"San ka?" tanong nang nasa kabilang linya.
"Nasa tapat ako ng department natin, sa may mga benches. San ka na ba?" tanong ko rito.
"Kita na kita, wait lang daanan ko lang si Eumee." sabay baba nito sa tawag.
Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang unang araw namin sa kolehiyo. Hindi ko pa masyadong kilala ang mga kaklase ko. Hindi ko pa memoryado ang bawat pangalan nila. Pero kabisado ko na ang pagmumukha nila.
"May activity kana sa prog 1?" tanong ni Trisha na nakapwesto sa harapan ko na halatang problemado.
"Wala pa, ngayon ba yung pasahan non?" hindi ko pa nga pala nagawa yung activity namin sa Programming 1. Nawala sa isipan ko, hindi ko kasi magawang makapagrun at puro pulang letra ang nakukuha ko every time na magcocode ako.
Puro error ang nagagawa ko. Kahit anong gawin kong pakikinig eh wala talagang nagreretain sa akin. Gusto ko naman 'yung course pero hirap talaga ako dahil siguro hindi kaya ng utak ko.
Magprint lang yata ng Hello World ang kaya ko. Sa C++ pa.
Hindi naman din ako makapagpaturo kay Bryle dahil busy din siya sa mga school works niya. And besides baka goal na naman ulit niyang maging Dean's/President's Lister sa semester na ito.
Mahilig kasi siya mag-aral. Mahilig siyang nakikisama sa mga taong alam niyang may matutunan siya. He is very determined to finish college with a flying colors. Gusto daw kasi niyang maging proud sakaniya ang mga magulang niya.
Hindi daw kasi niya kayang maikumpara sa iba. Hindi niya ito matolerate. Ayaw na ayaw niyang ikinukumpara siya sa iba. Dahil ayon sa kaniya, kanya-kanya ang kakayahan ng mga tao. Maaring magaling sila sa isang bagay na hindi natin kayang gawin. At may mga kaya tayong gawin na hindi din naman nila kayang gawin.
At ang mas kinaiinisan pa niya ay ikinukumpara pa daw siya sa taong alam niyang hindi naman ganun kaangat sa kaniya. Kaya ganyan nalamang siya kadeterminadong matuto at makapagtapos ng may karangalan.
"Soff, sabay na tayo umuwi. Dala ko motor ko." bungad sa akin ni Bryle na kararating lang sa kinaroroonan ko.
"Anong sabay? 3pm uwi ko, Bryle! 'Wag kang ano diyan. 5pm pa uwi niyo." salungat ko naman dito.
Ang init sa campus and gusto ko nalang umuwi kaagad pagtapos ng klase.
"Para namang iba ako oh! Para 2 hours lang, Sophia. Apakadamot mo naman!" may pagtatampo niyang biro sa akin. "Ano ba, Bryle? Kapag ako ba yung nagpahintay sayo, hihintayin moko? Diba hindi?"
Ganito siya parati. Ayaw niyang naghihintay. Ayaw niya ng may hinihintay siya. Dahil ayon sa kaniya, hindi daw siya sanay. Kaya parating ganito yung setup namin. I always wait for him. Pero kapag ako na, ibang usapan na.
"Parang ano naman 'to! Sige na, wala akong kasabay pauwi oh. Sige ka, iba isasabay ko!" pagbabanta niya pa sakin.
"Edi iba isabay mo. Ang init dito sa campus tapos maghihintay pa ako ng dalawang oras. Gusto ko nalang ipahinga 'yon."
"Okay. Sabi mo eh" sabay alis niya.
Ang bilis niyang magtampo. Daig niya pa ang babae kung magtampo siya. Siya pa yung sinusuyo. Hindi ko pa yata siya nakitang manuyo sa kahit sino. Wala pa siyang nabanggit sa akin na may karanasan na siyang manuyo. Dahil base sa experience ko at sa pagkakakilanlan at pagsasama namin, hindi pa niya ako sinuyo.
Agad ko naman itong itinext upang sabihan siyang hihintayin ko na siya. Hindi ko matake na nagtatampo siya sa akin. Na para bang wala ng taong nandiyan para sakin kapag hindi kami okay ni Bryle.
Kapag hindi kami nag-uusap, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dahil sanay akong nandiyan siya. Sanay ako na parati ko siyang kausap. Kaya ganiyan nalamang akong sumusunod sa lahat ng tantrums at request nito. Hindi kona naiisip ang sarili ko sa mga panahong ganito.
To:
Bryle"Oo na, hihintayin na kita. Sa may Business Studies kita hintayin."
Mapresko kase sa College of Business Studies. Maraming mga puno kaya naman ganoon ko na lamang kagustong doon hintayin si Bryle.
From:
Bryle"Hihintayin mo naman kase ako, pakipot kapa. Ako hintayin mo ah, wag ang iba"
Loko loko talaga itong lalaking ito. Kung hindi ko lang talaga kilala pagkatao nito ay baka mag-assume ako at kiligin pa sa sinabi nito. But knowing him, para sakaniya biro lang lahat ng 'yon.
"Ganiyan ba talaga kayo?" biglang tanong naman ni Trisha na nasa harapan ko.
Oo nga pala, nandito si Trisha. Nakalimutan kong nasa harapan ko nga pala siya.
"Paanong ganiyan?" tanong ko dito.
"Ganiyan, like, best friends kayo, yan ang sabi niyo. Pero kase ah, napapansin ko palaging ikaw yung nag-aadjust. Parating ikaw yung umiintindi. Is that how you guys are? Ang unusual ng ganon ah!"
Yes, madalas kaming napagkakamalang ganito. Na hindi sila naniniwala every time na sasabihin naming bestfriends lang talaga kami na walang namamagitan sa aming dalawa.
"Hindi naman parating ganun. Pero sanay na kasi kami sa isa't-isa. Sobrang close na din kase namin kaya pati ikaw eh nag-aakalang may kami. Actually hindi lang din naman ikaw, halos lahat." paliwanag ko rito.
"Eh paano kasing hindi kayo mapagkakamalan, eh sa mga words and actions niyo daig niyo pa kaming dalawa ni Paul."
"Ang oa mo naman!" sagot ko rito at tinawanan nalaman siya.
Mabilis lang natapos ang klase namin. Nasa may tapat ako ng room ng Accountancy 1-A, dito ako nagpapalipas ng oras para hintayin si Bryle.
Marami-rami din ang mga estudyanteng nakatambay dito. Kaya naman hindi ka din maiinip maghintay. Marami kang makikitang busy sa mga ginagawa nila, sa mga assignments, activities, or even reports.
Mabilis namang lumipas ang oras at pagtingin ko sa phone ko ay wala pang reply si Bryle.
Minessage ko kasi siya kanina na itext niya ako agad once na natapos ang klase nito.
Pero wala pa din akong natatanggap na reply mula dito.
Alas singko na. Hindi ko tuloy alam kung nabasa niya ba ang message ko or nakalimutan niyang hinihintay ko siya.
5:10 na ng may natanggap ako na mensahe galing kay Bryle.
From:
Bryle"Soff, wait lang. Wait for another 30 minutes. May tatapusin lang kami ni Eumee."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pagtapos kong mabasa ito.
Nakakainsulto.
BINABASA MO ANG
Constant Blow
RomanceStarted: 04/20/2024 Promises should not be trusted. Ang hirap palang hindi mapili sa mga sitwasyong gusto mong ikaw naman yung piliin. Ang hirap umasa sa taong puro disappointments lang ang tanging alam na gawin sayo. Umaasa na balang araw sa kabila...