LARALAINE'S POV
"Una na ko" paalam ko sa mga kaibigan ko na agad hinawakan ang mga kamay ko habang natawa.
"Wala! Dito ka lang" pabirong sagot ni Athena na ikinatawa ni Kacee bago hawakan ang isa ko pang kamay. "Naur!" sigaw nito habang natawa na ikinatawa ko na rin dahil sa pagiging maligalig nila.
"Saan ka naman ba kasi pupunta? Ang saya-saya na natin dito eh" tanong ni Athena habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ko.
"Teh! Ang tanda mo na ah, wag mong sabihing pinapauwi ka na ni Tita" pagsabad ni Kacee na ikinatawa nang malakas ni Athena.
"Baby, Laine. Uwi ka na" paggaya ni Athena sa Mama ko na ikinatawa naming tatlo. "Anong oras na? Di ka pa ba uuwi baby, Laine ko"
"Hoy!" sigaw ni Kacee nang tahulan kami ng aso nila dahil sa ingay namin. "Edi sorry" pabirong sagot ni Athena dun sa aso na ikinatawa namin ni Kacee.
Tumingin naman muli ito sa'kin bago tapikin ang balikat ko. "Mag-iingat ka ah" payo nito at tumango naman ako bago sumakay sa loob.
"Ikaw, kailan ka uuwi? Hindi ka pa ba hinahanap ni Tita Nana?" rinig kong tanong ni Kacee at natawa naman ako nang makita ang gulat sa mukha ni Athena matapos marinig iyon.
"Ayaw mo ba na nandito ako?" tanong nito na ikinatawa na din ni Kacee.
"Ayaw" pabirong sagot nito at nakita ko naman ang pagtataray ni Athena na muli naming ikinatawa.
"Wala kang choice, dito ako. Dito rin ako matutulog" sagot ni Athena bago ako kawayan at natawa kaming dalawa ni Kacee nang tumakbo ito papasok sa bahay nito at ilabas pa ang dila sa'min.
"Tarantado talaga" komento ni Kacee at nakita ko naman ang pang-aaway na ginagawa nito sa aso na tumahol sa'min. "Hoy!" pagsaway nito kay Athena.
"Mami! Sinigawan ako ni Kacee!" pagsumbong ni Athena sa Lola ni Kacee na ikinatawa ko.
"Laine, ingat ah" paalam nito sa'kin at tumango naman ako bago sila kawayan na dalawa at nagsimula nang nagmaneho.
Makalipas ang ilang oras na pagmamaneho ay narating ko na din ang destinasyon ko. Naghanap muna ako ng pagpa-parkingan bago tuluyang bumaba ng sasakyan at maglakad papunta sa entrance.
"Good Evening, Ma'am" bati sa'kin ni Kuya Guard nang pagbuksan ako nito ng pinto.
"Thank you po" nakangiti kong sambit bago tuluyang pumasok sa loob ng art gallery na binista ko.
Pagpasok ko ay agad akong naglibot, appreciating art from different artist. Lahat ng nandito magaganda, mula sa mga simple sketches, paintings, at mga sculptures. Masasabi mo talagang pinag-isipan bawat detalye, kulay at yung hugis. At bakas din sa bawat isang to na iningatan ng mga gumawa.
"Ang ganda" Napatingin ako sa gawi na yun nang marinig ang mababang boses na iyon.
Tumango ako bilang pagsang-ayon bago muling tingnan ang painting na nasa harapan ko. "Is it really pretty?" tanong niya kaya muli akong napatingin sa kaniya.
Bahagya itong natawa bago ako tingnan. "Hindi ka man lang ba nagagalit? Naiinis? o kaya gustong...I don't know, perhaps gumanti?"
"Hindi ko alam kung anong tinutukoy mo" sagot ko na ikinatawa nito.
"Tanga-tangahan? Oh! You're acting. Since when did you take interest in acting—and by the way, you're not good at it" nanatili ang ngisi nito sa labi bago ibalik ang tingin sa painting sa harapan namin. "Did your friend...hmmm" napaisip ito saglit bago ako tingnan.
"Sino nga ulit yun....ah! Si Athena" sabi nito. "Siya ba nagturo sayo umarte—pero, magaling siya ah" napaisip itong muli.
"Si Kacee. Yeah! That friend of yours. Siya siguro ang nagturo sayo. Your acting and hers are both unnatural" nakangisi nitong sagot habang nang-aasar ang mga mata nitong nakatingin sa'kin. "I still don't get it paano siya nanalong best actress"
"Pwede bang tumigil ka na?" mahinahon kong pakiusap sa kaniya.
"Hindi ka ba talaga marunong magalit?" tanong nito bago ako tingnan direkta sa mata. "O... talagang tinalikuran mo na tong parte ng buhay mo na to?"
"Ayoko ng gulo-"
"So you'll let them invalidate your feelings? Your works? Yung pinaghirapan mo?!" tanong nito bago ako lapitan at hawakan ang magkabila kong pisngi.
"Darling..." hindi ko maiwasan ang bahagyang manginig nang dumampi ang malalamig niyang kamay sa pisngi ko. "This shitty act of yours...doesn't make you the bigger person" sabi nito kaya bago pa man ako maiyak ay tinanggal ko na ang kamay nito sa mga pisngi ko.
"Only a stupid person thinks that way-"
"Then, tanga na kung tanga!" matapang kong sabad na ikinatigil nito bago natawa.
"Wow!" sigaw nito sa kalagitnaan nang pagtawa dahilan din para umalingawngaw ito sa buong kuwarto kung nasaan kami. "Bravo to you, Laraleine!" malakas nitong sambit habang napalakpak. "Bravo to you!"
"You almost scared the shit out of me" sarkastiko nitong sabi bago natawa.
At tuluyan na nga kong binalot ng hiya, kaba at takot. "Tama na please" pagmamakaawa ko dito bago naluluhang tumingin sa mga mata niya.
Nawala ang ngisi nito sa labi. "You're begging...again?" muli itong natawa bago ako lapitan at iharap ako sa painting.
"Tingnan mo!" parang nababaliw na nitong sambit habang mahigpit na nakahawak sa ulo ko. "Such a wonderful painting..."
"Then look at that" dagdag nito bago ipihit ang ulo ko papunta sa pangalan ng artist.
"Such wonderful painting only to be owned by the wrong artist..." binitawan nito ang ulo ko at hinarap ako sa kaniya bago punasan ang mga luhang tumulo na pala sa pisngi ko.
"Isn't it unfair, darling?" tanong nito habang nakatingin direkta sa mata ko.
"Don't you find it just UNFAIR!" sigaw nito binibigyang diin ang salitang 'unfair'.
"IT'S FUCKING YOURS!" bulyaw nito bago natawa at napaupo na lang ako sa sahig dahil sa nangyayari. "YOU'RE THE FUCKING ARTIST YET YOU LET THAT BITCH STOLE WHAT'S YOURS!" galit nitong sigaw bago ako lapitan at lumuhod sa harapan ko.
"It's yours...it's fucking yours" bulong nito sa'kin at animo'y nagmamakakaawa ang tono ng boses habang nanginginig ang mga kamay.
"Be angry, please" pagmamakaawa nito habang nakahawak sa magkabila kong pisngi. "I want you to be mad"
"Darling..." aniya bago muling punasan ang mga luha sa pisngi ko at tingnan ako direkta sa mata.
Ang mga mata niya...parang nakikiusap sa'kin, pero mas nangingibabaw ang galit sa mga ito.
"It's only fair that you get mad because of how unfair they had treated you"
Maria Luna | Crescent
🌸⭐🌙
BINABASA MO ANG
UNFAIR
RandomI could have stood up for them...If only I knew it would be this Unfair. PUBLISHED DATE: May 17, 2024 END DATE: ??? DISCLAIMER: THIS IS A FILIPINO LANGUAGE STORY