MON POV:
MAYROON pang 45 minutes bago matapos ang lunch break. Nakakaramdam na 'ko ng gutom, pero binabalewala ko lang 'to. Nakakatamad nang bumaba ulit at pumunta sa canteen.
BRYX POV:
Papunta ako ngayon sa building nila Mon dahil alam kong 'di pa s'ya kumakain ng lunch, kaya naisipan kong bilhan s'ya ng makakain at ihatid sa building nila.
Aaminin ko, may nararamdaman pa rin ako sa kanya. Kung pinakinggan n'ya lang sana ako.
Hays, tama na ang drama, Bryx.
.
.
."Uhm Miss" Nakita ko ang babaeng naka-usap ni Mon kanina sa may bench. "Pwede bang makisuyo?" Tinanggal n'ya ang headset na nakasaksak sa tainga n'ya. "Ano 'yun?"
"May kilala ka bang Monique Valencia dito?" Saad ko sakanya, nakita ko ang kuryosidad sa mga mata n'ya. "Ah oo, bakit mo s'ya kilala?" Tanong n'ya sa 'kin.
Shit, sasabihin ko ba ang totoo?
"Long story. Pwede mo bang ibigay sa kanya 'to?" Inabot ko ang plastic na may lamang mga paboritong pagkain ni Mon at tubig. "Hindi pa kasi s'ya kumakain eh" Saad ko. "Aalis na ako ah? Pakibigay nalang kay Mon, salamat" Saad ko pa sa kanya at tuluyan ng umalis sa building nila.
Naisipan kong manuyo nalang sa babae para ibigay ang pagkain na binili ko. Mukhang ayaw pa rin akong makita ni Mon eh. Nirerespeto ko naman ang desisyon n'ya, wala naman akong magagawa kung 'yun ang gusto n'ya.
MON POV:
Nakita ko si Faye na pumasok sa room namin pero hindi ko nalang 'yun pinansin, pero nakita kong papalapit s'ya sa gawi ko.
"Mon! 'di ka pa ba kumakain?" Nag-aalalang tanong n'ya sa 'kin
Paano n'ya nalaman na 'di pa ako kumakain?
"Inabot sa 'kin noong lalaki oh. Kainin mo 'yan, Mon. May 30 minutes pa. Iti tubig oh"
Lalaki? Hindi kaya si Bryx ang bumili ng mga 'to?
"Sinong lalaki, Faye?" Dala ng kuryosidad kaya napatanong ako sa kanya. "Hindi ko kilala, Mon eh. Taga kabilang building siguro" Saad n'ya kaya napatango nalang ako at sinimulan nang kumain.
Nagugutom na rin kasi ako eh
.
.
.Sinamahan ako ni Faye na kumain, may natitirang oras pa naman.
.
.
.BRYX POV:
Sana kinain man n'ya lang 'yung pinabigay kong pagkain para sa kanya para may laman naman 'yung tiyan n'ya ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/367179547-288-k218019.jpg)
YOU ARE READING
Mr Ex Lover (ON-GOING)
Dla nastolatkówSynopsis: Hindi maiiwasan ang pag-ibig lalo na't highschool ka na. Si Mon at Bryx na magkaklase sa iisang paaralan, naging kasintahan ang isa't isa. Sa pag-iibigan, mayroon talagang gulo na hindi maiiwasan. Mayroong pagtingin si Hana na dating kaibi...