11

1 1 0
                                    

Patiwakal na mangtutula
Written by R. Moreno

Ilang beses na nga ba ako nagsusulat ng mga tula dahil Hindi ko kayang saktan ang aking sarili?
Patiwakal na mangtutula—
Maaring itawag sa akin.

Patiwakal na manunulat;
Dahil, Hindi ko kayang magpatiwakal kahit ako'y pagod nang mabuhay.
Habang buhay na magtutula—

Ito lamang ang bumubuhay sa akin ng saglit;
Kahit ang tula ko ay paulit-ulit.
Hindi sa ikinatatakot kong mamatay—
Sadyang hindi lamang kaya ng aking mga kamay.

Nakakapagod— Ang mga kamay ko'y nagdurugo;
Nais ko ng matulog habang buhay.
Mga tula ko na lamang ang mabubuhay—
Kahit kaunti ang nagbabasa, ako'y natutuwa.

Pahimakas—
Aking mga mambabasa;
Nais ko munang mapag-isa
At magpahinga sa dalampasigan.

The home of poemsWhere stories live. Discover now