TWO

876 19 1
                                    

Faye

Pagka gising ko kina umagahan ay naligo agad ako dahil baka malate ako sa trabaho ko, may bagong client pa naman ako ngayon.

Medyo kinakabahan ako na iwan.... Ugh bakit ba ako kakabahan e bata naman yung makaka usap ko ngayon duh.

Pagkatapos ko'ng maligo ay kumain agad ako ng mabilisan, as in real quick hahaha.

"Iha ubusin mo muna tong almusal mo" pag papa alala sakin ng yaya ko.

"Manang, I have to go na po male late na po ako" kinuha ko na ang bag ko at dali daling pumasok sa kotse ko.

Hindi ko na inantay na mag salita pa si manang dahil baka sermonan na naman kasi ako non.

By the way papunta nako sa company ko dala dala ang mga kelangang file para sa client ko ngayon.

Sa totoo lang gusto ko pa sanang matulog e.... Sira ulo kasi tong si Lux pina inom ng pina inom ba naman ako ng alak kagabi pagkatapos naming mag dinner...yan tuloy ang sakit ng ulo ko.

Ilang minuto lang ay biglang tumunog ang phone ko..... Pag tingin ko akala ko si Alice peru hindi pala....

"Hello babe" It's Lara.... Hindi ko po ito Girlfriend ha! Ka fling lang ganun.

Hayss sa totoo lang talaga wala pa ako'ng balak mag jowa ngayon....basta ayuko muna sakit lang yan sa ulo.

"Hmm" sagot ko sa kabilang linya.

"Where are you babe?" Tanong nito, mukha pa itong excited, anong meron?

"Why?" Tanong ko, medyo naiinis na pagka sabi ko.

Please lang wag kang pumunta sa office ko at marami pa ako'ng gagawin ngayon...hayss

"Secret hihi!" Parang kinikilig pa Ito.

"Lara.... I'm driving okay? Call you later" pag iiwas ko sa kanya.

"Okay babe ...I love y------" bago paman niya matapos ang sasabihin ay binabaan ko na ito ng phone.

Ohh temtasyon layuan mo muna ako ngayon dahil marami pa ako'ng gagawing trabaho pwede ba yon?

Pagka rating ko sa office ay agad naman ako'ng sinundan ng assistant ko'ng si Alice.

"Ma'am nasa match making room na po si Ma'am Yoko" paalala naman sakin ni Alice.

"Ohw...okay I'll be there in a minute" sagot ko kay Alice.

"Okay po" sagot niya.

Pagkatapos ko'ng ayusin ang buhok at neck tie ko ay lumabas na ako ng office ko at nag tungo sa MMR (match making room).

Pag bukas ko ng pinto ay bungad sa akin ang maputing babaeng naka dress na kulay black.... Hindi pamilyar sakin ang mukha nito kaya agad ko'ng tinignan ang file na hawak hawak ko para siguradohing siya ito.

"I'm sorry.....nasa CR pa po si Ma'am Yoko" sabi ng babae sakin na hindi ko naman kilala, bakit naman may kasama pa si Yoko? Babysitter ganun? Joke lang.

"Ah...okay, and you are?" Tanong ko sa babae.

"Oh.....ako nga pala si Lex, assistant ni Miss Yoko, sinamahan ko lang po siya dito peru lalabas din ako kapag andito na po siya" paliwanag sakin ni Lex.

"Okay" tipid ko'ng sagot, siya naman ay pa ngiti ngiti pa sakin peru ako ay tumango nalang din.

"Lex I'm done-----" biglang may nag salita sa likod ni Lex at nang humarap sakin ay bigla itong natahimik.

"Okay Miss Yoko, sa labas nalang po ako mag aantay" paalam ng babysitter ni Yoko, I mean assistant pala.

Umalis na ang assistant niya at kaming dalawa nalang ang natitira dito sa kwartong to,  tahimik lang kami at wala ni isang unang nag sasalita.

"Ehem.... I'm Faye, ako ang owner ng kompanyang ito" ngumiti ako sa kanya habang nagpapa kilala sa sarili.

Pag tingin nito sakin ay halata parin sa mukha nito na gulat parin kaya naman ay nag tataka ako kung bakit ganun nalang ang reaksyon niya.

"Ahh.... Ako naman si----" pag putol ko.

"Yoko" pag dugtong ko sa dapat na sasabihin niya.

"K....kilala mo ako?" Hindi parin mawala sa mukha nito ang pagka gulat... Seriously? What happened to her?.

"Uhm... Nakita ko sa file mo" sabi ko habang naka ngiti at habang tinatago ang pagka curious ko sa babaeng ito.

"Ohh....I see" sagot niya, at yumuko agad.

"Are you okay? You're not feeling well ba? Pwede namang sa susunod ko nalang i discuss sayo to" sabi ko.

"Ahh... Hmm, masakit ang ulo ko e.....tatawag nalang ako kapag okay na ako" sabi niya na parang nag mamadali pa.

"O..okay" sagot ko.

Lalabas na sana ito ng bigla ko siyang tinawag dahil pano naman niya ako matatawagan kung wala naman siyang number ni Alice or sakin diba?

"Hey....." Tawag ko sa kanya.

"Ha?" Sagot niya.

"Uhm.... here's my number.... Call me kapag okay kana para mai reschedule natin ang meeting" paliwanag ko naman sa kanya.

Tinanggap naman niya ito at lumabas ng walang pa sabi sabi.....ano ba nangyayari sa kanya? Ha! Weird.

Lumabas narin ako ng MMR at pupunta nalang din ako sa office ko at nang makapag kape ako...hehe.

"Ma'am Faye..... Tapos na po ba kayo mag usap ni Ma'am Yoko?" Tanong sakin ni Alice.

"Ah hindi, masakit daw kasi ang ulo niya kaya pinauwi ko muna" paliwanag ko.

"Ahhh sige po ma'am" tumalikod na ako at nagpa tuloy sa pag lakad papunta sa office ko.

Habang nag lalakad ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang batang yon.....para itong takot makipag usap, at kapag kakausapin naman ay parang gulat na gulat pa.

Hmm siguro hindi lang siya sanay makipag usap sa strangers right? Sabagay kahit ako naman e.

Bahala nanga basta mag kakape ako at takam na takam na ako hihi.

Pag bukas ko ng pinto ay may babaeng naka upo sa sofa ko.... Si Lara ito......ahhh? Anong ginagawa niya dito?

"Hi babe, surprise" bungad sakin ni Lara. What the heck? Kelan pa siya nandito?

"What.....are you doing here Lara?" Tanong ko sa kanya na naka kunot ang noo.

"Don't you remember? Monthsary natin ngayon duh" lumapit ito sakin at hinalikan sa pisnge.

Ha? Kelan pa kami nagkaroon ng monthsary? Gosh this girl!

"Are you kidding me Lara? We're not dating, remember?" Padabog na upo ko sa swivel chair ko.

"I know, but I consider it kasi ito yong araw na una tayong nag kita right?" Sabi nito habang umuupo sa lap ko.

"Whatever..... I have a lot of work today, so you may leave now" pag iwas ko sa kanya.

Maya maya pa ay nag dabog ito palabas ng office ko dahil wala talaga ako sa mood ngayon makipag landian sa kanya.











***********









Tylr:>

One More Chance (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon