14

15 2 0
                                    

CHAPTER 14

NAWALAN na ng pag-asa si Smile sa pagkalampag ng pinto. Halos ilang minuto rin niya iyong ginawa at wala ni isa ang tumugon sa sigaw niya. Alam niyang naririnig ng kung sino man ang dumadaan sa labas ng suite subalit walang nangahas na pagbuksan siya. Nga naman pala, bakit nila iyon gagawin kung ipinag-uutos naman ni Grey. That bitch! Napupurnada na ang kaniyang trabaho. Damn! Hindi niya pwedeng ubusin ang lakas na natitira sa kaniya. She has to come up with a plan.

Pabagsak siyang naupo sa dulo ng kama at wala sa loob na pinagmasdan ang makintab na sahig gawa sa marmol. She can see her reflection subalit wala roon ang kaniyang isipan. Kailangan niyang tawagan si Dale para e-cancel ang project na ito, nang sa gayon ay hindi na muling magtapo ang landas nila ni Grey. Habang tumatagal ay inuusig siya ng kaniyang konsensya sa kasalanang nagawa. Papaano na lamang kapag nalaman ng kasintahan nito ang kalokohan ni Grey, tiyak na siya ang mapagbuntunan ng galit ni Zak. Hinding-hindi niya hahayaang mangyari iyon, kaya ngayon pa lang ay dapat na siyang umiwas sa binata bago pa mahuli ang lahat. Madali lamang iyong gawin kung hindi lang sa proyektong ito. Smile hissed furiously. Narinig niya ang marahas na pagbukas-sara ng pinto mula sa kaniyang likuran. She stiffed. Was that a connecting door?

Nilingon niya ito at nabungaran niya ang malaking bulto ni Grey. Tiim bagang itong nakatitig sa kaniya at nababatid niyang galit ito. Ganoon parin ang suot ng binata mula nang lumabas ito, subalit kapansin-pansin ang gusot, maging ang magulo nitong buhok.

“Who are you?”

Naningkit ang mga mata ni Smile sa narinig. Nahanginan ba ng malakas ang binata at natauhan ito? Gusto niya itong tuyain subalit tinakasan siya ng lakas ng loob kaya’t nanatiling nakatikom ang kaniyang bibig.

“Sino ka bang talaga? And why do you look like her?” muli siyang napatanga sa sinambit nito. Hindi niya alam kung papaano mag-react sa sandaling iyon. Maging siya ay naguguluhan. Ano ba ang nangyayari? “Answer me, woman!” he flared in fury. Kagyat na lumapit si Grey at mariing hinawakan ang kaniyang braso sa marahas na paraan. Dama niya ang pagbaon ng mga kuko nito sa kaniyang balat. Mahigpit na tila hindi niya kayang kumawala roon. Bumalatay sa katawan niya ang takot at pagkalito, at sa anumang oras ay ibabagsak siya ng kaniyang mga tuhod. Mabuti na lamang at nanatili siyang nakaupo sa kama. Her only console. Gusto niyang magbitiw ng salita ngunit pati ang boses ay tinakasan siya. At kung magsasalita rin naman siya ay ano naman ang kaniyang sasabihin? Wala siyang ideya sa nangyayari. Wala siyang alam na pwedeng isiping ikagagalit ng binata. May nangyari ba kanina nang lumabas ito?

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Si Grey ay nanatiling galit na nakatitig sa kaniya. Para bang pinagmamasdan nito ang mukha niya, sinusuri ang bawat detalyi ng mukha niya. Bakit?

“How dare you to use her face just to lure me!” puno ng pagkadisgusto ang boses nito bago siya tuluyang bitawan at muling lumabas sa connecting door. Nakahinga ng maluwag si Smile subalit naroon parin ang takot sa dibdib niya. Damdaming puno ng pagkalito at insulto. Kahit pa hindi niya alam ang sinasabi nito ay dama niyang para bang may malaki siyang kasalanang nagawa bukod sa pagpatol rito. But Grey made her do it. He was demanding, strong ang sensual. Babae lamang siya at kahit pa ilang ulit na manlaban at umiwas ay natatangay parin siya sa agos ng isang Grey Young. It wasn’t a rape, clearly. Pero ngayong nasa gaanong sitwasyon siya ay parang karahasan na rin ang nangyari sa kaniya. She felt embarrassed, naiinsulto siya, more likely she was hurt. From the fact that Grey will not be responsible for what he did. Bakit ba niya naisip iyon?

Napaiyak na lamang si Smile sa kalituhan ng kaniyang isip. Hindi niya alam kung alin ang paniniwalaan, kung alin sa mga nangyari ang dapat ekonsidera, kung dapat ba siyang masaktan o mas iisiping one night stand lamang iyon, isang pagkakamali. Hindi ba at inisip niya noon na ‘charge to experience iyon’? Bakit ngayon nasasaktan siya? Now she had enough. Kailangan niyang makaalis roon at iwanan ang lahat. Babalik siya sa realidad kung saan walang Grey na mangangahas sa kaniyang gawin ang mga bagay na iyon. That guy is a devil! Hindi niya hahayaang yurak-yukaran lamang nito ang kaniyang pagkatao. Agad siyang tumayo at nagpunas ng luha. Hindi niya dapat pinapakita ang kahinaan sa ibang tao, lalo na sa lalaking iyon. Hindi niya bibigyan ng satisfaction si Grey.

Buong lakas niyang binuksan ang connecting door sa pag-aakalang nakakandado iyon sa kabila. Laking gulat na lamang niya at bahagya lamang iyong nakasara. Did he leave it open on purpose? Napangiwi si Smile sa naisip. Baka ay bumukas ng bahagya ang pinto matapos nitong ibinalya pasara. Walang kung ano-ano ay pumasok siya ng tuluyan sa silid. Maluwag ang kabuuan nito, malaking kama sa gitna na may makapal na mattress. Abo ang kulay ng dingding, maging ang ilang kagamitang naroon kagaya na lamang ng kumot at unan. May sarili itong built in cabinet na yari sa glass ang double door na roon ay pinaglagyan ng mga libro, alak, ilang trophy at picture frame. Lumakad patungo roon ang dalaga nang hindi inililihis ang tingin sa mga kwadro. Napako ang kaniyang mga mata sa mga larawan ni Grey kasama ang isang babae na kung hindi siya nagkakamali ay kamukhang-kamukha niya. 

“Zak?” wala sa loob niyang bulalas. Ito ba ang tinutukoy na nobya ni Grey? Kaya ba napagkamalan siyang si Zak noong gabing nagtalik sila sapagkat kamukha niya ito? Halos mabuwal si Smile sa kaniyang kinatatayuan na kung hindi lamang nakakapit sa door knob ay baka bumagsak na siya. Ito nga marahil ang dahilan kung bakit nagtagpo ang kanilang landas ng binata. Sa pag-aakalang siya ang nobya nito dahil magkamukha sila. Lahat ng larawang kuha ay tanging sila lamang. Clear as crystal, she saw how they love each other. Na para bang walang bagay sa mundo ang makapagbubuwag sa dalawa. And that vision, she envied them, lalo na si Zak. Swerte lang ang babaeng magkakaroon ng faithful na boyfriend o asawa. Napatunayan niya iyon, sapagkat sa buong magdamag na nakasama niya si Grey ay tanging si Zak lamang ang bukambibig nito. He always tells her how he loves her. Na kahit sego-segundo ay namimiss niya ito.

She didn’t know na mayroon palang uri ng pagmamahal na akala niya ay sa nobela niya lamang matatagpuan. And it hurt her so much. Ang mga larawang iyon ang nagsisilbing patunay na nagkasala siya, na sa lalo’t malaon ay may relasyon siyang masisira sa oras na malaman ni Zak ang tungkol sa kaniya. Ngayon pa lamang ay nasasaktan siya, kinakain ng konsensya at alam niyang magpapatuloy iyon hanggang sa huli niyang hininga. She will never forgive herself for being such a weak and fool.

“Anong ginagawa mo rito?” Smile froze in the moment she heard his cold dry voice. Nagtatalo ang kaniyang isip kung lilingon ba o tatakbo papalabas ng silid. Ayaw niyang salubungin ang mga mata nito. Lalo lamang niyang binibigyan ng lisensya ang sariling magkasala ulit. Tama na ang isang gabi.

“I’m sorry,” aniya at mabilis na tinungo ang pinto. Datapwat ay naunang isarado iyon ni Grey at hinila siya paharap. Now she can clearly see his eyes fuming in anger. Tila hinihigop niyon ang kaniyang lakas. How could she resist this powerful man. Or maybe, for her to escape was to… That’s a horrible idea. “I didn’t mean to… I mean. I wanted out.” Humugot siya ng malalim na hininga para itago ang takot na namumuo sa kaniyang loob.

“You wanted out and yet pumasok ka sa isa pang silid. Are we using the simile here?” nasa tono nito ang sarkasmo but his eyes screaming amusement. Saglit lamang silang nagkatinginan sapagkat inilihis ni Grey ang mga mata at itinuon sa mga kwadro. She saw him smiled bitterly. “Hindi ko aakaling sa ganito ko pa malalaman ang lahat. Very funny, isn’t it? Hindi ko naman sinadya pero nangyari na. But don’t ever think I will be responsible of my action. Hindi ikaw si Zakiya, kahit pa magkamukha kayo, you two are different dahil mahal ko siya at ikaw hindi.”

Para iyong isang steel bar na hinampas sa kaniya. Halos matibag ang kaniyang pagkatao, nabingi siya sa lahat ng katotohanang iyon. Oo nga naman, magkamukha lamang sila, at isang pagkakamali lamang siya. Pero hindi, nagmumukha siyang dehado sa sitwasyong iyon. Kailangan niyang ipagtanggol ang sarili.

“Alam kong isang parte lamang ako ng pagkakamali, at alam kong hindi mo ako mahal. Para ipaalala ko sa iyo Grey, hindi kita hinahabol. Wala akong balak na maghabol dahil sabi ko nga charge to experience lamang ang nangyari. So don’t ever think na maghahabol ako o magkakagusto ako sa isang katulad mo. Hinding-hindi mangyayari iyon!” and with that she turned her back against him and slammed the door. Galit siya sa mga ipinupukol nitong salita, gusto niyang sumbatan ito, sigawan at kagalitan. Sisihin sa lahat ng mga nangyari subalit ubos na ang kaniyang lakas. At kung mangyayari man iyon, hihilingin niyang maglaho nang tuluyan.

Walang lingon-lingon siyang naglakad sa hallway kaya hindi niya napansin ang paparating na kumpulan ng kalalakihan at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nabunggo niya ito. She almost fell off the ground subalit naging maagap ang bisig ng lalaki at sinalo siya bago pa bumagsak. To her surprise, it was Arvin.

“I’m sorry,” aniya at tumayo ng tuwid. Hindi niya pinansin ang ilang naroon at tanging sa mga mata lamang ni Arvin nakatitig. She felt vulnerable in his eyes, and him was so apologetic and sympathetic. Hindi niya napigilan ang sarili at napayakap rito. She felt the need of comfort at si Arvin ang tanging naroon para gawin iyon.

CHAUVINIST 1: Rewriting The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon