Nanlaki nalang talaga ang mata ko sa mga narinig ko na sinabi sakin ni ate Les!
Tama ba na sa huli sa akin pa nagkagusto si popoy,
Nako! Malabo .
Nagkamali ng hula si ate Les ang hindi niya alam na siya mismo ang gusto ni popoy.
Saktong alas sais nakita ko na nakaupo sa tapat namin si popoy, sinuot ko ang bago kong headband at nagsalamin maayos na ako!
Isang ikot pa sa salamin at naisipan ko ng lumabas.
Nes! Ang cute mo naman , bagong bili siguro ni aling tisay yang bulaklak mo sa ulo.
Ngumuso nanaman si nes!
Excuse me popoy! Ipon ko to pinambili ko sa shally, hindi ako ibinibili ng nanay ko,
At hindi ito bulaklak lang no!
Headband ito at uso ito ngayon!
Tumawa si popoy at nanghingi ng pasensya kay nes,
Graduating kana diba ?
Oo sa katapusan na, nakakalungkot nga dahil iba nanaman ang patakaran ngayon ng graduation poy!
Biruin mo wala kaming toga !
Paano kami mukhang ga-graduate kung naka uniform lang kami.Aba talaga ganyan sa amin sa probinsya nes, hindi din kami nag toga nung graduation.
Talaga ! Malungkot kadin ba noon?
Oo naman! Gaya mo ay dismayado din ako. Pero hindi ko inintindi dahil mas masaya ako nun na maghahigh school na ako.
Malungkot lang na nahiwalay na ako sa aking mga kaibigan at kaklase.
Hala oo ako din poy! Nalulungkot kasi sa iba ibang school kami nag enroll at watak watak na kami.
Ayun talaga siguro ang iiyakan ko sa graduation, parang ayoko na tuloy!!
Sana magbagal pa ang mga araw para makasama ko pa sila
Kaya i-enjoy ko nes ang pag pasok lagi sa school mo, pati ang uniform mo dahil sa highschool iba na!!
Dapat matured kana din ng konti, dahil cute ka nes madaming highschool ang magkakagusto sayo.
Talaga ba Popoy? Eh wala pa yan sa isipan ko no!!
Pero sa totoo lang ay naghuhurumentado na ang isip ko sa sinabi ni popoy!!
CUTE DAW AKO ! OMG.
Nes saan ka pala maghihigschool? Sa alegria ba? O sa claveria ?
Saan kaba nagaaral poy?
Sa alegria.
Nanlumo bigla si nes dahil sa claveria sya ininroll nang kanyang nanay, dahil mas malapit din ang claveria sa knila.
Pero bakit ganto ? May crush naba ako kay popoy? Nako hindi pwede !!
Dahil si ate les ang gusto nya.
.sa isiping iyon ay nagbago ang mood ni Nes.Uuwe na ako popoy, ako na ang magbabantay sa tindahan namin
Sge nes pasok kana!! Dito lang ako uupo sa tapat.
At umuwe na nga si nes.
