Prologue

7 0 0
                                    

"Magkaklase tayo, sis!!"

Sigaw ng babae sa may 'di kalayuan sa kinatatayuan ko.

"Trisha?? IT ka din?" gulat na tanong ko rito.

"Oo! Magkaklase ulit tayo! Kinabahan pa naman ako bago pumasok ngayon dahil alam ko ibang klase na kapag college. At bihira lang talaga magkaroon ng kakilala sa mga kaklase. Buti nalang talaga kaklase kita!" masayang kwento naman nito sa akin.

"Anong section ba natin? At anong time ng first subject? Baka late na tayo ah" tanong ko naman sakaniya.

Pasukan kase namin ngayon sa kolehiyo. At kumuha ako ng kursong Information Technology dahil namamangha ako sa mga taong nagdemonstrate sa amin dati sa school ng kung anu-anong kurso. At isa na nga dun 'yung IT, na kung saan kaya daw nilang mag-unlock ng cellphone kahit pa may security passwords ito. Which it caught my attention and simula noon ay nagustuhan ko na ang teknolohiya.

"Section C tayo, sis. And mamaya pang 9AM ang first subject natin."

7AM palang. Hindi kasi ipinopost ng school ang mga schedules namin sa page kaya wala kaming idea kung anong section at kung anu-ano ang mga subjects namin for today. 

Pumasok ako ng maaga para hindi mahuli sa klase.

Tumungo kami ni Trisha sa blackboard sa may tapat ng college department namin. As expected, maraming mga estudyante ang nandoon at tinitingnan ang kanilang mga pangalan. 

Nakalagay kasi sa malaking blackboard na iyon ang mga schedules ng bawat courses sa department namin at kasama pa ang mga lists of names ng mga students by section.

Isa na din ako sa mga estudyanteng tumingin ng pangalan. Hinanap ko muna yung pangalan ko at sunod naman ang kay Bryle.

Si Bryle ang kaibigan ko nung Senior High School. Pareho kami ng strand na kinuha. Accountancy, Business and Management.

How ironic, right? ABM yung strand namin pero heto kami ngayon sa Computing Studies. Parang tanga lang. Sinayang yung 2 years at kumuha ng unrelated na course sa strand namin.

Actually isa din si Bryle sa rason kung bakit IT din ang kinuha ko. Dahil siya din ang isa sa naka-impluwensiya sa kagustuhan ko. Na para bang lahat ng gusto niya ay gusto ko na rin.

Ayon pa sakaniya ay in-demand ang IT. Matataas pa daw ang mga sahod. At nasa panahon na tayo na halos lahat ng tao ay gumagamit na ng teknolohiya.  Kaya naman daw mas mabuting IT din ang kunin. At ayon pa sa kaniya, ihahack daw niya ang mga accounts ng mga taong kinaiinisan niya.

IT-1A

32. Santiago, Bryle 

Tingnan mo nga naman at hindi pa namin nagawang magkaklase. 

Nagvibrate ang phone ko sa bag kaya naman dali-dali ko itong tiningnan.

1 message notification. Tap to open

From: Bryle

"Soff, where u at? School kana ba?"

As always, late na naman ito panigurado. Graduation lang yata siya on time eh.

To: Bryle

"Oo at bumangon kana dahil 9AM din yung first subject ninyo."

Reply ko sakaniya dahil panigurado ay hindi pa ito bumabangon sa higaan niya.

That's Bryle. Gwapo, matipuno, matalino, palaging late, mahilig magcram, tamad at higit sa lahat walang pakialam sa opinyon ng iba. Walang iba kundi ang bestfriend ko, si Bryle Santiago.

Kung walang saysay ang mga sinasabi mo ay hindi ka nito papansinin at kakausapin.

Kung ano ang alam niyang tama ay ito lang din ang tama para sakaniya.

Madalas kaming magtalo lalo na kapag may mga bagay siya na ayaw sakin. Mga bagay na gusto ko ay madalas ayaw niya sa mga 'yon. 

Matatawag mo siyang tatay sa kadahilanang kailangan mo pa ng kaniyang abiso para lamang makapaggala at makalabas ng bahay. Na tila kailangan mo muna makuha 'yung permiso niya bago mo magawa ang gusto mo.

But I am fine with it. Naiintindihan ko siya dahil hindi nadin naman siya iba sa akin. He is my bestfriend. Without him, I think hindi ko makakaya lahat ng hamon ng buhay. Without him, I don't know what life is.

Muli na namang nagvibrate ang phone ko.

Bryle is calling...

"Ba't hindi mo ako sinabihang nasa school kana? Kailangan ko pa magtanong." irita naman niyang bungad sa akin.

"Ayan kana naman, Sophia. Konting update lang hindi mo magawa." dagdag pa nito.

Sophia na ang tawag niya. Isa ito sa sign na may hindi ito nagustuhan.

"Eh hindi na ako nakapagtext dahil maaga ako umalis ng bahay. Tsaka first day ngayon kaya na-excite ako." 

"Sinabi ko naman sayo kagabi, sabay na tayo." irita pa rin niyang tugon.

"Maligo kana at mag-ayos, oras na, Bryle." pag-iiba ko ng usapan.

"Sa susunod, Sophia. Paulit-ulit nalang 'to. Ingat ka." sabay baba nito sa tawag.

"Sino 'yung kausap mo?" tanong naman ni Trisha na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin ni Bryle. "Si Bryle, bestfriend ko." sagot ko rito.

"Bestfriend? Eh bakit may pag-update na nagaganap? Nagagalit pa kapag hindi nakapag-update. Yung totoo, situationship kayo no? Walang label." pabiro nitong tanong.

"Bestfriend lang, Trisha. Wag kang oa diyan." sabay tawa ko dito dahil napagkamalan pa kaming magkasituationship ni Bryle. 

"Sinong tangang maniniwala naman sayo? Walang magbestfriend na ganon, and excuse me, lalaki pa bestfriend mo ah" may halong pang-aasar na sagot nito.

"Ano ba, Trisha! Hello? Si Bryle? Magkakagusto sakin? For all I know wala ako sa kalingkingan ng ideal type non." 

"Oa mo, Sophia!" sabay tawa nito sakin at sabay kuha nito sa hawak ko na pamaypay.

Oa na kung oa pero malayo talaga ako sa mga gusto ni Bryle. Gusto niya yung nakakasabayan niya. Gusto niya yung kapareho niya ng interes, yung taong pareho sila ng trip. Same humor and kagaya din dapat niyang matalino.

Malayo ako sa mga 'yon. 

Hindi ko nga masabi kung same humor ba kami dahil yung mga joke ko eh hindi niya masyadong gusto. Corny daw pakinggan. At ayon pa sakaniya, hindi daw niya gusto mga trip ko.

 In short, hindi ako 'yung tipo niya. 

Hindi ako yung gusto.













Constant BlowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon