CHAPTER SIX

49 0 0
                                    

NAPANSIN NI MARJORIE na malimit lumabas

sina Tristan at Rachel. Nalaman niya mula kay

Claire

na sinasamantala ng dalawa ang pagkakataon

habang

ang babae ay hindi pa bumabalik sa Amerika.

Iyon lamang ang tanging pag-­‐‑asa niya, ang

bumalik si Rachel sa States para magkaroon siya

ng



pagkakataong maagaw ang atensyon ng kababata.

Nang hapong iyon ay lumipat siya sa kabilang

bahay at patungo sana siya sa silid ng lalaki nang

maulinigan

niyang nag-­‐‑uusap sina Tristan at Amparo sa

silid ng matanda. Buong ingat siyang lumapit sa

pinto

upang makinig.

"Mukhang nani-­‐‑neglect mo na si Marjorie lately."

"Lola naman, puwede ba 'yon? I'm just very busy



right now. Inuuna ko lang muna 'yong mga

priorities

ko."

"And Marjorie is the least of your priorities, is

that it?"

"Hindi sa gan'on. I'm sure naiintindihan niya

ako."

"Paano kung hindi?" tila nanghahamon na

tanong nito.

Medyo natigilan ang binata.



"Marjorie adores you, Hijo. Ikaw ang isa sa mga

kaligayahan niya sa buhay. She's a product of a

broken

family sa murang edad at ikaw ang nagsilbing

tagapuno

ng kakulangang 'yon sa buhay niya."

"I know. ." anitong may lakip na paglalambing

ang tinig. "I adore her, too, Lola. Alam mo bang

mahal

na mahal ko siya? She's like a kid sister to me."



Muli ay naroon ang kirot. Kapatid lang talaga

ang turing nito sa kanya.

"She's lonely lately. Hindi mo ba napapansin?

I think she's jealous. Nagseselos siya sa panahong

iniuukol mo kay Rachel. I think you should take

her

to parties na dadaluhan n'yong dalawa. Let her

meet

other people."

"Hayaan mo, Lola, gagawin ko."



Biglang may kumalabit sa tagiliran niya. Gulat

na napalingon siya sa kanyang likuran. Si Daisy.

"Ano'ng ginagawa mo riyan?"

"Shh!" saway niya kaagad dito.

Dali nitong tinakpan ang bibig.

Mabilis nilang nilisan ang pinto ng silid ni

My Special Valentine: Labis Kitang Minamahal By Connie C. CausingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon