CHAPTER 36: Pagkatalo

109 3 0
                                    



Third Person Pov
Nagulat si Flamma ng bigla siyang sumulpot sa kanyang kaharian. Maging ang lahat ng mga strigoi at puting lobo na naglalabanan.

Agad na nagpalinga-linga si Mira dahil sa biglaan ding pagsulpot niya sa isang madilim na lugar. Nasaan na ba siya?

“Maligayang pagdating sa kaharian ng mga strigoi, Mira.” Saad sa kanya ni Seraphina..

Kung gano’n, kaharian nga ito ng bampirang strigoi.

Agad na sinaks@k ni Mira ang umatake sa kanyang strigoi gamit ang kanyang espada. Mabilis din siyang umiwas ng may umatake uling strigoi sa  kanya at sinaks@k din ito dahilan para mamatay ito. Napakadilim ang lugar pero sa pamamagitan ng anghel niyang mga mata ay nakikita niya ang mga strigoi na umaatake sa kanya.

“Arghhh!!” daing ni Hiro ng makalmot siya ng umatakeng strigoi sa kanya. Hindi na kasi niya masyado makita ang kapaligiran. Kaya pinailaw niya ang kanyang espada gamit ang nagtatalimang kuryente para makita niya ang kanyang kalaban. Kaya ng makita niya ang strigoi na umatake sa kanya kanina lang ay wala siyang pag-alinlangang pinatamaan ito ng kuryente ng umatake nanaman ito sa kanya.

Panay buga naman ng yelo ang ice dragon sa mga bampirang strigoi kaya naalarma din ang iba sa kanila kaya nagsiliparan ang mga ito at inatake ang ice dragon.

Patuloy pa din namang nakikipaglaban si Mira sa  mga strigoi. Panay iwas at atake ang ginagawa nito. Ginamit na din niya ang kanyang pakpak para itulak ang mga strigoi na pumalibot sa kanya. Nang makita ni Seraphina na kaya naman pala ni Mira ang makipaglaban ng siya lang ay mabilis niyang ibinaling ang kanyang tingin kay Flamma, na ngayon ay hindi na nasisiyahan sa nakikitang pagkaubos na ng kanyang mga alagad.

“Havus, binibigyan kita ng pahintulot na makipaglaban na sa mga kapwa mong puting lobo.” Utos nito kay Havus.

“Masusunod mahal na reyna.” Nakangising saad ni Havus saka niya inilabas ang kanyang espada na bigay sa kanya mismo ni Flamma. Ang espadang gawa sa buhok at kapangyarihang apoy ni Flamma. Masama itong napatingin kay Sairus na ngayon ay nakikipaglaban din sa mga bampirang strigoi.

Sinabi na ni Flamma na nais niyang mabuhay si Sairus pero sa loob niya ay wala siyang planong buhayin si Sairus. Papatay!n niya ito. Para ito sa pagtataksil nito sa lahi nilang puting lobo. Sumasayad ang talim ng kanyang espada na nababalutan pa ng pulang awra at pantungo ito sa kinaroroonan ni Sairus.

“Sairus!” pagtawag niya kay Sairus saka mabilis niya itong inatake ng kanyang espada.

Habang nakikipaglaban si Mira sa mga strigoi ay sa isang kisap-mata ay nakalapit sa kanya si Zayro at tinulungan siya sa pakikipaglaban.

“Kumusta Binibini?” ani ni Zayro kay Mira. Saka mabilis na hinati ang katawan ng umatakeng strigoi sa kanila.

Napangunot naman ang noo ni Mira sa pangungumusta sa kanya ng di niya kilalang nilalang at pareho pa silang may pakpak habang nakikipaglaban.

“Sino ka?” imbes na sagutin ito ni Mira ay tinanong pa niya ito. Mabilis din niyang sinipa ang strigoi na umatake nanaman sa kanya at pinugut@n ng ulo ang isa pa sa kanila.

“Ako nga pala si Zayro, at katulad mo din ako. Nais ko lang magkaroon ng ugnayan sa iyo, binibini.” Ani ni Zayro.

“Tss. Pasensiya na pero may iniibig na ako at nalalapit na din kaming ikasal.” Wika ni Mira habang patuloy pa ding nakikipaglaban.

“Nakakalungkot namang marinig yan, binibini.” Tela parang nalulungkot na ani ni Zayro.

Mabilis namang sinangga ni Sairus gamit ang kanyang espada ang atake ni Havus. Kitang-kita ni Sairus ang galit ni Havus sa kanya pero malamig lang niya itong tinignan.

“Hmm, mukhang may bagong espada ka na Sairus. Hula ko isa nanamang mahinang espada yan katulad ng naging espada mo dati.” Saad ni Havus sa espada ni Sairus na ngayon ay nababalutan ng purong puti na awra.

“Nagkakamali ka sa hula mo, taksil. Pagka’t ang espadang ito ay bigay ng diyos ng tagahatid ng mensahe na si Hermes. Wala na din akong pahanon para ipaliwanag sayo kung gaano ito kalakas. Tignan mo nalang.” Sambit ni Sairus kasunod ng paglakas pa lalo ng awra ng kanyang espada saka niya itinulak si Havus at umatake ito gamit ang kanyang espada.

Agad namang nakaiwas si Havus sa atake ni Sairus kaya umatake din siya dito na sinangga uli ni Sairus. Kasunod no’n ay mabilis na umiwas si Sairus at sinugatan si Havus.

Napadaing naman si Havus at daling napaatras. Napatingin siya sa sinugat ni Sairus. kaunting sugat lamang ito pero nagdurugo na ito. Hindi nga pangkaraniwan ang espada ni Sairus.

“Ano na Havus? Tingin mo ba talaga pagnagkaroon ka ng dugo ng bampirang strigoi kaya mo na akong matalo? Para sabihin ko sayo hindi ko pa seneseryoso ang ating labanan.” Wika ni Sairus na nagpagulat at nagpainis kay Havus. Ibinigay na niya lahat ng lakas niya sa pakikipaglaban kay Sairus pero hindi lang pala siya nito seneseryoso.

“AHH!!” galit na sigaw ni Havus saka sinugod si Sairus. Ngayon palang ay nais na ni Havus na magsisi si Sairus sa hindi niya pagseryoso dito. Pero iniwasan lang siya nito.

“Sinasayang mo ang oras ko Havus. Wala ka na bang mas ibibilis at ilalakas pa?”

Mas nagalit si Havus sa winika ni Sairus kaya agad siyang sumugod uli kay Sairus. Sa inip ni Sairus dahil sa kabagalan ni Havus ay naglabas siya ng malakas na liwanag mula sa kanyang espada at mabilis na itinarak iyon kay Havus. Sobra namang natigilan si Havus ng tumarak sa kanyang puso ang nagliliwanag na espada ni Sairus kasunod ng unti-unting pagiging abo niya.

Nang tuluyan ng naging abo si Havus ay napatingin si Sairus kay Mira. Nangunot ang noo niya ng makitang magkadikit sila ni Zayro habang nakikipaglaban sa mga strigoi.

“Lapastangan!” naiinis na wika niya.

Agad na napaatras si Flamma sa kanyang kinatatayuan pagka’t paubos na ang kanyang mga alagad.

“Hindi. Papaanong natalo lang lang kayo ng mga mahihinang yan.” Di makapaniwalang saad ni Flamma. Kilala niya ang kanyang uri bilang napakalakas na nilalang dito sa mundo pero papanong madali lang silang natalo ang kanilang kalaban.

“Wala ka ng magagawa Flamma. Talo ka na. paubos na ang mga lahi inyo.” Nakangising saad ni Seraphina kay Flamma.

“Hindi! Hindi puwedeng matalo lang kami. Baka nakakalimutan mo na may kapangyarihan akong apoy na puwedeng pumatay sa kanila.” Di matanggap na saad ni Flamma habang tinutukoy nito ang mga puting lobo, maging ang dalawang nilalang na may pakpak.

Sa galit ni Flamma ay kaagad siyang nagpaulan ng kanyang apoy. Wala na siyang pakialam kung masisira man ang kanyang kaharian.

Bride of a Great White WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon