Maxine POV.
Sawakas at sabado na ngayon. Pinayagan ako nila Lola Allyza At Lolo Erick na sumama sa basketball practice nina Ethan para sa magaganap na Sports Month.
nakasuot ako ng favorite kong pants and blue square neck cropped t-shirt na hindi kita pusod ko.isinama ako ni Ethan papunta sa location ng gym nila, nang makapasok kami, ang mga kasama ni Ethan sa basketball ay nag sitinginan sa direksyon namin.
"WOAH! WHO'S THIS CHIX PRE?!" Sigaw nila at ngumisi, may iba ring sumisipol, "tigil nyu nga yan." Pagbabawal ni Ethan sa kanila.
"Naunahan mo pa kami magkashota!" Tumawa sila, "Di ko sya shota, Si Maxine, kapitbahay at classmate ko. Bago lang sya dito sa Buenavista." Paliliwanag ni Ethan at nagulat sila.
"Eh?! Seryoso? Sa ganda ng kasama mo, hindi mo shota? Edi akin na yan!" Babantang lalapit na sana saakin ang matangkad na lalake nang harangin ito ni Ethan, "Tol, nandito na si coach." Sabi nya na tinitigan nya ito, at napaatras yung lalake bago lumingon sa matandang lalake na naka pants and tshirt palapit sa amin. "5 minutes to get ready!" Utos nito at nag sitakbuhan sila except kay Ethan.
"Mag sstart na kayo?" Tanong ko kay Ethan na lumingon sa akin, "oo, may bench dun, pwede kang maupo." Ngiti nya at sabay turo sa pwede kong pagupuan. Tumango ako "goodluck" dagdag ko bago lumayo.
No One's POV.
Tinitigan muna ni Ethan ang dalaga bago sya lapitan ng matandang coach nila. "Hijo, sino ba yang kasama mo?" Tanong nito at lumingon si Ethan sa kanya.
"Classmate ko 'ho" sagot ni Ethan, tumango-tango ang matanda "mukang bago sya dito sa lugar natin?" Dagdag pa nito, "yes coach, galing po sya sa manila." Pagpapaliwanag ni Ethan. "Ahh.. Oh 'sya! Balik na sa pwesto!" Utos nito, agad namang tumakbo si Ethan sa mga kagrupo nya at sinimulan na nila ang practice nila.
Ang dalaga naman ay naeexcite nang makita nya na mukang magsisimula na ang unang set, tinignan nya si Ethan na tumingin sa direksyon nya at ngumiti ito sakanya.
Minutes later...
Nagiging seryoso si Ethan ng idribble nya ang bola at sabay takbo doon, takbo dito at sabay shoot sa ring, pumalakpak naman sa tuwa si Maxine sa bench habang nanonood.
Sa grupo ng A naka 16 points while ang grupo ni Ethan (B) ay 20 points na, nanalo ang grupo ni Ethan sa unang set.
"Water break!" Sigaw ng coach, pumunta silang lahat sa bench para uminom ng tubig, hindi maiwasan ni Ethan sulyapan si Maxine, kahit kanina sa gitna ng practice.
"Tol mukang malayo tinitignan mo ah, kanina pa yang mga mata na yan!" Ngisi ng isang lalake na napansin na pala ito habang nag ppractice sila. Tinitigan ito ni Ethan ng matalim "oh! Oh! Bakit ganyan ka makatitig sa akin? Pag yan nilapitan ko talaga!" Pagbibiro nito at tumawa.
Nag bugtong-hininga si Ethan "ewan ko sayo." He said nonchalantly, ibinaba nya ang water bottle nya.
sumipol ang coach bago sila bumalik sa kani-kanilang pwesto, tinitigan muli ni Ethan si Maxine na excited nakatingin sa kanya, nag thumbs-up si Maxine sa kanya na may samang ngiti. Ethan scoffs "cute.." He whispers.
Natuwa't pumalakpak si Maxine nang makitang nakailang shoot si Ethan sa ring. She also decide to take a picture of Ethan, inilabas nya ang selpon nya at itinutok ang camera kay Ethan...- sabay click sa button, nang tignan nya ito napangiti si Maxine dahil maayos ang pag kakakuha nya ng litrato kay Ethan. "Pogi nya," bulong ni maxine at sabay iling nang marealized nya ang nasabi nya.
Namula sya ng kaunti at tinakpan ang bibig sabay lapag ng selpon nya sa hita, "kung ano ano nasasabi ko.." Sabi nya sa sarili, at pinilit na manood.
Timeskip...
YOU ARE READING
(HS SERIES) Manila Girl x Province Boy
Novela Juvenil[Started : April 19, 2024] [Ended : ---] [Status : ongoing...] Maxine Mendoza ay isang ordinaryong 4th year High School student, sa Cavite. Nakatira siya sa puder ng kanyang Tito Leon na kapatid ng kanyang ama na nakakulong sa bilangguan at dahil na...