Lucas Velasquez
"Mommy, I don't want to play with that ugly creature. He's getting into my nerves." pikon na sabi ko habang sinasamaan ng tingin si Lucas Velasquez. Kasama niya ang kuya niyang si Kace Velasquez, kapwa nag-uusap at nagtatawanan. Ang ayoko sa kanilang dalawa ay si Lucas dahil nakakairita siya sa paningin ko at kilalang bully 'yan sa school namin. I hate him!
"Anak, Ashiana. Hindi naman masama si Lucas, mabait 'yan. Go play with them, may kakausapin muna si Mommy, okay?"
Padabog kong binaba ang librong hawak ko dahil sa sobrang inis. Hindi ako lumapit sa kanila, sa halip ay tinuon ko ang atensyon ko sa paglalaro nang mag-isa. I don't need friends anyway, kaya ko naman ang sarili ko. Kung si Lucas lang naman pala ang kakaibiganin ko, huwag na lang. Baka mapapatay ko siya sa galit ko. Masyado kasi siyang nagma-mataas, porket matangkad siya at gwapo katulad ni Kace? Duh! Pangit parin siya.
"Asha?" Nag-angat ako ng ulo nang marinig kong tinawag ako ni Kace. Yeah, alam ko ang boses niya at kay ganda nu'n sa tainga. Mabait kasi siya kumpara sa kapatid niyang pinaglihi yata kay satanas. Akala mo mabait, 'yon pala may lahing demonyo. And speaking of?
Kasama ni Kace si Lucas. Nasa likuran si Lucas at ang sama ng kanyang tingin. Sinamaan ko rin naman siya ng tingin. Akala niya siguro matatakot niya ako diyan sa matang 'yan. Wala akong pakialam sa maganda niyang mata.
"Ano 'yon, Kace?" tanong ko naman at binaba ang librong hawak ko. Pinagpagan ko ang dress ko, mahina lamang 'yon. "May kailangan kaba?"
"You want to join us?" Tinuro ni Kace ang Mommy at Daddy niya na kumakaway sa amin. Ngumiti naman ako ng pilit at nawala rin agad nang mag tagpo ang tingin namin ni Lucas. Napa-tch pa siya. Akala mo kung sino.
"Hindi na, Kace. Ayos lang ako rito."
"I told you she's okay. No need to ask her to join us." malamig na sabi ni Lucas at nauna nang lumakad papalayo. Naikuyom ko naman ang kamao ko at pilit na ngumiti kay Kace. Nakita ko ang apologetic niyang mukha bago lumisan. Napaka-walang hiya talaga ng Lucas na 'yon.
****
"ASHIANA! Ang ganda ganda natin ngayon ah! Manonood kaba ng laro nina, Triton?" masayang tanong ni Alexa. May hawak pa siyang mukha ni Triton at Skie. Laro kasi nila ngayon at kalaban nila ang kabilang school. Intrams kasi namin kaya may mga palarong nagaganap at pakain na rin. Andito ako ngayon sa loob ng room namin dahil hindi ko naman ugaling makisabay or maki-anunsyo sa labas. Gusto kong magbasa ng libro at libangin ang sarili sa ibang bagay kasya makipag-komunikasyon sa labas.
"Hindi eh, ikaw ba?" Napasapo ako sa noo ko. Halata namang manonood siya dahil hawak niya ang mukha ni Triton na naka-printed. Baliw na baliw talaga kay Triton ah. Sabagay sino ba namang hindi mababaliw sa lalaking 'yon. Matangkad, maganda ang pangangatawan, mayaman at higit sa lahat ay sobrang gwapo. Sikat na sikat 'yon sa campus. Mukhang artista kasi. Hindi lang naman siya, actually madami sila. Hindi ko kilala 'yung iba, pero kapag dadaan sila sa gitna ng hallway. Mapapatingin talaga ang lahat dahil kakaiba ang dating nila sa mga tao. Mahirap din silang banggain. Ang titigas ng mga katawan, halata naman, minsan nakikita ko rin dahil sa mga suot nilang kinulang sa tela. Mayaman pero may malaking punit ang damit?
"Oo naman! Ang daming gwapo ngayon sa school! Mukhang pupunta rin dito sina Lucas at Kace Velasquez! Sa kabilang school 'yon hindi ba?"
Napairap na lamang ako nang marinig ko ang pangalan ni Lucas. Sa kabilang school sila at sila ang matibay na kalaban ng school namin. Globally competitive eh? Lahat na lang yata kinakalaban nila. Hindi rin naman magpapatalo ang school namin ano?
"Hindi ko alam. Ano naman ang gagawin nila rito?"
"Shunga ka rin minsan, Asha eh. Lagi na lang kasi libro ang hinahawakan mo. Sumama ka na lang kaya sa akin para malanghap mo naman ang masayang kaganapang nangyayari ngayon sa labas! Ang daming gwapo!"