22

45 3 0
                                    

CHAPTER 22

“SABIHIN mo nga sa akin, ano bang meron sa inyo ni Smile?” walang emosyon niyang tanong kay Dark.

“Wala,” deritsang sagot ni Dark.

“Wala?” ulit nito. “Pero bakit nagkakaganito ka? Siguro ay ikaw ang ama ng dinadala niya. Kilala kita, Dark.” Mahinang natawa si Grey sa kaniyang tinuran. Bakit pa kailangang mag deny ng kaniyang kaibigan. Dahil ba sa kamukha nito ang dati niyang girlfriend? Natatawa siya sa kaisipang iyon.

“Look Grey, wala kaming relasyon, kahit pa tanungin mo siya. For godsake, malaking kasalanan kapag nangyari iyang sinasabi mo.” Anito at pumasok sa silid ni Smile. Wala sa loob na sumunod rin si Grey at doon ay nadatnan nilang gising na si Smile at sapo nito ang kaniyang tiyan.

“Kumusta ka? Ang baby, ayos lang ba siya?” mahihimigan sa tono ni Dark ang pag-aalala. Hindi mawari ni Grey ang iisipin habang pinagmamasdan ang dalawa. Tila sa isang iglap ay umahon ang paninibugho sa kaniyang puso. Bakit?

“Kung wala nga kayong relasyon, bakit ganiyan ka kung mag-alala kay Smile? It’s inappropriate.” Pansin pa niya. Masamang tingin ang pinukol ni Dark sa kaniya na agad ring nagbawi. Nagkibit-balikat lamang siya at naupo sa monoblock chair sa tabi.

“Inappropriate bang matatawag ang pag-aalala sa pinsan?” rinig niyang wika ni Smile.

Agad siyang napalingon sa gawi ng dalawa. “Pinsan?” ulit pa niya. Nalilito siya sa nangyayari. “You two are cousins? Akala ko ba si Zakiya lang ang pinsan mong babae, Dark?” binalingan niya ng nagtatanong-tingin ang kaibigan.

Nagkibit-balikat ito bago magsalita. “Well, I guess this is the right time to tell you the truth. Smile is my cousin, ang kakambal ni Zak.” Naroon parin ang pagkalito ni Grey sa sinasabi nito. “I’ll let you talk, excuse me.” At lumabas ito ng silid.

“Papaanong—”

“Kailan ko lamang din nalaman ang tungkol sa kakambal ko, hindi naman lihim sa aking inampon ako. But when I found out who I was at kung ano ang nangyari sa pamilya ko ay para na ring pinagsukluban ako ng langit at lupa. Nahirapan akong tanggapin ang totoo.” Ramdam niyang anumang oras ay babagsak muli ang mga taksil niyang luha. Paulit-ulit nalang ba? Hindi na ba matatapos ang sakit na kaniyang nararamdaman? “I’m sorry.” Hindi niya alam bakit siya humihingi ng tawad ngayon.

Grey sighed deeply. He doesn’t know how to react. Gusto niyang matawa, gusto niyang mainis at magalit. Gusto niyang marinig ang sasabihin ni Smile, subalit handa ba siyang makinig? Hindi niya alam. 

“I have to go,” 

Naalarma si Grey sa biglang pagtayo ni Smile. “Hey, hey! You’re not supposed to get up, woman! Alam mo ba ang kondisyon mo?” paghihisterya niya.

Binigyan niya ng matamlay na tingin si Grey at muling naupo sa hospital bed. “Naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. I was happy way back then; I’m living my life kahit pa may kulang sa pagkatao ko. Pero ngayong alam ko na kung sino ang tunay kong pamilya, ay parang gusto ko nalang ding maglaho kasama sila. Hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari. At iisiping nagkasala ako sa kakambal ko. I just know, ex mo ang kakambal ko. It was hard for me to accept, at lalong inuusig ako ng konsensya ko. Nanliliit ako sa sarili ko.” Tuluyan nang humaghol si Smile sa mga katagang binitawan. “Pasensya na Grey, hindi naman dapat ganito.”

“Ano ba ang dapat?” tanong niya.

“I should stay away from you, hindi na dapat tayo nagtagpo. Just live like we didn’t met. Alam kong galit ka sa’kin at isa pa ay wala namang ugnayang namagitan sa atin.”

“Papaano kung sabihin kong meron?”

Napaangat ng tingin si Smile. Naguguluhan siya sa sinasambit ni Grey. “Ano bang pinagsasabi mo. Napagkamalan mo akong si Zak kaya may nangyari sa atin. Hanggang doon lang iyon. Ayoko ring magkaroon ng koneksyon sa iyo.”

“Why not? I mean, we can start all over again. Smile, we’ve never got to know each other since we’ve met. Aaminin kong palagi kitang sinasaktan, hindi maganda ang pakikitungo ko sa iyo, just because I was consumed with guilt, sadness, pain. I suffered when Zak died. I was devastated.”

“Why are you saying this to me?”

“I don’t know. Just because I’ll give it a shot, for us?”

Subalit umiling si Smile na ikinalukot ng mukha ni Grey. “Sa kalagayan kong ito, mas uunahin kong ayusin ang sarili ko kaysa ang pumasok sa relasyon. May tatay pa akong nangangailangan ng aruga, at itong batang nasa sinapupunan ko.” Saka pa lamang pumasok sa isip ni Smile ang sinabi niya kanina. May koneksyon nga pala si Grey sa kaniya. Sasabihin niya ba ang tungkol roon?

Nang banggitin niya ang huli ay tila nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. “Sino ang ama niyan?” maging ang tono nito ay nahimigan niya tila may pag-aakusa.

“It’s none of your business.” Aniya at muling nahiga patagilid si Smile. Nakatalikod man siya ay alam niyang pinagmamasdan siya ni Grey. Kinikilabutan siya.

“Si Arvin ba?”

Mariing pumikit si Smile at humugot nang malalim na hininga bago magsalita. “Bakit mo naisip iyan?” nanatili lamang siyang kalmado upang hindi mahalata ni Grey ang pagtaas baba ng kaniyang dibdib sa kaba. Ano na lang kaya ang mangyayari kung sakaling malaman nito ang totoo.

“You two are in a relationship, hindi ba? How pathetic. Hindi ko napansin na naloko na naman ako. Wala kayong ipinagkaiba ni Zak.” At narinig na lamang niya ang pagbagsak pasara ng pinto. Lalong naguluhan si Smile sa huling sinambit nito. Pareho sila ni Zak? Bakit niya ba naisip iyon? Agad siyang lumabas upang hanapin si Grey. Sigurado siyang hindi pa iyon nakakalayo. Why there was an urge to follow him? Pakiramdam niya ay kailangan niyang magpaliwanag rito. Nakita niya itong nasa labas na ng ospital kaya’t agad siyang tumakbo para habulin ito.

“Smile!” narinig niyang sigaw ni Dark. “The hell!” at malakas siyang kinabig nito bago pa siya mabangga ng stretcher. “Snap out of it! Ano bang nangyayari sa’yo? Gusto mo ba talagang ipahamak iyang batang dinadala mo? Papaano si Grey, pagkakaitan mo rin ba siya katulad ni Zak?”

“I don’t know. Kung malalaman ba ni Grey na siya ang ama nito, magbabago ba ang lahat?”

“Ako ang ama niyan?”

Pareho silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Naroon si Grey na naghihintay sa kaniyang sagot. Sasabihin niya ba ang totoo? On a fleeting moment, bigla niyang naalala ang sinabi nito noong nasa hotel sila.

“Kahit pa sabihin kong oo, ay hindi mo rin naman paninindigan. Iyan ang sinabi mo sa akin noon, hindi ba?”

“Sinabi mo iyon, Grey?” si Dark na tumaas ang boses. Subalit nakatingin lamang si Grey kay Dark. Lalong nagngitngit sa inis ang kaniyang pinsan. “Magkaibigan tayo pre, kasa-kasama mo ako sa mga kalokohan. But this? This is too much! Pinsan ko na ang naagrabyado!”

“Tama na, wala nang patutunguhan ang lahat ng ito. Ayoko na, mas mabuti pang lumayo nalang ako kaysa ang manatili pa rito!” Smile shouted, hindi na niya napigilan ang bugso ng damdamin. Paulit-ulit nalang siyang umiiyak.

“No, hindi mo gagawin ‘yon.” si Grey.

“I am not asking your approval. Alam mo kung bakit? Kasi walang tayo! Literally, I’m not yours pero paulit-ulit mo nalang akong sinasaktan. You want us to start over again? Hindi, kasi nakatatak na sa puso’t isipan ko na mahal mo si Zak, patay na ‘yong tao pero nanatili siyang buhay sa’yo, at isa pa hindi mo ako paninindigan dahil isa lang akong pagkakamali sa buhay mo!” she shouted her heart out.

“Hindi ka aalis hangga’t hindi nalilinaw ang lahat sa atin! Zak cheated on me, at mas minahal niya si Arvin. Alam mo kung bakit ako nagkakaganito? Kasi akala ko—”

“There is no chance for us. Ayokong ipagpalit ang dignidad ko para sa isang katulad mo. I was humiliated by you, once at ayokong maulit pa iyon. Sapat na siguro ang malaman mong ikaw ang ama ng dinadala ko. At kahit pa siguro sabihin nating niloko ka ni Zak ay hindi iyon sapat para tanggapin kita sa buhay ko. Ayokong maging anino ni Zak para mahalin mo. I have life to live for, Grey.” Aniya sa mahinahong tinig. Siguro ay tama ang naging pasya niya.

The End

CHAUVINIST 1: Rewriting The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon