Hindi ako nakatulog ng maaga dahil bigla ba naman akong kinausap at hindi lang basta nagkausap, nag offer pa siyang samahan ako para bumili ng mga kailangan sa project namin!
Kaya kahit kulang akong sa tulog nagawa ko pang gumising ng maaga. Excited yan? Samantalang tanghali na kong magising ako.
Matagal bago ako nasatisfied sa sout ko, hindi naman ako ganito eh basta kung anong nandyan iyon na ang isusuot ko. Pero ngayon medyo naging mapili ako dahil iba ang kasama ko
Si Christian
"7:26 na? Ang bilis naman ng oras?" ala sais ako nagising so mahigit isang oras na akong nag aayos?
Lumabas na ako sa bahay dahil baka kung anong oras na ako aabutin. Pumara nalng ako ng tricycle upang maka punta sa plaza ng bayan. Doon ang usapan namin ni Cristian na tagpuan namin
Hindi nga ako nagkamali dahil ng matanaw niya ang deriksyon ko ay agad na itong tumayo at pumunta sakin.
Chineck ko ang suot ko at inayos ang buhok ko. Mukhang okay lng naman itong sout ko sakanya. Naka black tshirt at white short pants siya samantalang kulay brown na blouse naman ang damit ko at pantalon na maong.
"let's go, Saan ba tayo pupunta?" tanong niya
Hindi lang naman niya binalingan ang sout ko... Marahil ay kanina pa siya naghihintay at gusto na niya akong samahan
" wait lang, kumain kana ba? Pasensya na ah hindi naman kailangan samahan mo pa ako dito, kaya ko naman"
"okay lang" he smile then he look at to my left side "kumain na ako Lisa. Nandto lng talaga ako para samahan ka ngayon"
Hindi na ako umimik nun kaya siya na mismo ang naghanap kung saan kami mamimili.
"Give me the list of the things you need" nilahad niya ang kamay niya sa harap ko
"ah.. hindi na ako nag sulat eh, inescreenshot ko lang sa cellphone ko" napakamot nalng ako sa ulo
Bakit ko pa isusulat eh nasa cellphone naman na??
Nilabas ko nalang ang cellphone ko at binuksan iyon atsaka inabot sakanya. Hindi ko namalayan na picture ko pala iyon nasa wallpaper nun!
Nakakahiya!
Nakatingin lang siya dun sa cellphone ko na para bang may kung anong mangyayari pag tumagal. Agad kong pinalitan ang wallpaper at ipinakita sakanya ang mga materials na kailangan.
"Sa loob ng palengke meron ito, kung sa book store or sa mall tayo baka mas doble ang presyo nito" paliwanag niya
Nauna na siyang naglakad kaya sumunod nalang ako. Gusto kong sabayan siya sa pag lalakad pero hindi ko magawa, malaki ng hakbang niya at mabilis din maglakad! Naliit naman ang hita ko kaya kahit anong gawin ko hindi ko talaga siya maabutan.
Para akong aso na sumusunod sa amo niya kung saan man siya pumunta. Kaasar naman itong lalaking toh, parang walang kasama ah?
Hinintay naman niya ako sa harap ng tindahan bago magtanong sa tindera ng mga gamit. Hinahabol ko pa ang hininga ko
"ate magkano po lahat?" Sabi ko habang nagbibilang sa wallet ko ng barya
Hinihiwalay kopa ang pamasahe ko mamaya pauwi. Mahirap na ayoko pa naman maglakad pauwi!
Madami din pala itong mga kailangan namin, sinama kona pati ang kay rica
"436 lahat neng"
Hala! 350 lang ang dala kong pera. Akala ko kase kaunti lang ito at mumurahin, umabot na pala sa 400 mahigit
Pinapawisan ako habang naghahanap sa wallet ko, nagdadasal na sana madagdagan itong dala ko
Putik! Ngayon pa talaga ako nakulangan
"ah ate baka pwedeng bawasan nalang yung iba ito? Kulang na kase ang perang dala ko"
Magbabawas nalang ako ng iba na hindi naman importante sa susunod nalng yung isa or sa school nalang kaysa makulangan ako ngayon
"it's okay, I will shoulder the balance" Christian
Nilabas naman agad niya ng wallet saka mabilis na nagbayad sa tindera. Napatunganga naman ako sa ginawa niya
"bakit mo yun binayaran?? Akong ang magbabayad nun!!"
He smirked "Inaaya mo pa akong kumain kanina ngayong wala ka namang pera, ide wala kanang pamasahe pauwi mamaya kung sakali?"
Yabang!!!
"Tsk! At least nag aya. Problema kona yun"
"think wisely, always remember that"
*beep *beep
Kinapa niya ang bulsa niya kung saan ang cellphone niya para sagutin ang tawag
"Mike, ahh..... Okay. Nasa bayan ako. Sige punta nako" he ended up
"Lisa, maiwan na kita dito. Nag aaya si Mike sakanila, basketball. Alis na ko..."
"Ganon ba... Sige sige salamat ha! Thank you ulit, ibabalik ko din yung pera mo"
"No worries Lisa. Bye"
Unti unti nalng siyang nawala sa paningin ko. Huminga ako ng malalim at naglakad nalng paalis. Akala kopa naman makakapag date na kami...
Hay naku! Buti nga tinulungan niya ako dito at siya pa ang nagbayad ng kulang ko.
Gwapo na nga, mabait pa
I smiled to that thought... Haha kailan kaya ulit ito mangyayari?
Haysstt
Masaya kong binalita iyon kay Rica
"Masaya ka pang na cancel yung lakad natin dahil kasama mo si Christian??!! Ang sama mo!!" madrama niya akong tinulak
Sinapak ko naman siya habang tumatawa. Half of it was right, hindi ko maipagkakaila dahil sinamahan ako ni Christian
"Nega mo naman! Ako na nga bumili ng project natin ikaw pa yung galit. Siya pa nga yung nagbayad ng kulang ko e"
"Tsk! Kaya kilig na kilig kana dyan ha??"
Inirapan ko siya at hindi na pinansin.
YOU ARE READING
Gusto Pero Hindi Pinersue (Short Story)
ContoThis is about a love that can't be persue. She's hoping for the next level of her feelings yet she doesn't move because she was never persue...