Faye
Kakatapos ko lang maligo, at ngayon ay nag bibihis na ako dahil pupunta kami ni Lux sa bar.
Ang napili ko lang na suotin ay gray na pants at kulay white na long sleeve, at sa sapatos naman ay white sneakers lang.
Medyo simplehan lang natin dahil wala naman tayong pinopormahan... Haha joke lang!
Pagkatapos ko mag bihis ay dumeritso na ako sa garahe ko at pumasok sa kotse ko.
Ilang saglit pa ay may tumawag sakin at sigurado ako'ng si Lux yun dahil kanina pa yun nangungulit kung saan na daw ako.
At yes! Pag may ganitong pupuntahan kami ni Lux ako palagi ang na lelate....
E pano kasi ang sarap kasi ng tubig kaya matagal ako'ng naka babad sa bathtub ko.
"Hey! Asan kana? Tagal mo talaga!" Sigaw ni Lux sa kabilang linya.
"Papunta na po! Mag antay kalang jan okay? Landi landi ka muna diyan habang nag babyahe ako" sagot ko naman ng pataw.
E ito kasing si Lux kung ano anong babaeng inuuwi sa bahay niya... Sa sobrang dami ba naman ay hindi niya na alam ang mga pangalan nito at bigla bigla nalang sumusulpot ang babae sa bahay niya.
Ang galing diba? Peru syempre ako pogi lang peru hindi naman ako babaera no! And about kay Lara, siya lang naman yung babaeng nakakapag anohan ko....ahem alam niyo na.
Hindi naman kasi ako pa iba iba ng babae, yun nga lang ay hindi ko jinojowa.... Iwan ko ba bakit hindi pa ako ready makipag relasyon, lalo na kapag panandalian lang.
"Bilisan mo dahil maraming nag aantay na chicken sayo! Este chix" siraulo talaga tong babaeng to.
"Hay naku Lux! Gutom lang yan kumain kana muna ng chicken diyan" pa biro ko'ng sabi kaya napatawa siya.
"Tapos na antagal mo e, HAHAHA!" Malakas na tawa niya, kaya binaba ko na agad ang phone ko dahil masakit sa tenga.... Ang ingay ba naman ng kausap mo tapos dagdagan mo pa ng malakas na music sa loob ng bar.
Hindi nag tagal ay naka rating din ako sa X-Bar na lage naming pinupuntahan ni Lux.
Maraming tao sa labas at ang ingay pa kaya naman ay pumasok na ako sa loob para hanapin ang gagang si Lux.
"Good evening Ma'am" bati sakin ng lalaki.
Tumango lang ako at nag diresto na sa loob.... Maya maya pa ay nakita ko na si kumag.
"Faye! Over here!" Kumaway sakin si Lux na abot tenga ang ngiti....habang may naka palibot na babae sa kanya.
Aba aba naman talaga tong babaeng to kung maka hawak ng mga chix kala mo mauubusan e.
"Ang kalat mo!" Bulong ko sa kanya ng maka lapit na ako sa table namin.
"Sshh! Minsan lang to ano kaba....uy ikaw don ka kay Faye, paligayahin mo yan ha" sabi ni Lux sa babae.
"Gago! Wag na hoy! Kaya ko'ng maghanap mag isa!" Sabi ko kay Lux, peru yung babae lumapit parin sakin.
Umupo ito sa tabi ko kahit hindi ko naman sinabing umupo sa gilid ko hayss.
Napapansin ko parang tahimik itong babaeng to at hindi nag sasalita kaya nagsalita na ako.
"Hey" tawag ko sa babae, kaya naman ay tumingin ito sakin.
"Hi" ngumiti ito ng pilit.
"Why are you so quiet?" Tanong ko sa kanya.
"I guess, this is my personality" she said and chuckled.
Tumango naman ako sa sinabi nito.... Napaka chill naman niya makipag usap.
"Your one of them?" Tanong ko ulit.
"What?! No!" Pag tanggi nito kaya napatawa ako ng konte.
"And why are you here" taas kilay na tanong ko.
"Pinilit lang nila ako" sabi niya at napatawa ng konte.
"Okay" sagot ko naman.
Pansin ko'ng hindi ito mapakali at aalis na sana ito kaso tinanong ko kaagad siya.
"San ka pupunta?" Tanong ko.
Halata kasi sa kanya na hindi sanay sa ganitong lugar dahil parang naiirita siya.
"Cr" tipid na sagot nito.
Tumango lang ako at uminom ng alak na naka lagay sa table namin.
Naka ilang basong alak palang ako peru feeling ko nahihilo na ako agad.
Bigla namang sumagi sa isip ko si Yoko.... Kumusta naman kaya siya ngayon? Pumupunta din ba siya sa ganitong lugar? Gumigimik ganun...
Naalala ko tuloy yung malambing niyang tawa kanina... Ang cute pala niyang ngumiti...akala ko kasi hindi siya marunong non haha joke!
Peru napapatanong din ako sa sarili ko kung bakit ko siya iniisip ngayon? Ou nga bakit nga ba? Hayss
Sumakit na naman ng konte ang ulo ko kaya kumuha agad ako ng gamot sa bag ko at ininom ito.
"Lux!" Tawag ko kay Lux.
"Labas muna ako magpa hangin" paalam ko kay kumag.
"Yeah..." Hays busy talaga tong babaeng to, ni ayaw tumingin sakin pag kinakausap....peru bahala siya choice niya yan, buhay niya yan, panindigan niya charot.
Tumayo na ako at nag lakad palabas para magpa hangin muna... Saktong may 7/11 sa harap ng bar kaya pupunta nalang ako doon at bibili ng maiinom.
Pagka bili ko ng maiinom ay lumabas na agad ako at tumambay sa labas dahil may table na doon at upoan.
Ilang sandali pa ay nahagip ng mata ko yung babaeng kanina lang ay kausap ko.
Nasa smoking area ito at mag isang naka tayo doon, kaya naman ay tumayo ako at pinuntahan siya.
"I never thought na nag sisigarilyo ka" sabi ko, tumingin lang ito at nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya.
"Smoking is bad to your health" suway ko at kinuha ang sigarilyo sa bibig niya at tinapon kung saan.
"No.... It's refreshing" sabi nito.
"By the way, I'm Faye" pagpapakilala ko sa kanya.
"Trisha" nilahad niya ang kamay niya para makipag shake hands, kaya nakipag shake hands narin ako sa kanya.
Marami din kaming pinag usapan at kung ano ano lang... Nalaman ko na niloko pala siya ng boyfriend niya kaya siya sumama sa tropa niya at uminom.
Kinuha niya rin pala ang contact number ko para daw kapag kailangan niya ng makakausap ay tatawagan niya daw ako.
Ako naman tong mabait, edi binigay ko na ang number ko.... Wala din naman ako'ng ibang friends bukod kay Lux.... kaya okay narin yun.
*******
Tylr :>
BINABASA MO ANG
One More Chance (Intersex)
Romance(fayeyoko) "Love is a beautiful flower, and the hearts of two girls in love are its most precious seeds. They bloom together, creating a garden of emotions that is vibrant, unique, and profoundly beautiful. Their love is not defined by the world aro...