XXXI | Blue's Birthday I

49 6 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

~ Elmira ~

That night, I went to bed tired. We finally finished preparing the arena for the upcoming duel. I have been receiving regular check-ups with Gen the past week at halos hindi kami magkita-kita ng mga rankers. I only get to meet Benevelle sa library kasi ang parusang ibinigay sa kaniya for loitering outside curfew hours is to render hours as library assistant hanggang matapos ang academic year.

Two more days before the duel and we are holding Blue's private birthday party today. He'll get his political celebration after the academic year. Lagi namang ganun.

Naabutan ko sa ranker's suite sila Silver at Quinn na tahimik na gumugupit ng mga banderitas habang si Thunder naman ang lumilipad na magdikit ng mga ito sa dingding at kisame. Ang tahimik ata nila. Sa kabilang banda naman ay nag-aayos ng reflectors si Bern para sa lights, he'll use lasers later for the party. At kung dati ay si Fiona ang una naming makikita sa suite tuwing birthday ni Blue, ngayon siya ang wala.

"Woy, nasa langit na ba ako?" Maingay na bati ni Somi sa amin. "Parang may dumaan na anghel dito sa tahimik niyo."

"Tabi, hindi makadaan iyong anghel na tinutukoy mo," pambabasag ni Snow.

"Noisy," angal ni Quinn bago ibaba ang gunting saka kinuha ang mga dala ni Somi na food and drinks.

Napailing na lang ako at inumpisahang ayusin ang speakers at monitor na inuwi nila Silver galing sa taas.

"Let me do it," saka nito kinuha sa akin ang mga cord.

Simula nang magkaroon kami ng mission sa taas ay kung anu-anong kagamitan mula doon ang dinadala nila dito. May sarili naman kaming mga kagamitan tulad nito sa Kromelia. Bahagya kong inangat ang kapiraso ng lupa para magsilbing stage namin mamaya. Bumalot muli dito ang liquid marble na sahig at saka ito napalibutan ng iba't ibang mga bato gaya ng ruby, sapphire, at diamonds.

Magkasundo na inaayos nila Silver at Thunder ang mga kagamitan sa stage.

"Sister!" Nahihiyang pumasok si Benevelle sa suite saka ito niyakap ni Snow. "Oh, you're here too?" Kasunod na pumasok ni Benevelle si Fiona.

Hindi siya pinansin nito at dire-diretso lamang na tumungo sa sofa. Madaming nagbago sa itsura nito simula nang maghiwalay sila ni Blue. Ang dati niyang mahaba at maalon na buhok na kulay scarlet ay pinaputulan niya nang maikli at saka kinulayan ng itim. She also replaced her bright-colored clothes into uhm, black. Karamihan kasi sa mga damit ni Fiona ay pula, kahel, at dilaw - parang kalangitan tuwing palubog ang araw.

Tulad ng kalangitan ngayon. Malapit nang mag-umpisa ang party. Inalabas ko ang program na ginawa namin last year pa. Hindi ko sigurado kung kailangan kong baguhin ang iba dito dahil sa mga nangyari nitong nagdaang araw.

Welcoming Remarks - Snow
Dance Number - Somi, Bern, Thunder
Year-end report - Elmira
Song Number - Silver and Quinn (Duet)
Party Games
Ending Number - Blue and Fiona (Duet)
Closing Remarks - Headmaster

Tuwing kaarawan ni Blue na din kasi namin isinasabay ang year-end party kung saan namin nirereplay lahat ng naging achievements namin at mga susunod naming projects. Darating din mamaya ang mga masters ng academy kasama si daddy.

"Fiona," sabi ko saka marahang niyugyog ang braso nito dahil natutulog na ito sa sofa.

Siya ang nagplano ng karamihan sa program but I think we need some changes. Bumangon ito saka kunot-noong tinignan ang program na nasa kamay ko.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now