BG XXVII

39 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

"Elmira, how are you?" halos pabulong na tanong ni Ate Snow.

"Fine." Medyo basag ang tinig niya na sumagot.

"Yet, you don't look good." Prangkang sagot ni Snow na hindi nila ikinagulat. Ako lang ata ang nabigla sa kaniya. "Do you remember anything that happened there?"

"Stop it, Snow. Let her rest," madiing sita sa kaniya ni Silver na kadarating lang.

"She's been resting for nearly three days already."

Maya-maya ay pumasok din si Thunder sa special room. Saglit kaming nagkatitigan.

"My gosh, bro, why are you here? Akala ko nasa kingdom ka?"

"Tss." Parang sinasabi ng kunot niyang mukha na hindi niya naman kailangang pumunta doon.

"Anyway, Elmira, ang tagal mong nakatulog," sa tono ng boses ni Ate Snow ay mahihinuha mong close sile. "Hindi ka na tuloy updated sa nangyari kila Blue at Fiona. They were also in critical condition."

"Ate," suway sa kaniya ni Thunder habang nakakunot ang noo.

"You guys don't want me here? OMG. I was just keeping her updated! Tell me, Elmira, don't you want me here?"

"Please, stay."

"See? OA lang kayo. Chill, okay? I will do no harm," hindi ko mawari kung may sarkasmo sa pagkakasabi niyang iyon pero parang wala naman. Parang gusto niya lang talagang magkwento. Natural na ata sa kaniyanang pagkamaarte siya at pagkamadaldal.

"As I was saying, Blue and Fiona were in critical condition. They had a fight yesterday. Let me show you." Naglabas si Snow ng snow globe at tila na-replay doon ang mga nakita niya. Amazing! Is that her ability? Ngayon ko lang nakita.

"Don't look at me like that, Elmira. Hindi ko din alam kung bakit sila nag-away. But you know what, I think, break na sila." May pagdiin sa huli nitong sinabi.

Bahagyang nalungkot ang ekspresyon ni Elmira sa narinig. Hinaplos naman ni Silver ang buhok nito saka dinampian ng halik sa noo. "Rest for now. You'll know things after you get out of here. Pagaling ka muna," malumanay na sambit nito.

Sinalubong ni Elmira ang tingin sa kaniya ni Silver nang nangungusap ang mga mata. Parang napakadami niyang gustong itanong, isumbong, at ikwento. Parang sila lang ang laman ng kwarto. I feel out of place.

Inis na umismid si Thunder saka ito nag-walkout kaya sinundan ko siya.

"Hey. Okay ka lang?" Tumingin lang ito sa akin at naglakad palayo. "Sandali. Saan ka pupunta? Hindi mo ba bibisitahin din si Fiona?"

"Why would I? Hindi mo ba alam na magkaaway ang grupo namin at grupo nila?"

"Anong away? Hindi ba't magkakakilala kayo?"

"Magkakakilala, hindi magkakaibigan. Stop following me unless you want to be my pet." Galit at sarkastiko nitong baling sa akin.

"Ang bastos mo magsalita ah." Bakit sa akin niya ibinubunton ang pagseselos niya? Nakakainis naman itong tandang ito.

Iintindihin ko na lang. Tumingin ako diretso sa mga mata niyang puno nanaman ng galit.

"Look," hinila ako nito sa braso at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "I don't know your intentions but let me tell these to you one last time. Hindi kita gusto at kailanman ay hindi kita magugustuhan. Hindi ko kailangan ng mahihinang nilalang gaya mo. Fuck off!"

Pabagsak niyang binitawan ang braso ko at saka nagmamadaling umalis. Anong problema niya? Ramdam ko ang pamamasa ng mga mata dahil sa inasal niya. Wala naman akong ginagawang masama.

"So silly of him to make you cry. Here." Nag-abot si Snow sa akin ng panyo. "I apologize on his behalf. Let's talk about your training later. I hope mapatunayan niya sa sarili niya na hindi ka mahina, silly kid. Tsk," humakbang ito para sundan ang kambal. "Good luck, sister! See ya!" Ikinaway pa nito ang kamay bago umalis.

"Benevelle." Dali-dali kong pinunasan ang luha bago humarap kay Silver. "Don't get too close to her. She's dangerous." Hawak nito si baby Celine sa braso na siya namang kinuha ko.

"Silver, hindi kita maintindihan." Binigyan lamang ako nito ng mahinang tapik sa ulo.

"Ihahatid muna kita sa bagong kwarto mo," sabi nito sabay abot sa akin nung ID ko na nakuha ko kagabi sa headmaster's office.

Tahimik lamang kami sa paglalakad. Nadatnan namin ang isang eleganteng wooden door na may engraved names na kulay ginto. "Shamcey and Sapphire."

"Kabilang sila sa mga elementian directors, masters o mga guro sila ng academy."

"Te-teka, bakit-" guro ang mga makakasama ko?

"You're here!" Namumukhaan ko siya, siyang iyong babae sa headmaster's office kagabi.

"What's your power at bakit kailangan mo ng month-long intensive training?" Tanong sa akin nung isa pang guro na mala-diwata ang ganda. Puti at maalon ang mahaba nitong buhok, she looks like an Albino.

"Saph!"

"Tss, what?"

"Hu," napatingin ako kay Celine na nagbabadyang umiyak. Inalo ko na lamang ito para hindi matuloy.

"Uhm, pagpasensiyahan mo na si Saph. We heard your story from the headmaster but of course, we, uhm, need to know your version of the story," malumanay na sabi ni Ms. Shamcey. "Hindi naman agad, let's do that at a later time. Pansamantala, doon muna ang kuwarto mo. Magpahinga ka na muna."

I AM A BAD GENIE.

"Ah, salamat po." Katahimikan ang bumalot sa aming tatlo bago sila tuluyang umalis at nagtungo ako sa kwarto ko. "Hi, Celine," magiliw nitong itinaas ang braso kaya inabot ko ang daliri ko na siya namang hinawakan niya at hindi na binitawan.

Nadatnan ko ang kuwarto na may mga bagong kagamitan para sa isang baby. Mayroon nang crib, mga damit, gatas, at iba pa. Hindi ko alam kung sino ang bumili o nagplano ng mga ito pero laking pasalamat ko na lang sa kaniya. Nakaramdam ako ng antok sa haba ng oras na ginugol ko sa pag-aasikaso sa bata. Hindi ko namalayan ang paghimbing ko.

Naalimpungatan ako nang madama ang pagdagan ng kung sino sa kama. Pagmulat ko ng mga mata ay isang matalim na dagger na ang nakatutok sa leeg ko. May takip ang mukha nito pero babae ito base sa hubog ng kaniyang katawan. Bitbit niya sa kabilang braso si Baby Celine.

May pagtataka ko siyang sinalubong sa mga mata. Mabilis ang mga galaw nito. Kumaripas ito ng takbo paalis sa kwarto. Napabalikwas ako sa kama at saka siya hinabol. Paano siya nakapasok?

Patuloy kong binibilisan ang takbo kahit hingal na hingal na ako. Nawala na siya sa paningin ko pero sinusubukan ko pa ding sundan ang tinig ng mga yapak niya sa sahig. Halos hindi ko na madinig kung saan siya papunta. Hiniling ko na lang na sana ay madapa siya para mahabol ko kung sino man siya na kumidnap kay Celine.

Lumabas ang usok mula sa mga palad ko at kalaunan ay nakadinig ako ng pagbagsak. Napa-teleport ako sa kinaroroonan niya pero isang malakas na suntok sa sikmura ang inabot ko.

"Ibalik mo si Celine!" Nakatalikod ito mula sa akin at pulos kulay itim ang kaniyang kasuotan.

"Kunin mo..."

Hinahabol ko ang hininga. Nararamdaman ko ang pintig sa magkabila kong binti dahil sa pagod sa pagtakbo. Hindi ko naiwasang mapahawak sa mga nanginginig kong tuhod.

...kung kaya mo."

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now