BG XXVIII

44 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

"Kunin mo kung kaya mo," panghahamon sa akin nito. Mababa ang boses niya na hindi ko inaasahan. Tumakas itong muli. Para akong nabato sa kinatatayuan ko. Ihinakbang kong muli ang mga paa ko pero natumba ako sa bigat ng mga ito.

Hindi. Hindi pwede! Nararamdaman ko ang mainit na pwersa sa aking katawan. Kaya ko, kaya kong maabutan ka. Inipon ko lahat ng natitira kong lakas sa pagtakbo.

"Mommy, daddy!"

Kung anu-anong imahe ang nakikita ko sa isip at halos mabiyak ang utak ko. Pero hindi pwede. Hindi ako pwedeng tumigil. Nag-uunahang pumatak ang luha ko at halos wala na akong makita sa daan. May pamilyar na ihip ng hangin akong naramdaman sa gilid ko at hindi ako maaaring magkamali sa kung sino iyon. Pagdating sa takbuhan ay wala nang iba pang mas bibilis sa kaniya.

Hindi ko na maramdaman ang mga binti ko. Nadapa pa ako. Napaluhod ako at napahawak sa batok. Pakiramdam ko ay tinutusok ako ng libu-libong maiinit na karayom at halos para akong sinusunog.

"Hindi lang Ignis ang tinatakasan natin Ben."

"Vel, maintindihan mo sana na hindi ko kayang isuko kayo sa kanila."

"Kinakailangan mong bumalik sa Kromelia, Benedict."

"Hindi ko kayo iiwan, kayo na mag-ina ko, Lovelle." Sandaling natahimik ang babae dahil sa pagtawag ng kabiyak. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha, ang matinding pagkabahala sa mga maaaring kahinatnan ng kanilang kasalanan.

"Nauubos na ang mana natin dito. Ganoon din ang mangyayari sa anak natin bago pa siya makarating sa Kromelia."

"Hindi maaaring bumalik ang anak natin sa Kromelia."

"Anong gagawin natin?" Kinuha ng lalaki ang isang manipis na itim na kwaderno, isang kayamanan na nagmula pa sa matalik niyang kaibigan. Napuno ng pagtataka at pagkatakot ang babae. Kahina-hinala ang kwadernong iyon at ang mga lihim na nakatago dito.

"Bumalik na lang tayo sa Kromelia."

"Tutugisin nila ang bata. Si Benevelle, iba siya."

"Pero kailangan nating bumalik. Alam mo ang mangyayari sa atin kung hindi tayo babalik." Ang una nilang kasalanan ay nadagdagan ng isa pa, hanggang sa madami na ang batas na nilabag nilang pareho para protektahan ang anak, ako.

"Hindi natin siya iiwan."

"Mommy, daddy." Pupunas-punas pa din ang bata sa mga luha niya.

"Sa wakas, naabutan ka din namin bata."

"Si mommy po at si daddy po?"

"Hahaha patay na, mahihinang nilalang sila eh." Isang kulto ng mga elementians ang ngayo'y nakaharap sa bata para dakpin ito.

"Bakit po patay, kayo po ang pumatay?"

"Oo bata, at wala ka nang magagawa doon." Sumenyas ang pinuno nila na kunin ang bata pero tumilapon ang mga ito.

"Bad ka! Pinatay mo si mommy at daddy! Sana mamatay na kayong lahat."

Pakiramdam ko ay hinihiwa ang puso ko. Sumisikip ang dibdib ko at hindi na makahinga, gusto kong humiling, gusto kong humiling na makaranas nang matinding kawalan ang kumuha kay Celine. Sana... But, NO, that's not me. I refuse to be that kind of person. Hindi ako papalamon sa galit, mahahanap ko din si Celine. Please, sana maabutan ni Silver ang kumuha kay Celine. Nakahiga ako sa malamig na damuhan nang maabutan ni Gen.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now