LARALAINE'S POV
"Ingat kayo ah!" sigaw ko kena Charlie nang maghiwalay na kami dito sa may parking lot.
Nang matapos kasi ang photoshoot ay hinintay lang namin magpalit at mag-ayos si Kacee bago kami sabay-sabay na bumaba sa parking para magsi-uwian na.
"Saan tayo?" tanong ko kay Kacee bago buksan yung trunk ng sasakyan ko para ilagay niya ang mga gamit niya.
Nagpaalam na muna ito sa manager niya bago ako harapin. "Kay Athena" nakangiti nitong sagot at ngumiti naman ako bago ngumiti.
"Bili kaya tayo pagkain bago siya puntahan" suhestiyon nito at tumango na lang ako bago pagbuksan ito ng pinto sa passenger seat.
"Grocery ba tayo? O Fast Food?" tanong ko habang nagmamaneho palabas dito sa parking space.
Tinignan ko ito saglit at nakitang nakaharap na siya sa cellphone nito. "Three days nang offline si Athena?" tanong nito na ikinataka ko.
"Check mo sa Telegram o kaya sa Instagram, mas active naman siya diyan kaysa sa messenger" sagot ko bago tuluyang magmaneho sa highway.
"Eh?! Tatlong araw talaga siyang offline" sagot nito at bakas naman sa boses ang pag-aalala.
"Pero, if ever. Fast Food na lang" sagot nito habang nag-ta-type sa cellphone at kinalabit ko naman ito nang hindi inaalis ang tingin sa daan.
"Seatbelt" sagot ko at nakita ko naman ang agad din nitong pagsunod.
"Saang Fast Food?" tanong ko.
"Gusto ko ng Pizza" sagot nito at tumango naman ako bago nagpatuloy sa pagmamaneho.
Napatingin naman kaming dalawa sa gilid nang may bumusina sa likod namin. "Tangina, traffic nga eh! Anong gusto mong gawin namin?" pasigaw nitong tanong nito habang tinitignan ang kotse sa likuran namin gamit ang rearview mirror.
"Gago ah" sambit pa nito na ikinatawa ko na lang. "Hindi ka makasingit dahil sa traffic tas bubusinahan mo pa kami, parang magagawa naming tumabi" sabay irap matapos niyang magsalita na ikinatawa ko lalo.
"Alam mo dito ko na realize na, kahit anong ayos mo sa pagmamaneho. Pero kung yung iba, hindi. Kawawa ka eh" sabi ko at napatango naman ito habang nakanguso.
"Diba? Ano bang gusto nilang gawin natin?" sagot at tanong nito bago sumandal sa upuan.
Makalipas ang ilang oras ay narating na din namin ang bahay ni Athena at dala-dala din namin ang dalawang box ng pizza. Pinindot ko na ang doorbell sa bahay nito at gulat naman kaming nagkatinginan ni Kacee nang marinig ang doorbell nito.
"Para namang natawag ng esperitu yung bagong doorbell ng batang to" natatawa nitong sabi na ikinatawa ko na din.
"Tulog ba to?" tanong ko bago pindutin ulit ang doorbell.
"Kasi naman eh! Parang hindi pamilya. Ayaw pa tayong bigyan ng duplicate na susi" sagot ni Kacee na ikinatawa ko bago siya apiran.
"Wala na din naman siyang matatago sa'tin eh" natatawa kong dagdag na ikinatawa na din nito.
"ATHENA LEORA DE LA TORRE!" pagsigaw ni Kacee na ikinagulat ko.
"SANDALI! PUTANGINA!" rinig naming sigaw ni Athena mula sa loob ng ikinaluhod naming dalawa sa kakatawa.
"Uy! Anyare sayo?" pagtigil ko sa pagtawa nang buksan na ni Athena ang pinto at bumungad sa'min ang namumutla nitong bulto.
"Anyare sayo bebe?" tanong ni Kacee kay Athena na nakatakip sa bibig nito, animo'y nagpipigil ng tawa. "Ang putla mo! Ba't may saklay ka?"
BINABASA MO ANG
UNFAIR
RandomI could have stood up for them...If only I knew it would be this Unfair. PUBLISHED DATE: May 17, 2024 END DATE: ??? DISCLAIMER: THIS IS A FILIPINO LANGUAGE STORY