CHAPTER 1: THE MOVIE

11 3 0
                                    

LARALAINE'S POV

"Ma'am"

"Ahmmm, Miss Laralaine?"

"LAINE!" napabalikwas naman ako sa gulat bago tumingin sa paligid ko.

Nasa loob pa din ako ng Conference room at halos lahat ng tao sa loob ay nakatingin sa'kin. It's either nag-aalala sila o nagtataka, ayun lang ang makikita mo sa mga mukha nila.

"Ahmmm" bahagya din akong umubo bago naupo nang ayos. Regaining my composure and professionalism. "I'm sorry, nasaan na nga ulit tayo?" tanong ko at muli namang nagsalita ang intern na si Nix.

Napatingin ako sa may kanan nang may humawak sa kamay ko. "Okay ka lang?" pabulong na tanong ni Charlie at tumango naman ako bago pinilit na ngumiti.

Tumango ito at ngumiti din bago inalis ang pagkakahawak ng kamay sa'kin at umayos nang upo.

"Thank you" ani ko nang matapos na din si Nix sa pagrereport at bumalik na din sa kinauupuan nito.

"Any updates?" tanong ko sa kanila bago ayusin ang pagkakasuot ng salamin ko. "Sa other company? Their upcoming plans, projects? Recruits?"

Tinignan ko sila isa-isa matapos sabihin yun. "May nakakaalam ba?" tanong ko at nanatili namang tahimik ang lahat.

"How about upcoming projects? Teleserye, Movies?" tanong ko bago tingnan ang mga intern.

"Well?" tanong ko habang nakatingin sa kanila at bahagyang natawa bago ngumiti. "I am not angry at mas lalong hindi ako nangangain" dagdag ko bago natawa na ikinatawa na din nila.

"I am just asking a simple question, that's it" paglinaw ko.

"One thing I want you guys to learn when it comes to this industry" panimula ko. "Is that you need to have all eyes and ears everywhere"

"We need to be aware of things like that para alam natin when, how and where we are grabbing an opportunity" dagdag ko.

"Especially sa mga artista na meron tayo" nakita ko ang pagtango nila.

"We need to make them shine after all" pagtapos ko ng nakangiti kaya ngumiti din ang mga ito.

Sa industriya kung nasaan kami, hindi kami pwede magpatalo sa iba lalo na't maraming kompanya ang nasa tabi-tabi. Kumbaga, agawan kung agawan, patayan kung patayan.

Matapos ang meeting ay lumabas na ako sa conference room bago pumasok sa isang kuwarto kung saan ginaganap ang photoshoot ni Kacee.

"Good afternoon" nakangiti kong bati sa mga nandun pero ang pinaka-una kong nakita ay ang pagngiti ni Kacee nang makita ako.

"So, pretty" pagkomplimenta ko nang makalapit sa kanila nung cameraman. "I love this shot" sabi ko sabay turo dun sa Picture ni Kacee sa monitor.

"Kacee, isa pa" sabi nung cameraman at agad naman akong nag-ingay to hype her up nang makita itong mag-pose sa camera.

Tiningnan ko ang mga props na nakapalibot dito at napatango nang masiguradong konektado sa movie nito ang mga nakalagay dun. Ang photoshoot kasi nito ay para sa magazine kung saan i-feature ang katatapos lang nito na movie last month.

"Have you heard?" tanong sa'kin ni Shaine habang ini-edit nito ang picture ni Kacee. "May bagong movie daw na gagawin" sabi nito sa'kin na ikinangiti ko.

"Mas may kwenta ka pa kaysa dun sa mga intern" mahina kong sagot na ikinatawa naming dalawa.

"Ikaw ambait ng image mo pero ganyan bunganga mo sa'ming mga ka-close mo nuh?" natatawa nitong sagot sa'kin na ikinangiti ko lang.

"So, about the movie?" tanong ko habang nakatingin kay Kacee.

"I heard, they are looking for a Female Lead" sagot nito habang abala ang mga kamay sa pag-e-edit. "Not sure pa about the exact role, pero they are looking for someone who has a strong aura, yung tipong palaban daw but also have a soft side"

Tumigil ito sa pag-gawa at inikot ang upuan sa gawi ko kaya napatingin na ulit ako dito. "I was wondering, bakit hindi mo pilitin si Athena dun?" tanong nito.

"Ang sama mo naman kay Athena, girly-girly din naman yun kahit parang laging ready manapak" sagot ko na ikinatawa naming dalawa bago napatakip sa mga bibig nang masyadong mapalakas.

"Exactly!" aniya habang excited na nakatingin sa'kin. "That's why sinabi ko sayo and why I mentioned her. She has this soft feminine energy but has this strong palaban aura as well"

"It's her eyes" dagdag ko dahil ang mga mata talaga ni Athena ang rason sa palaban nitong aura.

At pumalakpak naman ito animo'y nasabi ko ang nakikita niya. "Pero ayun lang yung narinig ko ah, I don't know lang about the other details. Since hindi ko naman talaga forte yang trabaho niyo"

"It is fine, enough na yang mga sinabi mo" sabi ko habang nakangiti pero agad ding napatingin nang seryoso sa kaniya nang hawakan nito ang kamay ko.

"Nga pala, may nakakita din kay Athena na naninigarilyo-"

"SHHHH!" agad kong pagpapatahimik dito bago palihim na ituro si Kacee. "Wala siyang alam tungkol dun, baka magalit" pabulong ko na ikinagulat nito bago tumango.

"Wala talaga siyang alam? Like, hindi ba niya naaamoy o nakikita man lang?" curious nitong tanong.

"Kilala mo naman si Athena diba?" sagot ko. "Magaling magtago yung batang yun. Naitago nga niya sa'min yung shota niya nung high school kami, yang 'habit' pa kaya niya na yan"

Natawa ito sa naging sagot ko. "Seryoso?! Hindi niyo nalaman na may shota siya?"

"Nalaman naman namin..." sabi ko at bahagyang tumigil. "Hiwalay na nga lang sila" dagdag ko bago ito inapiran nang matawa dahil sa idinagdag ko.

"Pero, seriously. Thank you for that information" sabi ko.

"I think magiging maganda siya for Athena" dagdag ko. "Tsaka para may pagka-abalahan naman siya, hindi yung sinisira niya yung baga niya magdamag" seryoso na may halong biro kong sabi na muling ikinalakas ng tawa ni Shaine.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na din ang photoshoot kaya binigay ko na din kay Kacee ang pagkain nito. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti dahil kahit na nakain ay focus pa din ito sa trabaho niya. Kasalukuyan din kasing pinapakita sa kaniya yung mga shots na ilalagay sa magazine.

"I like this one" sabi niya bago ibaba ang pagkain sa lamesa at picturan ang shot na yun. "Se-send ko siya kay Athena"

Tiningnan ako nito habang may gulat na ekspresyon sa mukha bago hawakan ang cardigan ko. "Puntahan natin siya"

"Wag mo namang ipahalata kung sinong paborito mong anak, Mama" pagbibiro ko na ikinatawa nito at nang mga staff sa loob.

Maria Luna | Crescent
🌸⭐🌙

UNFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon