Hey! Mr. Rebound

140K 4.6K 1.2K
                                    

Alyloony Stories presents to you...

A valentines day special story


 

Enjoy reading :)

(dedicated to Kimi because she's the one who inspired me with this story.. pero alam ko wala siyang idea kung paano niya ko nainspire XD)

****

Hey! Mr. Rebound


“I’m breaking up with you”

Halos matulala ako ng dahil sa narinig ko. It’s Christmas eve. Tumakas ako saglit para makipag kita sa boyfriend ko para makasama ko siya kahit saglit lang ngayong Christmas eve. Hindi kami legal ni Vince. Palihim ang relasyon na to kaya palihim din kami palaging nagkikita.

Pero kahit ganun, umabot kami ng isa’t kalahating taon.

Tapos bigla kong maririnig yang mga katagang yan?

“B-baby, may problema ba?”

Inilayo niya ang tingin niya saakin “it’s not about you, it’s about me”

Bigla akong nakahinga ng maluwag at natawa nung sinabi niya yan saakin.

“ok, enough with that famous break up line already. Laos na yan. Naku, oo na kinabahan na ko diyan sa joke mo pero di April Fool’s day ngayon, it’s Christmas eve!” hinawakan ko ang kamay niya “and also, our 20th monthsary. Happy monthsary baby!” binigyan ko siya ng isang ngiti pero nagulat ako ng alisin niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko atsaka inilayo ang tingin saakin.

“seryoso ako sa sinabi ko”

Napatitig ako kay Vince at halatang hindi siya nagbibiro sa sinabi niya. Totoo ba tong naririnig ko? Nakikipag break siya sakin? Pero bakit? Ano nagawa ko?

“b-bakit?”

Hindi niya sinagot ang tanong ko instead tumingin siya sa malayo para maiwasan ang tingin ko.

Napapikit ako at huminga ng malalim, pinipilit na wag tumulo ang mga luha sa mata ko.

“so, totoo lahat ng issues sa school? Na kayo na ni Rizza?”

One Shot Stories and PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon