1

57 4 1
                                    

CHAPTER 1

GAYAK na gayak siyang lumabas ng bahay suot ang racing gear, sakay ang pang-karerang sasakyan ay punaharurot niya ito ng takbo papunta sa racing ground.

Naroon na rin ang ilang mga kakilala at kaibigan na manonood ng kaniyang performance at maging ang mga katunggali sa naturang paligsahan. Aaminin man o hindi ay kinakabahan siyang totoo. Sa tuwing sasalang siya sa delikadong racing competition.

Buhay niya ang nakataya roon, kapalit ang milyon-milyong cash prizes, ang ranking at ang fame na inaasam. Famous naman siya, iyon lang at hindi pa siya nakontento. She wants more, more than just the rank and fame, perhaps she wants everything. Ang ma-solo ang top rank.

Mula sa labas ng malaking arena ay rinig niya ang malakas na sigawan at ang ugong ng pangkarerang sasakyan. Mukhang nagsisimula na ang event at late siya.

Well, sabihin na nating sinadya niyang maging late dahil nais niya ng grand entrance, sino bang hindi gayong nasa iyo ang atensyon ng lahat. A fifteen minute of fame ika niya. Either everyone hates being an attension seeker but the stares and fame is worth it.

Diniinan niya ang silenyador at pumasok sa arena, malakas na ugong ang nilikha niya nang bigla siyang lumiko at umikot-ikot sa gitna ng arena. A show off. Naghiyawan ang mga tao nang makilala nila ang sasakyang iyon. The famous Zakiya, ang number 1 racer ng Pinas. Despite of being a lady racer ay hindi iyon naging hadlang para kunin niya ang atensyon ng lahat, bagkos sa paningin ng lahat ay cool siya. That's what she wants anyway.

Everyone cheers for her, hailing her name na para bang diyos na sinasamba. She waved her hand to recognize them at muling naghiyawan ang mga tao. Kung hindi pa niya ipinilit sa kasintahan ang malaking event na ito ay baka wala siya roon. She did and will do everything para makuha ang gusto niya.

Nang matapos ang naunang event sa kaniya ay naghiyawan ang mga ito. Ralth Sevilla was on the second place. Nasa first placer naman si Beck Dixon and to her surprise, A girl with unknown name was the winner. A grand champion for the year na siyang sasabak sa karera after ng main event. That could happen next week para sa annual ranking ng racer community.

Binalingan niya ng tingin ang katunggali with a smirk in her lips. Ngunit mas nakakaloko ang ngiting ipinukol nito sa kaniya.

Hindi na nag-abalang bumaba ng sasakyan ang dalaga subalit ramdam niya ang isang pares ng mga mata na nakatitig sa kaniya. Ayaw niyang hulaan ang itsura nito because she is sure enough na pagkadisgusto at pag-aalinlangan ang naramdaman nito. She don't want to care at all but she would be damned after this, si Grey lamang ang tanging nagbibigay ng ganoong ekspresyon sa kaniya.

Noong una ay nag-aalinlangan siyang tanggapin ang imbitasyon bilang main event, si Grey ang nagpumilit. He wants her to use his car para daw madali lamang sa kaniya. At sanay siyang gamitin ito. Ngunit ayaw niya.

"Eh sa ayaw ko bakit ba? Kung ikaw nalang kaya ang sumali!" hindi na niya napigilang pagtaasan ito ng boses.

"Alam mo namang hindi ako pwede, I can't dahil sa pesting suspension na iyon," sagot nito. Madali sana ang lahat kung ang binata mismo ang sasalang sa main event ngunit restricted siyang sumali because the last time he did at nagkaroon ng aksidente. Ang sabi nito'y wala siyang kinalaman roon, na malinis ang laro niya, naniniwala siyang ganoon dahil ni minsan ay hindi niya nakitang madumi ang laro ng kasintahan.

They believe na set-up lamang ang nangyari. Na kung bakit ang lahat ng sasakyan ng mga kalahok, maliban kay Grey ay nakitaan ng deperinsya. It causes a big commotion dahil sa sunod-sunod na pagsabog ang nangyari, wala namang nasawi ngunit lahat ay sugatan.

Lahat ay sinisisi ang binata dahil sa nangyari and it cause a trouble to him dahil maliban sa siya ang sasagot sa mga pang-hospital ng mga ito ay siya rin ang lalabas na may sala.

CHAUVINIST 1: Rewriting The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon