Some jokes are half meant

392K 8.1K 1.7K
                                    

dedicated to my friend, Arashi. Sorry kung natagalan ah at hindi na nasundan yung flow ng events na kinuwento mo saakin, pero ayan na po. hehe sana magustuhan mo!

Author's Note: first time ko gumawa ng short story kaya pag pasensyahan niyo na po ito. May bigla lang tumama na bulalakaw sa utak ko at nakapagisip bigla ng ganito. Read, vote, and comment po ^__^

Anyways, some scenes in the story happened in real life. Names of the characters are change for privacy purposes

***

 Some Jokes are Halfmeant

written by: Aly Almario (alyloony)

All rights reserved.

"mahal kita..."

Madalas niyang sabihin saakin ang mga salitang yan. Walang araw na hindi ko maririnig ang mga katagang yun galing sa kanya. Nung una naiinis ako kada maririnig ko yun pero habang tumatagal, parang hindi na kumpleto ang araw ko pag hindi niya ako sinabihan niyan.

Kaya lang laging may kadugtong na "..joke lang" sabay tawa ng malakas.

Syempre masakit. Kung pwede nga lang alisin na niya yung 'joke lang' eh. Kaya naman hindi ko sineseryoso yung sinasabi niya. Kasi nga alam kong nanti-trip lang siya.

Pero nagbago ang lahat ng yun nung tinuro niya saakin ang sinasabi nilang,

"some jokes are half meant"

Hindi ko makakalimutan nung unang beses na pinagtagpo kami ng tadhana. Third year highschool pa lang kami nun, first day of classes. Habang papunta ako sa classroom namin, nakarinig ako ng malakas na tawanan ng mga lalaki na nanggagaling sa corridor na dadaanan ko.

One Shot Stories and PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon