Genesis Patrick aka Popoy, napakalayo ng palayaw ni popoy sa kanyang tunay na pangalan, matagal na nila itong kapitbahay pero bihira lang talaga silang mag usap,
Hindi pala labas ng bahay sila nes, may tindahan kasi sila na doon lamang nakaka tambay kaya hindi na nila kailangan lumabas pa.
Sikat ang kanilang tindahan sa looban dahil kumpleto sila sa paninda at may tinda pang ulam si aling tisay,
Laking probinsya si popoy, umuwe lang sila sa bahay nila dito sa looban nung namatay ang kanyang lolo, at dahil wala na sigurong makakasama ang kanilang lola kaya sila nagpasya na dito nalang sa maynila manirahan.
Nessa! Tawag ni ate Les dahil may parcel nanaman akong dumating, binuksan ko agad ang aking school bag at kinuha sa pencil case ko ang perang inipon ko pambili ng inorder ko sa shally. Nagpa check out ako kay ate les dahil gusto ko talagang makabili ng bagay na iyon. Pinapayagan naman kami ng aking nanay basta pinagiipunan namin ang pambili sa bagay na gusto namin.
Sabik kong binuksan pagkakuha sa rider, wow ang ganda bagay na bagay sa akin wika ko sa tapat ng salamin na nagpapaikot ikot dahil sinisipat ko ang bago kong headband.
Oo ang ganda nga nes , anlaki pa ng bulaklak sa ulo mo haha.
Ngumuso ako sa pagbibiro sa akin ni ate Les.
Oh! Wag kanang sumimangot diyan alam mo naman din na kabaligtaran ang sinasabi ko nes haha.
Ate Les alam mo bang may lalaking nagpapasabi sa akin na ireto kita sa kanya, gusto mo ba sabihin ko sa syota mo na may nagkakagusto pa sayo na iba,
At sino nanamang tambay yang nagbiro sayo aber!
Basta! Ang yabang mo talaga ate haha porket nasa dubai yung syota mo.
Ano kaba Nes sadyang ayoko lang magka boyfriend na tambay lang dito sa iskinita natin, gusto ko din makapunta sa ibang lugar, at hindi ko padin sini seryoso yung bf ko no.
Hala! Bakit naman ?
Syempre kasi magtatapos pa ng pagaaral , Dapat Nes! Tigil tigilan mo muna yang crush crush mo,sabay napasilip sa bintana,
Ayan si popoy may gusto yan sayo Nes, dahil araw araw kang sinisipat niyan sa tindahan, at minsan narinig ko na sinabi niyang maglalaro kayo ng alas sais sa tapat natin.
