Araw araw na nga tumatambay tuwing alas sais sa tapat ng bahay nila Nes si Popoy, Halos sisilip sya sa labas ay siguradong nandoon na ang binata at nagaantay.
Ano lagi ka nalang andiyan Popoy!
Sinabi mo naba sa ate mo na ilalakad mo ako sa kanya?
Nagpapatawa kaba bakit ko naman gagawin yun, Edi napagalitan pako.
Ano? Akala ko pa naman Nes ilalakad mo na ako sa ate mo, kaya nga magkaibigan na tayo.
Aba! Hoy kung kinaibigan mo lang ako para magpapansin kay ate Les, edi hindi nalang.
Nagdadabog na pumasok si Nes sa bahay nila, hindi nya akalain na ginagawa lang pala syang tulay ni Popoy sa ate nya.
Pinsan nya si ate Les nakatira ito sa kanila dahil hindi na ito kayang paaralin, at dahil nagiisang anak lang si Nes ay kinuha ng mama nito si Les sa kapatid nito para makatulong kesa sa ipaampon ang bata.
Nagkataon lang na magkatunog din ang pangalan nila sa palayaw, Nessalyn ang tunay niyang pangalan at Lesley naman ang kanyang pinsan.
Hindi alam ng lahat ng kapitbahay nila na magpinsan lang sila, ang alam ay kapatid na panganay nya ito dahil hindi talaga ito itinuring na iba ng kanyang mga magulang, binigay dito ang pantay na pagmamahal para sa kanila.
Hindi rin sya hinayaan ng kanyang mga magulang na magtanim ng anumang komparison at selos para sa kanyang ate dahil sa totoo lang ay maganda talaga ito, maputi at makinis samantalang si Nes ay morena, pero hindi maitatanggi na maganda ang kanilang lahi, maganda ang nanay ni nessalyn na kilala sa tawag na aling tisay at ang kanyang ama ay talagang masasabihan mo ng tall,dark at semi handsome, moreno ito at dito namana ni nes ang kanyang kulay.
Kape at gatas ang laging biro sa kanyang mga magulang, may pailan ilan na chismosang sinasabi na sayang at hindi ko nakuha ang pagiging tisay ni nanay, pero ang sabi naman ng nanay ko pag nagdadalaga na ako ay matututo na akong gumamit ng lotion.
