MON POV:
BIGLA akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock. Napagtanto kong alas syiete na ng umaga at mayroon pa akong klase mamayang alas otso.
Nagtungo kaagad ako sa banyo upang maligo at magbihis. Hindi na napasok sa isip ko ang kumain ng umagahan, baka kasi ay malate ako, patay ako sa prof ko.
Ako si Monique Valencia, isang college student at namumuhay akong mag-isa. Pareho ng patay ang mga magulang ko, wala 'rin akong kapatid ni isa.
.
.
.
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway at patungo na sa classroom kung saan gaganapin ang 1st subject class namin. Nakasalubong ko ang isa sa mga kaibigan ko na si Faye, "Mon!!" napalingon ako sakanya, nginitian s'ya at nagwave lang. Wala na akong oras na makig-usap pa dahil sa tingin ko vacant nila ngayon habang ako papasok palang sa 1st subject ko.
Malapit na ako sa classroom ng may nakabangga sa 'kin.
"Oh, I'm sorry. I didn't mean to" nagmadaling pulutin noong lalaking nakabangga sa 'kin ang mga gamit ko, "Are you oka-" napatigil s'ya sa kanyang sasabihin ng napagtanto n'ya kung sino ang nasa harap n'ya.
"M-mon"
It was Bryx, my ex when I was in highschool. Tila lahat ng memorya namin bumalik noong magtagpo ang mga mata namin.
"I'm sorry, I have to go" mabilis ko s'yang tinalikuran at naglakad na ulit.
Patuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa classroom namin. Buong klase ay walang pumapasok sa isipan ko kung hindi s'ya lang.
Nakalimot na ako eh, bakit nagpakita pa s'ya ulit?
FLASHBACK
BRYX POV:
"Ano ba, Hana? Hindi nga kita magugustohan eh. Bakit mo ba pinipilit ang sarili mo sa 'kin?"
Pilit akong niyayakap ni Hana dito sa rooftop ng eskwelahan namin, na pilit ko namang iwinawaksi. "B-bryx, what should I do para magustohan mo ako? Ha?! Ano bang mayroon si Mon na wala ako?!"
Nakakapagod naman itong babae na 'to. Bakit hindi n'ya maintindihan na hindi s'ya ang babaeng minamahal ko?
"Hana, wala kang kailangang gawin. May mahal akong iba, Hana. Please naman, 'wag mo na kaming gulohin." Napabuntong hininga ako, "Si Mon.. S'ya lang ang babaeng mahal ko, s'ya lang ang babaeng mamahalin ko, Hana, wala ng iba."
Natahimik bigla si Hana, "Sana naman maintindihan mo. May binubuo na kaming pangarap namin. Wala na akong kailangan pang ipaliwanag sa 'yo, aalis na ako" Akmang aalis na ako ngunit biglang hinigit ni Hana ang mga braso ko at niyakap ako, "Kahit sa huling pagkakataon, Bryx" naramdaman kong bumitaw na s'ya sa pagkakayakap. Ngunit nabigla ako nung idinampi n'ya ang kanyang labi sa labi ko.
"B-bryx?" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig noong narinig ko ang boses ni Mon
Pinuntahan ko kaagad si Mon na hindi ganoon kalayo sa pwesto namin ni Hana kanina, "Mon, it was just an a-accident" hinawakan ko ang pisngi n'ya, nakikita ko ang nangingilagid na mga luha sa mga mata n'ya, "I thought.. friends lang kayo.." parang nabasag ang puso ko ng marinig kong umiiyak na s'ya.
Oh fuck.
"May mahal ka palang iba, Bryx. Bakit 'di mo naman sinabi kaagad sa 'kin?"
No. hindi ko s'ya mahal, Mon.
"A-ayoko, l-let's stop this" nabigla ako ng sinabi 'yon ni Mon.
"Mon, let me explain"
"No, what I saw is enough. I don't need your fucking explanation, Bryx. I don't want to hear cheater's explanation!"
Nakita ko kung paano tumalikod sa'kin ang taong mahal ko. "You!" tinuro ko si Hana, "This is all your fault!" sumilay naman ang ngiti sa labi n'ya, "Ayaw mo ba 'non? Wala nang aabala sa 'tin, Bryx"
Aabala? Hindi abala si Mon.
"Ikaw 'yung abala, Hana." Saad ko at tuluyang tinalikuran si Hana at umalis.
May kasalanan din ako. Kung hindi ko sana hinayaan si Hana na yakapin ako, hindi n'ya sana ako nahalikan at makita kami ni Mon na naghahalikan.
I lost her. Wala nang kasiguraduhang babalik pa sya sa piling ko ulit.
.
.
.
MON POV:
"Uy Mon, si Bryx inaantay ka sa stairs oh! May dalang chocolate at flowers" Napabuntong hininga ako at napa-irap na lang.
Simula 'nong mangyari 'yung araw na 'yon, hindi na tumigil pangungulit sa 'kin si Bryx.
"Ano ba? Bakit mo pa ba 'yan ginagawa?" Ang pag-asa at pagmamahal na nakita ko sa mata ni Bryx, tila napalitan ito ng sakit. "Wala na nga tayo 'di ba? Hindi ba magagalit si Hana sa mga ginagawa mong 'yan, Bryx?" Aktong magsasalita si Bryx pero inunahan ko na kaagad s'ya. "Stop this" saad ko sakanya nang walang halong emosyon
"Mon, j-just listen to my explanation please?" Napabuga ako ng hangin sa kawalan, "Tumigil ka na. Tapos na tayo, itapon mo na ang mga 'yan" Saad ko at umalis sa harapan n'ya.
.
.
.
Ilang mga araw ang nakalipas ay hindi pa rin tumigil sa pangungulit si Bryx, ngunit hindi ko pa 'rin s'ya sinubukang pakinggan.
May parte sa 'kin na gusto s'yang pakinggan ang mga sasabihin n'ya.
Pero nasasaktan pa 'rin ako.
Bakit n'ya hinalikan ang taong sinasabing kaibigan n'ya lang? Bakit n'ya nagawa 'yon sa 'kin?
Hindi lang ang relasyon namin ang nasira, kung hindi mga pangako at pangarap namin sa isa't isa tuluyang nawala sa isang iglap lang.
.
.
.
May umaaligid na sabi-sabi sa campus namin na nagde-date sina Bryx at Hana.
Minsan ay nakikita silang naka-upo sa bench, minsan naman ay madalas silang nakikita sa rooftop ng eskwelahan.
"Wala na ba kayo ni Bryx, Mon?"
"Ang cute nila Hana at Bryx together 'no?"
Mga sari-saring tugon ng mga tao sa campus.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dapat sa kanila o maaawa sa sarili ko. Oo, naaawa ako sa sitwasyon ko ngayon. Pero bakit ko naman nararamdaman 'to?
Hindi ko ginawa at sinubukang pakinggan ang explanation n'ya.
Siguro dapat na 'rin 'yon, para maging masaya sila sa isa't isa at para hindi ko na 'rin sila mapinsala.
Siguro ay sila nga talaga para sa isa't isa, at hindi kami. Ayoko na silang guluhin pa.
Aaminin kong nasasaktan pa 'rin ako sa pagkakamali na ginawa ni Bryx, hindi ko pa din matanggap ang ginawa n'ya sa 'kin.
END OF FLASHBACK
.
.
.
YOU ARE READING
Mr Ex Lover (ON-GOING)
Fiksi RemajaSynopsis: Hindi maiiwasan ang pag-ibig lalo na't highschool ka na. Si Mon at Bryx na magkaklase sa iisang paaralan, naging kasintahan ang isa't isa. Sa pag-iibigan, mayroon talagang gulo na hindi maiiwasan. Mayroong pagtingin si Hana na dating kaibi...