CHAPTER 1

7 0 0
                                    

Nagising na lamang ako sa isang napakalakas na tinig mula sa baba. Hindi alintana kung ano ba talaga ang nangyayari. Dali-dali akong bumaba mula sa aking kwarto, at sakto naman na pagkababa ko ay nakita ko ang sanhi ng ingay. 

"ano ba naman iyan, kay aga-aga kung ano-ano nalang ang pinaggagawa mo dyan." saad ko pa.

" pasensya kana ate, may kailangan lang kase akong taposin. Hindi ko alam na nakalikha na pala ako ng ingay. " paumanhin pa nito sa akin.

" ano ba kase iyan?" 

" project po para sa subject namin. "

" kailan ba ang pasahan nito" tanong ko pa sa kanya. 

" mamaya na po. "

" eh bakit hindi ka gumawa kahapon? eh wala ka naman ata ginagawa. " 

" nakalimutan ko po. Masyado po kase  akong nawili sa pinanood ko kahapon na movie. " paliwanag pa nito sa akin. 

" sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong ko. Dito lang naman ako, may tinatapos lang din ako sa laptop. Basta pag kailangan mo, andito lang ako. Wag kang mahiyang magpatulong. "

Pagkatapos kung sabihan ang kapatid ko, ay bumalik na ako sa kwarto para kunin ang laptop ko. Marami-rami pa rin kase ang tatapusin ko, dahil na rin sa pagod ko kagabi. Kinakailangan ko na rin kasi ito mamaya. Dahil baka bigla nalang magpatawag ng meeting si Sir Marcus, naku malalagot pa ako kapag hindi ko nagawan ng maayos ang magiging presentation niya mamaya. Lingid sa kaalaman ng lahat, ako na ang tumatayong magulang sa aming 4 na magkakapatid. Dahil na rin sa nasa ibang bahay na ang aming ama, eh nasa ibang bansa naman ang aming ina. Kaya minsan nga ay, marami ang nagtatanong, kung kailan daw uuwi ang mama namin. 

Sa tuwing tinatanong ko naman siya, ang sinasabi niya lang ay hindi daw niya sasabihin kung kailan. Lagi naman niya itong sinasabi sa loob ng limang taon niya sa abroad. Dahil sa palagi-lagi niyang sabi, nasanay na rin ako, kaya hindi nalang ako mag-eexpect doon. 

Habang nag-iisip ako ng pwedeng ilagay sa presentation ay, siya namang biglaan na pagtawag ni Sir Marcus. 

" Ms. Elena, I need the presentation this afternoon. " sabay baba ng tawag sa akin. Hindi ko alam at medyo may pagkabastos din itong boss ko. Minsan parang gusto nalang siyang ipasok sa laptop. Napakaworkaholic din nito, halata naman diba?. Umagang-umaga palang at yan na ang bungad niya sa akin. At hindi rin naman ako makapagcomplain, dahil na rin sa mataas ang sweldo nito. Kahit na minsan ay, gusto ko nalang maglaho na parang bula. 

Dali-dali ko nalang na ginawa at baka, malilintikan pa ako. Inuna kung taposin ang mga mas matagal matapos, kesa sa mga konti lang. Minabuti kung wag na muna mag cellphone, para mapabilis ang ginagawa ko. Matapos kung gawin ang lahat ay, dumeritso na ako sa kwarto at naligo na rin. Kailangan rin na nandon ako, para marevise ang dapat na irevised. Pagkatapos ko maligo ay nagprepare na rin ako, para sa breakfast namin. 

Nang silipin ko ang kapatid ko ay, hindi pa rin siya natatapos. Kaya minabuti ko nalang rin na tanungin siya kung kailangan niya na yung tulong ko. 

"matagal ka pa ba dyan?" saad ko pa.

" matatapos na rin ito  ate, may kailangan lang ako ulitin. Masyado kasing girly kaya, iniba ko. " 

" basta pagkatapos mo dyan, puntahan mo na mga kuya mo, at sabay-sabay na tayo kakain. "

" hindi ka po ba malalate nyan ate? sure naman kase ako na hindi pa nagigising sila kuya. "

" hindi pa, tyaka maaga pa naman, kailangan ko muna kayong alagaan bago ako umalis. "

" ate salamat talaga. Napakalaking tulong mo sa amin, Nagagawa mo pa rin gampanan ang hindi mo naman responsibilidad. "

" anong hindi, responsibility ko kayo. kaya ikaw mag-aaral ka nang mabuti, para magiging magaan na ang gawain ko. "

" opo ate, pangako. "

Napangiti na lamang ako sa pinag-usapan namin ng kapatid ko. Bata pa lamang ay mulat na ako sa kung ano man ang kahahantungan ng pamilya namin. 

Simula kase ng nakapasok at natanggap si mama sa ibang bansa, yun na rin ang dahilan ng pagbabago ng ugali ni papa. Gabi-gabing lasing o di kaya ay, nananakit pa ito sa akin. Tiniis ko ang lahat ng kalupitan niya sa akin, hanggang sa nalaman na mismo ni mama, kaya pinadakip ito at mabuti nalamang din na nasa ibang bahay na ito. Hiniling ko man na may taong gagabay sa amin sa paglaki ay, binawi ko na rin. Ayokong lumaki ang mga kapatid ko, na may saltik ang ama namin, at hindi kayang gampanan ang pagiging ama nito sa amin. 

Habang tumatagal kase, ay pabigat ng pabigat ang mga kakailanganin nila sa school. Lalo na at parehong Law ang kinuha ng kambal, at nasa prestigious school pa sila (Liberty Law College). Kung tutuosin ay nasa 3rd year naman na sila, ngunit pabigat naman ito ng pabigat. At ang bunso naman namin ay nasa grade 12 na. Hindi na rin kase sapat ang pinapadala ni mama kaya kinailangan ko magtrabaho. I'm a graduating student of BSA (Bachelor of Science in Architecture). Mabuti na nga lang at hindi hectic yung schedue ko, at mabuti rin na tumanggap ang company na pinasukan ko. Maya-maya pa ay natapos na rin ang kapatid ko, kaya dali-dali na rin siyang umakyat para tawagin ang kambal. 

"kamusta school,  A? " tanong ko sa isang kambal. 

" medyo heavy ang schedule ate, at marami rin kaming gagawin sa school. Baka sa Condo lang kami makaka-uwi ni B. " saad pa nito sa akin. 

" sige sabihan niyo nalang ako kung may kailangan kayo financially. "

" oo ate, tyaka hindi pa naman sila nagbibigay naabout sa mga money. Kasi kapag meron naman na, sabihan nalang kita. Nga pala ate, kailan ulit magpapadala si mama ng pera?"

" bakit ubos na ba ang pera na binigay ko sa inyo?" 

" hindi pa naman ate, tyaka maliit pa lang ang nabawas sa binigay mo sa amin. "

" oy maggrocery kayo kapag sa Condo kayo uuwi, wala nang pagkain dun nung last na dalaw ko. "

" hindi ka ba aabutin ng gabi ate? baka kase walang kasama si Aria. At hindi nalang kami uuwi sa Condo, at dito nalang kami dederitso. "

" ano ba kayo, ang layo ng school niyo kung pupunta pa kayo rito. Tyaka sisikapin kung maka-uwi ng maaga. Para hindi na kayo uuwi pa dito. "

" sige ate. "

Pagkatapos namin mag-usap ay, nagkanya-kanya na kami ng destinasyon. Mabuti na lamang at dinala ko sa bahay ang sasakyan ko. Para kahit papa-ano ay hindi ako mahirapan na makarating sa company. "Phoenix Innovations Group" at nandito na nga ako.  Pagkarating ko nga ay, saktong wala pa si Sir Marcus. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakakita na ako ng dalawang pares na sapatos sa harapan ko.

" Ms. Elena, natapos mo ba ang presentation? " saad nito na para bang tinatanong niya ako kung madali lang ba ang pinagawa niya. 

" yes sir. natapos ko na po. Ililipat ko napo sa laptop niyo yung files or via email nalang po?"

" no need. Via email nalang. "

" sige po sir. "

"oh! before I forgot, kapag may pumasok or nagtanong kung nasaan ako tapos ang pangalan ay Isabella Diaz, wag mong sabihin kung nasaan ako. Ayokong may mangulit habang nasa conference room ako. Maliwanag ba Elena?"

" copy sir. "

" I'll go ahead. " 

Nagkibit-balikat nalang ako, dahil ito naman lage ang bilin niya. Hindi ko nga rin alam kung bakit ayaw niya na harapin ang babaen iyon. Sabagay kung ako rin, ayoko msyadong eskandalosa. Kaya mas pinili nalang ni sir, na walain na sa landas. 

Beyond Yesterday: Embracing TomorrowWhere stories live. Discover now