04 : Study

15 2 0
                                    

Maxine POV.

Napuyat ako dahil kakasulat ng notes na nakopya ko kay Mayumi at Claire, pero salamat sa alarm ng selpon ko nagising rin ako at nag asikaso kahit tinatamad pang gumalaw.

Kumain ako ng almusal pero napahinto ako at kakaunti lang nakain ko dahil kumakatok na si Ethan sa harap ng gate. nagulat ako, dahil nakalimutan kong simula ngayon lagi ko na sya kasabay pumasok.

Madali kong kinuha bag ko at nag paalam kila Lola Allyza at Lolo Erick. "Mag-iingat ka apo." Ngiti ni lola habang nag tutubig ng mga halaman sa harap ng bahay. Ngumiti ako sakanya at lumabas ng gate.

tinignan ko sya, nakasuklay ang basa nyang buhok. "Angkas kana." Sabi nya, agad naman akong umangkas sa likuran nya, sinimulan nya ang pag pedal at ako'y napahawak sa bewang nya.

"Nag almusal kaba?" Paninimula nya habang nasa daan parin ang tingen. First time ko 'tong narinig sakanya na sya ang nag simula ng topic.

"Ah...oo" sagot ko, "bat mukang pagod ka pa yata?" Tanong nya ulit. Ha? Napansin nya pa yon? "W-wala 'toh...actually napuyat ako sa pag gawa ng notes for this upcoming quiz next week." Humikab ako at agad tinapik ang bibig ko dahil sa kahiyaan, napatawa si Ethan ng marinig nya ito.

"Pwede ka naman bumawi ng tulog sa classroom mamaya." Sabi ni Ethan. "Hm..siguro nga" sagot ko ng tahimik.

Nakarating narin kami sa tapat ng school, pinark ni Ethan ang bisekleta nya sa bicycle parking area bago lumingon sa akin, habang ang tingin ko ay nasa mga estudyanteng pumapasok ng gate.

hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Ethan nang maramdaman kong may ikinuha sya sa buhok ko na agad kong nilingon ang tingin sakanya "h-huh? Nakakagulat ka naman." Sabi ko na ipinakita nya sa akin ang tuyong dahon na nakuha nya sa buhok ko.

biglang may tumawag ng pangalan ko sa 'di kalayuan "MAXINE!" sinundan ko ang boses nang lumapit sina Athea na kasama ang boyfriend nya, si Mayumi, Claire at Maria.

"Goodmorning," bati ko sakanilang may ngiti. "Goodmorning, max!" Bati nila at nabaling ang tingin ni Claire sa tabi ko kung saan nakatayo parin si Ethan.

"Hala, mag kasama nanaman sila!" Bulong ni Claire kila Althea, Mayumi, Maria at Cyrus 'ket rinig na rinig ko.

"Maxine, mauuna na ako sa classroom." Paalam ni Ethan at inawan kami, bigla akong siniko ni Mayumi "aray.." tumingin ako sa kanilang lima, na nakangisi. "Ano meron?" Tanong ko ng wala kaalam-alam.

"'Bat mag kasama nanaman kayo?" Pangunguna ni Althea. Tumaas ang isang kilay ko "what do you mean?" Tanong ko pabalik.

"Sus! 'Bat kasama mo yung Escort ng classroom natin?" Tanong ni Mayumi, "escort? Sino? Si Ethan?" Nagulat ako nang tumango sila sabay-sabay.

"Oo, escort ng classroom natin yan! Bat mag kasama kayo? Kahapon rin nakita namin kayung dalawa mag kasama," sabi ni Mayumi na nanghihinala, "naka-angkas ka pa nga sa likod eh." Sabat ni Maria.

"Hala! Hinde ah, mag kapitbahay lang kami, tyka pumayag sila Lolo at Lola na sumabay ako sa pag pasok kay Ethan." Pagpapaliwanag ko at tumawa ng taimtim.

"Ay sus!" Asar ni Cyrus na tumatawa sa tabi ni Althea. Kita ko ang pag ka ngisi ng mga labi ng lima na para bang nanghihinala.

"Oh 'sya! Sabi mo eh" ngiti ni Claire at hinila ni Mayumi ang kamay ko hanggang sa makapasok kami ng gate at papunta sa classroom namin.

hingal na hingal na ako at 'di makahinga ng maayos kaya nag pabitaw ako sa pag kakahawak sa 'kin ni Mayumi nang makarating kami sa ika-apat na palapag ng building, "mauna...na kayu" hingal ko at naglakad papunta sa girls comfort room para kunin ang inhaler ko.

(HS SERIES) Manila Girl x Province BoyWhere stories live. Discover now