang 'yan.” tanging sabi niya at binabaan na ito ng cellphone.
Napabuga siya ng hangin at napatingin sa naka sabit na relo sa dingding, alas 5 na pala ng hapon.
Hindi niya alam kung anong gusto gawin, wala na siyang trabaho. Ano nalang ang ipapadala niya sa mga magulang niya? Edi, wala na kasi wala na naman siyang trabaho.
Out of nowhere parang may pumasok sa kukute niya, hindi siya palainom. At never pa siyang nakatikim ng alak in her whole life.
What if maglasing siya para naman maibsan? At para naman mafeel niya kung paano malasing. Out of curiosity ay parang nabuhayan siya ng loob na gawin iyon.
NAPAPALINGA-LINGA siya sa loob ng bar, ano ba 'tong napasukan niya? Bar ba ito or motel? Napapatakip nalang siya ng mukha pag napapadaan siya sa mga naghahalikan na mga tao, take note, kung sino-sino ang kahalikan. Napalunok siya noong napatigil siya sa paglalakad, tama ba 'tong gagawin niya?
BINABASA MO ANG
Threads Of Love [FRAGILE SERIES#6]
عاطفيةLyka, a brokenhearted woman and recently fired from her job due to not being able to perform well because of her emotional state, decided to drown her sorrows in alcohol at a bar. Unexpectedly, she ended up having a one night stand. But what if her...