MON POV:
LUNCH break na namin. Nakaupo ako sa may bench malapit lang sa canteen.
Nabigla ako nang may kumalabit sa 'kin bigla, "May kasabay kang mag lunch, Mon?"Si Faye lang pala.
"Ah wala naman, ba't mo natanong" Saad ko sakanya. Napangiti naman s'ya. "Gusto mo sumabay sa-" Napahinto s'ya sa pagsasalita ng dumating ang isa pa n'yang kaibigan.
"Faye! Dali, sabay ka sa 'min kumain" Sigaw ng kaibigan n'ya na hindi kalayuan lang sa puwesto namin ngayon. "Sumabay ka na sa kanila" Ngumiti ako at nakita ang pag-aalinlangan sa mga mata n'ya, "S-sigurado ka ba? Pwede namang hindi nalang ako sumabay sa ka-" Napatigil s'ya sa pagsasalita nang pinutol ko s'ya."Sigurado ako, Faye" Saad ko at tumayo sa kinauupuan kong bench.
Ngumiti naman s'ya kaya nginitian ko rin s'ya.
"Next time nalang, Mon!" Umalis na s'ya at nagwave sa 'kin.Tuluyang na akong umalis sa bench na kinauupuan ko kanina. Papunta na ako ngayon sa canteen para bumili ng pagkain ko.
Naramdaman ko na naman ulit na may kumalabit sa 'kin.
Eh akala ko ba umalis na sila Faye?
"Tapos na agad kayo kuma-" Nabigla ako noong mukha ni Bryx ang nakita ko.
"Bryx?"
Nagpakita na naman s'ya sa 'kin? O panaginip lang 'to lahat?
Bakit na naman ba s'ya nagpakita sa 'kin? Ano bang balak n'ya? May balak ba 'syang balikan ulit ako? Hays ba't ba ako nag-iisip ng mga ganito? As if, babalik s'ya sa 'kin hindi ba? Masaya naman na sila Hana, hindi ba?
Hays Mon, tama na ang pag-iisip.
"May kasama ka na bang kumain?" Nagulat ako sa sinabi n'ya, "Pwede bang sabay na tayong kumain? Mukha ka kasing walang kasabay kumain mag lunch eh" Saad pa n'ya.
Eh ano naman kung wala akong kasabay kumain?!
"Hindi ko naman kailangan ng kasabay kumain" Napa-irap ako. "Kailangan ba talagang may kasabay kumain?" Dagdag ko pa. Nakita kong napakamot nalang s'ya sa ulo n'ya.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Mon" Napabuga ako ng hininga sa sinabi n'ya.
"May importanteng sasabihin ka pa ba? Kung wala na, aalis na ako" Aktong aalis na ako sa harap n'ya nang hinigit n'ya ang braso ko papalapit sa kanya. "Ano bang problema mo, Bryx?!" Napasigaw ako dahil sa inis.
Naiinis ako sa kanya. Bakit kinukulit na naman n'ya ako ngayon? Baka makita na ni Hana mga ginagawa ng boyfriend n'ya sa 'kin ngayon.
"Ano? May sasabihin ka pa o wala na?"
Napabuntong hininga naman si Bryx. "Hindi ka naman makikinig eh" May parte sa puso ko na sumakit.
Naaalala ko na naman ang pagloloko n'ya noong highschool kami.
"Aalis na 'ko" Naglakad na ako pabalik sa room namin.
Hindi na 'ko pumunta pa sa canteen, nawala na tuloy gana kong kumain.
Napa-upo nalang ako sa upuan ko na malapit lang sa bintana. Makikita mo ang mga estudyante sa baba— Ang iba ay naglalakad o kaya naman ay mayroong iba pang ginagawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/367179547-288-k218019.jpg)
YOU ARE READING
Mr Ex Lover (ON-GOING)
Teen FictionSynopsis: Hindi maiiwasan ang pag-ibig lalo na't highschool ka na. Si Mon at Bryx na magkaklase sa iisang paaralan, naging kasintahan ang isa't isa. Sa pag-iibigan, mayroon talagang gulo na hindi maiiwasan. Mayroong pagtingin si Hana na dating kaibi...