XXIX | Healer: Gen

55 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

"Your wish came true." Sabi nito sa isip ko bago umismid.

Nadatnan nila Ate Snow ang kwarto na kami lang ni Thunder ang nandito. Parang dinaanan ng bagyo ang silid at karamihan sa mga gamit ay nakatumba at nakakalat sa sahig na basang-basa. May vines o mga dahon ding nagkalat sa paligid. Maging ako ay nagtaka kung bakit ganito dito.

"Ugh, my dress, my goodness. Bakit mukhang jungle dito?" Iritableng reklamo ni Ate Snow.

Maya-maya ay bumukas muli ang pinto at hingal na hingal sila Silver at Gen na pumasok. Dali-daling tumayo si Thunder na kinuha si Celine na umiiyak sa mga bisig ni Silver.

"Holy freak, bakit ang pangit niyo?" Tanong ni Snow sa dalawa na maputik ang mga damit at paa. Basa-basa sila ng pawis at ulan. Natatawa ako pero seryoso kasi iyong mga mukha nila kaya nilunok ko na lang muna ang tawa ko. Inalalayan ni Snow si Elmira at umalis muna sila ng clinic.

"Hindi ko na naabutan ang kumuha sa kaniya," sabi ni Silver na blangko ang mukha pero may pag-aalala sa mga mata nang tumingin ito sa akin.

"O-okay lang. Thank you, Silver." Maliit na ngiti lang ang isinukli nito sa akin.

"Tss. It's not okay. I'm going to find who that is," inis na sabi ni Thunder saka ito lumabas.

"Are you okay?" Tumango ako sa kaniya saka bumaling sa kanila ni Gen.

"Kayo, okay lang kayo?" Napailing ang batang si Gen habang tumango naman si Silver at nagpaalam na para umalis.

"Benevelle," tinanggal ni Gen ang makapal na salamin niya na may basag na. "I know who you are and, I need your help."

~ Gen ~

"Contact lenses, please."

Binigyan ko ng pares ng contact lenses si Fiona. Ganito talaga sila na mga tagapagmana, ayaw nilang ipaalam ang tunay na mga itsura nila. At kung may isang elementian man na nakakaalam ng mga tunay nilang anyo ay sigurado akong ako iyon. Mula sa kapanganakan nila hanggang sa magbago ang kulay ng mga mata nila kasabay ng paglakas ng kanilang mga kapangyarihan.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Kaming dalawa na lang ang natitira dito.

Huminga siya nang malalim. Umpisa niyang isinuot ang contact lenses at napansin ko ang pagbabago ng kulay ng kaniyang mga mata. Ang dating ice blue na mga mata niya ay nagkulay electric blue.

"Fiona," magtatanong pa sana ako pero nakatulog itong muli.

Naalimpungatan ako nang makarinig ng mga hikbi. Nakadukmo ang fourth ranker sa magkadikit nitong mga tuhod.

"Fiona," dinaluhan ko ito, " kaya mo bang ilabas ang kapangyarihan mo?"

"I can't," mahinang sabi nito habang tumutulo ang tubig sa sahig. Pinalubutan ko ng vines ang mga bintana at ang pinto para hindi nila makita anumang nangyayari dito. This is an emergency.

Una pa lang ay sigurado na akong hindi ko na maramdaman ang fire spirit ni Fiona.

"Huwag kang magulat o matakot sa mga pagbabagong magaganap sa iyo, Fiona," pag-aalo ko sa kaniya pero patuloy ang paghikbi nito at dahil sa hindi nito makontrol ang emosyon ay humahampas ang tubig o alon niya sa kung saan-saan. "Shhh, babalik din ang lahat sa dati, sa tamang lugar, sa tamang panahon."

"Paano kung hindi ko gustuhing bumalik sa dati?" Natigilan ako. Iniisip niya ba na pwede siyang manatili sa kasalukuyang estado, para kay Blue? "Kung magiging kumportable ako sa mga pagbabago, ayos lang ba iyon?"

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now