Chapter 5

97 16 0
                                    

Flashback...

"Tingnan mo 'yung malaking isda na nakuha nila Arke!" Turo ko duon sa mga mangingisda na naka huli na naman ng malalaking isda. Ang sarap siguro nu'n.

"Ang laki hindi ba? Ikaw, Arke may plano ka bang mangisda tulad nila?" tanong ko naman sa kaniya habang pinagmamasdan ko ang mapayapa niyang mukha. Nasa buhangin kami ngayon, sa tabing dagat. Sariwa kasi ang ang hangin sa umaga at nasisiyahan ako kapag may nakikita akong mga mangingisda na nakakahuli ng malalaking isda. Hindi naman nagsasawa sa akin si Arke, kahit inaantok pa siya sumama talaga siya sa akin dito sa tabing dagat.

"I can give you more than that, baby." sumimangot ako pero hindi ibig sabihin nu'n ay malungkot ako. Alam kong gusto niya ng magandang trabaho, 'yung kikita talaga siya ng malaki. Hindi naman sa hindi marangya at kaunti ang sahod sa pangingisda, hindi ko lang talaga maiimagine na mangingisda si Arke.

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin mula sa likuran. Nasa likod ko kasi siya at nasa harapan naman ako, sa pagitan ng mga binti niya. I can almost hear his sighs, kay bigat ng mga 'yun. May problema kaya si Arke?

"Do you want me to work with them?" tanong niya pabalik at hinalikan ang leeg ko. Shemay.

"Hindi naman sa ganu'n...hmm Arke. Kung gugustuhin mo lang naman." sagot ko at mas lalo ko pang diniin ang katawan ko sa katawan niya. Mas lalo akong nakaramdam ng init.

"Hmm... If you want that, why not..." Hinalikan niya muli ang leeg ko patungo sa tainga hanggang pisnge ko. Nakakakiliti, nakakapangilabot, tumataas kasi ang balahibo ko sa katawan habang ginagawa niya 'yon.

"I... I want you right now, baby..."

***

Ashiana's POV

"What happened last night?" tanong ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Nakita kong magkasama sila ni Taki kanina, magkakilala yata.

"Ma'am, lasing na lasing po kayo kagabi." sagot niya naman. Wala akong maalala, hanggang ngayon ay masakit parin ang ulo ko, fvck it.

"Ma'am Kelton, andito na po lahat ang mga folders na pinadala po ni Mr. Triton Alcazar." Inabot sa akin ni Taki ang sandamakmak na folders.

Bumuntong hininga ako at kinuha ko 'yun mula sa kaniya. Mukhang totohanin talaga ni Triton ang gusto niyang mangyari. Nag-usap na kami tungkol sa plano namin sa kompanya, itong mga folders na binigay niya ay mga profile ng hindi gaano ka-sikat na mga negosyo dito sa bansa. He wants me to familiarize their profile and visit their branches. Wala akong magawa kundi sundin ang gusto niya. We're not working together, we just helped each other. Need ko din kasi ng mga tauhan ngayon sa kompanya. I am a high standard boss, at hindi ako tumatanggap ng palpak.

"May maitutulong po ba ako, Ma'am?"

"Just bring me a cup of coffee without sugar and call Mr. Jera, I want to talk with him regarding sa bagong project ng K.C," utos ko habang sinisumulan ko nang tingnan ang mga profile na nasa loob ng folders.

"Noted po, Ma'am Kelton."

Lahat sila ay may mga maliliit na negosyo pero naging successful naman. Malaki ang kanilang kita at tamang-tama lang. They're good handling their small business, ito ang kailangan ko sa kompanya ko. Babayaran ko sila ng doble kapag nagawa nila ng tama ang kanilang trabaho. Thanks to Triton Alcazar. Tinulungan niya rin ako about sa mga investors ko, mas lalo silang naenganyo ngayon nu'ng nalaman nilang kilala ko si Triton Alcazar. He was my best friend's husband. Ang swerte-swerte ng gagang 'yon. Hindi lang gwapo, sobrang yaman pa ang nabingwit. Kailan ko kaya mame-meet para ang sa akin?

Bakit ko ba iniisip 'to. Back to work, Ashiana.

Pagkatapos kong basahin ang kalahating folder, nilagyan ko ng check 'yung mga nagustuhan ko at pasado sa expectations ko. 'Yung iba naman na merong x ay hindi 'yun pumasa pero maganda at magaling naman ang pagkaka-handle nila sa kanilang negosyo, nakukulangan lang ako kaunti. Kompanya kasi ito, I mean sa kompanya sila magtra-trabaho hindi sa isang palengke.

*Ring! Ring!*

Rinig kong tumunog ang cellphone ko kaya't walang pagalinlangan kong sinagot 'yun.

"Hello?"

"Hello, Ashiana. its me Triton. I just want to ask about the folders? Nakapili ka na ba?"

"Oh yes! Meron na bale sampu sila, and thank you!" ngiti ko at nilapag ko sa ibabaw ng mesa ang huling folder na nilagyan ko ng x.

"Welcome. By the way I have a party to attend tonight. Aria, will be coming with me, it's about business of course, baka gusto mong sumama?"

"Ano naman ang gagawin ko sa party na 'yan, Triton? May anak ako sa bahay at nag-iisa lang 'yon doon," sagot ko naman. Ayokong iwan ang anak ko sa bahay lalo na't hindi ko parin matukoy kung sino 'yung lapastangang bumaril sa mga tauhan ko.

"Baka makahanap ka ng mag-iinvest sa company mo, malaking tulong iyon, Ashiana lalo na ngayon. You have the beauty and brain I'm sure few of the business demons would look at you there and ask for your hand, what do you think?"

"You're crazy."

"I'm just stating my opinion here Ashiana,"

"I don't need your opinion Triton." Tumayo ako at tumango kay Mr. Jera na nasa harapan ko na ngayon. "I'll drop the call now Mr. Alcazar, I will call you back later,"

Umupo muli ako sa kinauupuan ko. "Have a sit Mr. Jera,"

"Thank you, Ma'am Kelton."

"About pala duon sa new project ng K.C what's the update about it?" tanong ko at nilingon si Taki na dala ang kape ko.

"We're still working on it po Ma'am, nakulangan po kasi tayo ng supplies kaya kailangan po ng bago as soon as possible po. Tumawag din po pala kami kanina kay Mr. Hale, he's currently in New York right now, we asked him about sa supplies and he said na ipapa-ship niya daw po 'yon. Baka bukas or sa makalawa po darating."

Tumango ako. "Good. May bago akong mga workers na darating. Guide them kung saan mo sila I-aassign, just update me kapag may mangyaring hindi maganda or may kulang sa supplies."

"Sige po, Ma'am. Nga pala po Ma'am Kelton, ngayon po pala darating si Eng. Hudson, I che-check niya po ang area,"

"Sure. Kayo na muna ang bahala, may aasikasuhin pa kasi ako. And about pala sa sales natin ngayon? Ilang percent?" kinakabahan ako. Baka nasa failure parin ang kompanya ko, tangina talaga.

"50% po Ma'am, nasa mababa parin po tayo at nangunguna po si Mr. Triton Alcazar at kasunod niya naman po si Kiefer Montefalco."

"Very well said. You can leave now, do your job properly and don't disappoint me, Mr. Jera, I'm counting on you."

"I won't, Ma'am Kelton."

Nang makaalis na si Mr. Jera. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at akmang sasandal na sana ako sa upuan ko nang mahagip ng tingin ko ang papalapit na bulto ni Amira. Ang nanny ni Anya.

Kumunot ang noo ko at agad na tumayo mula sa kinauupuan ko. "Hey! What's wrong Amira? Where is my daughter?" sa pagkakaalam ko may pasok ngayon ang anak ko.

"Ma'am!"

"Ma'am!"

"Ano 'yon, Amira? Where's Anya!" bigla akong kinabahan baka may nangyaring hindi maganda sa anak ko. Huwag naman sana.

"Si Anya po nasa h-hospital po, Ma'am..." naiiyak na amin niya.

Nanlaki naman ang mata ko at agad akong umalis mula mesa ko. "What happened to her, Amira? Shit!" Lumabas ako ng opisina habang nanginginig sa takot.

"May...May motor pong..."

"Damn!"

"Sinagasaan po s-siya, Ma'am, parang sinadya po talaga."

****

BS06: The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon