CHAPTER 12: Ang pagbabalik ni prinsepe Kayd

162 5 0
                                    


Third person pov
Sa kaharian kung saan muntikan ng ikasal si Mira.

Nanginginig ang mga kawal, tauhan ni prinsepe Kayd at maging siya ay nanginginig din sa lamig dahil sa halos isang dalawang linggo na silang nabalot ng yelo.

“Maghihiganti ako sa halimaw na iyon!!” galit na sabi prinsepe Kayd habang yakap ang katawan dahil sa lamig.

“Pero prinsepe Kayd. Mukhang malakas ang halimaw na iyon. Papaano kung maglabas ulit siya ng yelong dragon at bugahan ulit tayo ng yelo?” saad ng tauhan niya.

“Lahat ng nandito sa mundong ito ay may limitasyon. Kailangan din nating maghanda kung sakali mang maglabas nanaman ng yelong dragon ang halimaw na iyon.” Wika niya.

Hanggang ngayon ay nagngingitngit pa rin siya kay Hiro dahil kanya ay hindi na niya naging asawa ang babaeng inaasam niya. Hindi maaaring hindi niya mapasakanya si Mira.

“Pero napansin kong ang yelong dragon na yun ay galing sa kanyang espada. Maaaring galing iyon ang kanyang kapangyarihan.” Wika ng isa niyang tauhan.

“Tama, doon nanggagaling ang kanyang kapangyarihan, prinsepe Kayd. Ano kaya kung nakawin natin iyon mismo sa kanya.” sahesyon uli ng isa.

Napangisi si prinsepe Kayd. Tama nga ang kanyang tauhan. Mas mabuti ngang kunin nalang nila ang espadang iyon at gamitin niya.

“Kung gano’n, kinakailangan ninyong maghanda para kunin ang espada ng halimaw na iyon.” Wika ng prinsepe.

“Kung inaakala mo, Mira makatakas ka sa akin, hindi ako papayag.” Saad ng prinsepe habang iniisip ang napakagandang si Mira.

Habang inaalala niya si Mira ay hindi niya talaga maiwasang mapahanga dito dahil sa walang kapintasan nitong ganda. Sa lahat ng babae talagang nakilala nito ay siya lang talaga ang nakita nitong gano’n kaganda.

Mira Pov
“Mary.” Pagtawag ko kay Mary. Nilingon naman niya ako.

Gusto ko lang sana siyang tanungin kong ano ang nangyari sa kanya sa kaharian ng mga bampira. Hindi ko na siya kasi natanong kahapon dahil sa inusisa na siya ng mga ka-nayon namin at saka nagkaroon pa kami ng momento ni panginoong Sairus.

“Bakit Mira?” tanong nito.

“Ahm. Magtatanong lang sana ako kung ano ang nangyari sayo sa kaharian ng mga bampira.

“Ah yun ba. Noong araw na dinukot ka nila habang ako naman ay itinulak ng mga bandidong yun. Panandalian akong nawalan ng malay noon. Paggising ko nalang ay may dalawang lalaki may pulang buhok at may pulang mga mata ang nakakita sa akin.

~[* Ilang sandali ng dukutin si Mira ay nagkaroon ng kaunting kamalayan si Mary, ay narinig niya ang pag-uusapan ng dalawang lalaki. Pagtingin niya ay dalawang lalaki ito na may pulang buhok at pulang mga mata.

“Hmm. Mga pat@y na tao.” Saad ng isang lalaki.

“Hindi na natin sila mapapakinabangan dahil natitiyak kong may lason na ang mga dugo nila dahil sa mga palasong tumama sa kanila.”

“Ang batang babaeng ito. Hindi siya natamaan ng palasong may lason. Kung gano’n, ayos pa siya.”

“Dalhin na natin siya sa kaharian ng makainom na ng dugo si reyna Flamma.”

Yun na lamang ang narinig ni Mary na usapan ng dalawang lalaki bago ito nawalan uli ng malay.

Biglang naalimpungatan si Mary ng makaramdam siya ng paglasl@s sa braso. Nagulat siya ng makitang napakadilim ng paligid na halos hindi na makita ang paligid.

“Ahh!!” daing niya dahil sa sakit ng kanyang sugat. “S-sino kayo!” tanong niya mga nilalang na kumuha ng kanyang dugo.

“Ang sarap talaga ng dugo ng tao.” Isang boses ng babae ang narinig ni Mary mula sa kadiliman pero kahit na madilim ang paligid ay kita pa rin niya ang mga bulto ng mga tao.

“Parang awa, n’yo na. Ibalik n’yo ako sa amin. Ayaw ko dito.” Umiiyak na saad ni Mary pero mukhang wala siyang balak pansinin ng mga nilalang na kumuha sa kanya.

Halos manghina na si Mary dahil sa pagkuha ng dugo sa kanya. Tanging pag-iyak na lamang ang nagawa niya dahil sa napakaimposibleng may magligtas sa kanya sa ganitong lugar.

Pero kaagad siyang nagkaroon ng pag-asa ng magkaroon ng liwanag sa gawi niya. Kahit na pagod na dahil sa kaiiyak ay hindi pa rin niya maiwasang mamangha dahil sa matangkad na lalaking nakatayo sa harapan niya na walang reaksyong nakatingin din sa kanya.

“Ikaw ba si Mary?” tanong kaagad ni lalaki kay Mary. Kaya agad napatango si Mary.

“Pakiusap, ginoo. Iligtas mo ako.” Pakiusap ni Mary. Pagod na rin siya dahil sa pagkuha ng dugo sa kanya.

“Sairus...” napatingin si Sairus sa tumawag sa kanya.

Dito napagtanto ni Mary na ang lalaki palang nagdala ng liwanag ay ang dakilang lobo na mapapangasawa ni Mira.

“Anong dahilan at nagpunta dito, mahal ko. Binibisita mo ba ako?” tanong ng babae kay Sairus pero walang ekspresyon na ipinakita ang lalaki.

“Huwag kang maging ilusyun@da, Flamma. Hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpunta dito. Narito ako para kunin ang taong bihag ninyo.” Wika ni Sairus na nagpaseryoso naman kay Flamma.

“At ano naman ang kinakailangan mo sa babaeng tao na ito, Sairus? Huwag mong sabihing babae mo na siya. Alam mong hindi ako papayag na magkaroon ka ng ibang babae, Sairus dahil AKIN KA LANG!” saad ni Flamma.

“Para sabihin ko sayo. Hindi mo ako pag-aari, Flamma. Kahit kailan, wala kang katiting na karapatan sa akin.”

“Tandaan mo, Sairus. Ipinagkasundo ka na sa akin ng iyong ina kaya wala ka ng magagawa.” malambing na saad ni Flamma.

“Tss. Yun ang akala mo. Tus¤ ang aking ina. Maaaring pinagkasundo lang niya ako sayo para makuha niya ang gusto niya sayo at naniwala ka naman.”

Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Flamma sa sinabi ni Sairus.

“Hindi totoo yan!!” galit na wika ni Flamma kasunod ng paglabas niya ng pulang apoy na ipinatama niya kay Sairus. *]~

“Yun nalang ang nasaksihan ko bago uli ako mawalan ng malay.”

Nabigla ako sa sinabi ni Mary at hindi na tuloy maiwasang mag-alala kay panginoong Sairus.

Nakipaglaban ba sa Flamma na iyon? Kaya ba, pagod siya pagdating niya dito?

“Mira. Nakita uli kita.”

Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan namin si ..... prinsepe Kayd na may ilan pang kasama.

Bigla akong napatayo sa kinauupuan namin ni Mary saka ko rin siya hinila paatras.

“Anong ginagawa mo dito!!” malakas na pagkakasabi ko.

Ako nanaman ba ang pakay nito?

“Kung inaakala mo na makakatakas ka sa akin, Mira. Nagkakamali ka.” Sabi nito na nagpakaba sa akin.

Bakit ba pilit nitong pinagsisiksikan ang sarili niya sa akin.

“Umalis ka na dito bago pa dumating si panginoong Sairus, dahil paniguradong mananagot ka sa kanya.” Banta ko sa kanya.

“Ang iyong mapapangasawa? Umaasa ka pa rin bang darating siya? Hindi na siya darating.” Saad niya pero napangisi ako dahil sa nasa likod niya si panginoong Sairus na madilim at nakakakot na awra.

“Kung gano’n ikaw pala ang nagnanais na umagaw sa aking mapapangasawa.” Saad ni panginoong Sairus kasunod ng pagpulupot niya ng buntot niya sa leeg ni prinsepe Kayd.

Bride of a Great White WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon