Chapter 2

907 28 8
                                    

"Yes sir. Malapit na ho kami." Iyon ang narinig niya ng imulat ang kanyang mata. Sinulyapan siya ni Mang Dan ng makitang nakatingin siya sa rear view mirror ng kanilang sasakyan.

"Pasensya na ho Miss Lola, tumawag ho ang inyong ama at nagtanong lamang kung nasaan na tayo. Kanina pa din siya tumatawag sa inyo." Paliwanag ni Mang Dan.

"Okay lang po, Mang Dan. Nakatulog pala ako." Niliko nito ang sasakyan pakanan. Tumingin siya sa labas ng bintana. Entrada na ng pribadong subdibisyon ang natatanaw niya. Lumakas ang pag tambol ng dibdib niya.

"Malapit na ho tayo Miss."

"Opo Mang Dan. Ilang taon din ho akong hindi nagpakita dito. Kinakabahan po ako." Pahayag niya sa matanda.

"Masaya ako at umuwi ka na Miss Lola, matutuwa rin ang ibang kasambahay sa pagdating ninyo." Bumusina ito hudyat na nasa harapan na sila ng malaking gate ng kanilang bahay.

Sa loob ng dalawang taon na nawala siya ay hindi nagbago ang kulay niyon. Maging ng makapasok sila sa loob ng bakuran ng kabahayan ay ganoon pa din. Nadagdagan nga lamang dekorasyon ang parteng iyon ng bakuran.

Mayroong maliit na palaruan. Nagtaka pa siya kung bakit mayroon palaruang gawa sa matigas na plastik.

"Mang Dan. Bakit ho may play ground sa garden? Para kanino po iyon?" Nilingon niya ito sa salamin. Naghihintay siya ng sagot ngunit hindi na nagsalita ang matanda. Bagkus ay inihinto na nito ang sasakyan at bumaba. Mabilis siyang pinag buksan nito ng pinto ng kotse.

"Ang papa niyo na po ang makakasagot sa mga tanong niyo." Matapos sabihin iyon ay inilahad nito ang kamay sa daan upang mauna siya.

Hindi alam ni Lola kung bakit nanginginig ang mga kamay niya. Pinagsalikop niya ang mga kamay upang pigilan ang panginginig nito. Dahan dahan niyang inakyat ang hagdan patungo sa bukana ng kanilang pintuan.

Inihawak ni Lola ang kanyang mga kamay sa upang mabuksan ito. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at wala sa kasiguraduhan na itinulak ito.

Doon niya nabungaran ang kanyang Ama na matamang naghihintay sa bukana ng pintuan. Ang mga kamay nito ay parehong nakatago sa likod ng katawan at ang tingin ay nasa sahig. Lumingon ito ng marinig ang pagbukas niya ng pinto.

"Pa~papa.." Tawag niya rito. Agad na naglandas ang kanyang mga luha. Walang sinayang na sandali si Lola at tinakbo ang pagitan nilang mag ama.

"Sorry po." Sambit niya habang mahigpit ang yakao na iginawad ng kanyang ama.

"We've been waiting for you to come home. How could you ease all the pain he gave you Lola?" tanong ng kanyang ama habang yakap pa din siya nito. Kumalas si Lola para tignan ito sa mata.

"I'm really sorry papa, I promise to obey you this time. Hindi ko na po sisirain ang tiwala niyo." paliwanag niya sa ama.

"You shouldn't iha." babawala nito sa kanya.

"Opo papa." Pinunasan ni Lola ang kanyang basang mukha dahil sa pag iyak. Inilibot ni Lola ang kanyang paningin sa buong kabahayan. Nasaan ang kanyang ina at nag iisang kapatid?

"Nasaan ang mama at Clarisse, Pa?" Muling tanong niya ng ibalik ang paningin sa mata.

"Nagpapahinga na sila Lola. Come on, naiakyat na sa kwarto mo ang iyong mga gamit. You need to rest. Bukas na muli tayo mag usap. Get up early para makasabay ka sa agahan." Aya ng kanyang ama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lola : The Woman in DistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon