CHAPTER EIGHT

48 1 0
                                    

"MAY BALAK NA SILANG PAKASAL."

Parang bombang sumabog iyon sa pandinig ni

Marjorie.

"K-­‐‑kailan ho?" nabibikig na tanong niya.

"Ang dinig ko'y sa susunod na buwan na," tugon

ni Vivian. "Hindi ba nababanggit ni Tristan sa

'yo?"

Umiling siya. Hindi niya masabi na hindi na sila

nagkakausap ng kababata.

Page 18 7 of 352



Naramdaman niyang nangilid na ang luha sa

kanyang mga mata. Bago pa makita iyon ng

kanyang

mommy ay mabilis na siyang tumalikod dito at

tinungo

ang bahay ni Tristan.

Sa silid ng binata ay nadatnan niya itong

nakahouse

robe.

"T-­‐‑totoo ba?" maluha-­‐‑luha niyang sumbat.



Hindi kaagad ito nakasagot ngunit halatang

naturol na ang tinutumbok niya.

"Tell me, totoo ba?" Tuluy-­‐‑tuloy nang umagos

ang masaganang luha mula sa kanyang mga

mata.

Lumapit ito sa kanya. Mahabang patlang muli

ang namagitan. Masuyo siyang hinawakan nito sa

pisngi.

"Please, Marjorie, don't cry."

"Just answer me, please."



Huminga ito nang malalim. "Kung tungkol sa

kasal, totoo."

Napabulalas siya ng iyak sa narinig.

"Listen. ." Nagsusumamo ito, tila nadudurog ang

puso nito sa kanyang reaksyon. Masuyo siyang

hinawakan

sa baba, pilit na ipinagtatama ang kanilang

mga mata. "Mahal kita. Mahal ko rin si Rachel.

Please

try to be happy for me."



Hindi niya iyon matanggap, itinulak niya si

Tristan at nagtatakbong lumabas ng silid nito.

AYAW MAKAUSAP NI MARJORIE si Tristan.

Lagi siyang nagkukulong sa silid niya. Ayaw

niyang

pagbuksan ng pinto ang kanyang mommy.

Tarantangtaranta

na ang lahat sa kanya.

Nagulat siya nang marinig niyang binubuksan



na ang kanyang pinto; alam niyang ginamitan

iyon ng

duplicate key.

Ang pumasok sa loob ay si Claire. Nadatnan siya

nitong nakahiga nang padapa sa kama.

Umupo ito sa tabi niya at dahan-­‐‑dahang hinaplos

ang kanyang mahabang buhok. "Hija.. "

My Special Valentine: Labis Kitang Minamahal By Connie C. CausingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon