CHAPTER 1: Pangungulila

631 9 0
                                    

Mira Pov
Halos isang dekada na ang nagdaan simula noong umalis na si panginoong Sairus. Nasa labing walong taon na rin ako. Sabi ni panginoong Sairus na babaikan niya ako pero kailan kaya?

“Mira, may sugatang lalaki na dinala sa inyong bahay. Halika na pagka’t sobrang lalim ng kanyang sugat.” Pagtawag at paghila sa akin ni Mary. Walong taon ang tanda ko sa kanya.

Matapos ang nangyari sa kaharian ng mga puting lobo, ipinadala ako dito ni panginoong Sairus sa ka-nayon ko mismo dahil sa bantang puwedeng mangyari sa akin kapag nanatili ako doon.

Pagdating namin ni Mary sa tirahan namin ni Kuya Hayko ay medyo nagkakagulo na sa loob. Nakita kong inaasikaso ni Kuya Hayko ang mga taong pumunta sa bahay.

“Maghintay lamang muna tayo saglit pagka’t mamaya lang ay nandito na ang aking kapatid.” Saad Kuya Hayko sa kanila.

“Oh, ayan na pala siya.” Saad niya ulit ng makita niya ako.

Naging manggagamot din ako dito sa nayon namin. Sa tulong ni Kera ay nahasa din ang kaalaman ko sa panggagamot. Dahil sa naging bihasa na rin ako sa panggagamot ay nakilala ako kaya may nga dayuhan ding nagpapagamot sa akin.

Pumasok na ako sa aming tahanan at agad na inasikaso ang lalaking sugatan. Napakalalim nga ng sugat nito sapagkat ang daming lumalabas na dugo sa kanya.

Kumuha ako ng mga malilinis na tela at sinimulang gamutin ang sugat ng lalaki. Lumabas na muna sila kuya kasama ang mga kasama ng lalaking gagamu

“Ano pong nangyari at ganito kalalim ang inyong sugat, ginoo?” tanong ko sa lalaking ginagamot ko ngayon.

“Nagkaroon lang ako ng kaalitan kanina at sinugatan niya ako gamit ang kanyang it@k.” Sagot nito.

Pinagpatuloy ko ang panggagamot sa kanya pero napansin ko ang mga mala-agresib¤ng malal@gkit na tingin niya sa akin dahilan para hind ako ma-komportable. Tinapos ko na agad ang panggagamot sa kanya.

“Natapos ko ng gamutin ang iyong sugat, ginoo. Kapag ayos ka na ay maaari na kayong umalis.” Sabi ko at saka lumabas sa kuwarto kung saan ko siya ginagamot. Hindi ko na rin siya hinintay na magsalita pa dahil sa nangingilabot na ko.

Paglabas ko sa kuwarto ay agad akong napahinga ng malalim kasunod ang pagbunga ko rin ng hangin. Kung tutuusin mas kinakabahan at natatakot pa ako sa ganitong sitwasyon kaysa sa mga halimaw na sumusugod minsan dito sa nayon.

“Mira, ayos ka lang?” Nilingon ko si Kuya Hayko ng lumapit siya sa akin.

“Oo kuya. Ayos lang ako.” Sagot ko.

Sumeryoso ang mukha ni kuya Hayko ng mapansin niyang balisa ako.

“Binast¤s ka ba ng lalaking ginamot mo?” Seryosong tanong niya.

Agad naman akong umiling. “Hindi kuya. Pero ang lagkit lang kasi ng tingin niya sa akin ng lalaking iyon.” Sagot ko na mas lalong nagpaseryoso sa kanya.

“Malagkit ang tingin?” Seryosong saad nito. “Naku, Mira ang mga ganyang tingin ng mga lalaki ay hindi maganda. Ang mabuti pa, bago sila umalis dito sa bahay ay pumunta nalang kayo nina Mary kina Kera. Bumalik nalang kayo mamayang gabi.” Wika nito.

Nginitian ko si kuya Hayko. Mahal na mahal talaga ako ng kapatid ko. “Salamat kuya.” Pasasalamat ko dito.

“Habang wala pa dito ang mapapangasawa mong dakilang puting lobo, ako muna ang poprotekta sayo.” Saad niya. Tanggap na tanggap na talaga niya mapapangasawa ako ng isang dakilang puting lobo.

Niyakap ko muna siya ng mahigpit saka ako lumabas, at isinama si Mary para magpunta kila Kera. Marami na din sa mga ka-nayon ko ang nag-aral ng pakikipaglaban para magiging handa sila kapag may darating na panganib kabilang na dito si kuya Hayko. Sa totoo lang siya ang tinaguriang heneral sa batang edad nito dahil sa mas bihasa ito sa pakikipaglaban. Syempre tinuruan siya ni Hiro.

Nakarating na kami ni Mary kina Kera. Pagdating ko doon ay naabutan ko rin doon si Hiro na kaagad naman ako napansin.

“Mira, Mary. Nandito ba kayo para bisitahin si Kera?” tanong niya sa amin.

“Oo Hiro. Ang tagal na rin kasi no’ng hindi namin siya binisita.” Sagot ko sa kanya.

Naging mag-asawa na sina Hiro at Kera. Mas pinili din ni Kera na tumira dito sa panahon namin kaysa sa panahon nila para makasama si Hiro.

Pinapasok naman kami ni Hiro sa bahay nila at doon ko nakita si Kera na nag-aayos ng damit. Pansin na ang malaki nitong tiyan.

“Kamangha-mangha. Halata na ang laki ng tiyan mo, Kera.” Saad ko.

“Oo nga eh. Medyo malayo pa ang kabuwanan ko pero ang laki na ng tiyan ko. Feeling ko nga baka kambal ang anak namin ni Hiro.” Saad niya.

“Kera, ito nga pala, pasalubong namin ni Mira.” Ipinakita ni Mary kay Kera ang isang basket ng prutas.

“Salamat.” Pasasalamat ni Kera saka inabot ang prutas kay Mary.

“Ah, nga pala Mira. Wala pa bang paramdam sayo si Sairus?” tanong ni Kera sa akin.

Nalungkot ako sa naging tanong niya. “Wala pa nga eh.” Sagot ko.

“Huwag ka ng malungkot diyan, Mira. Siguro hindi pa siya natatapos sa kanyang tungkulin kay Athena. Alam kong darating din ang araw na makikita mo uli siya.”

Nabawasan ang lungkot sa puso ko. May tiwala naman ako kay panginoong Sairus.

“Ahm, matanong ko nga. Sino yang Sairus na yan?” tanong sa amin ni Mary. Hindi pa pala niya kilala si panginoong Sairus.

“Si panginoong Sairus ay ang dakilang puting lobo na nakatadhana ng papakasalan ko.” Sagot ko dito na nagpagulat sa kanya.

“D-dakilang puting lobo? At papakasalan? Kung gano’n darating din pala ang araw na aalis ka sa nayon.” Saad niya.

“Mary, kung darating man ang araw na ikakasal na kami ni panginoong Sairus. Syempre may araw pa rin namang pupunta ako sa nayon natin.” Wika ko dito.

Napatingin ako sa makulimlim na kalangitan sa bintana kasunod naman ang sunod na pag-alulong ng mga lobo. Parang nakikita ko tuloy ang nakatalikod na imahe ni panginoong sa kalangitan.

Bride of a Great White WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon