10

1 1 0
                                    

Makata
Written by -R-

Ako'y Isang makata—
Isang mangtutula na ginagamit ang aking damdamin at mata;
Sa pagsusulat ng tula na hindi ko maipakita.

Isang makata na nais mapag-isa—
Nais Kong mapag-isa sa tabing-ilog;
Magsulat ng tula magdamag hanggang magpakita ang buwan na kay bilog.

Isang makata na Hindi makapagsalita ng tuwid—
Kaya siya'y nagsusulat upang hindi niya matali ang lubid;
Mangtutula na hindi magawang magpatiwakal.

The home of poemsWhere stories live. Discover now