untitled.pdf

123 7 6
                                    

hello !! i actually wrote this piece for my boyfriend. update: naiyak siya hahahah. anyway, sana magustuhan niyo.

🧬

Mahal kita pati na rin ang bawat piyesa na bumubuo sa 'yo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mahal kita pati na rin ang bawat piyesa na bumubuo sa 'yo


At habang ika'y yinayakap nang maigi
Binubulong ang dalanging huwag sana maglaho sa hangin
Ang bawat piyesa na bumubuo sa 'yo
Bawat piyesang nawa'y mapasaakin habang-buhay

Kahit ilang beses ko sigurong subukang ilahad sa salita na mahal ko ang bawat parte na bumubuo sa 'yo, kahit kailan siguro hindi magiging sapat ang mga salitang ilalathala ko para maintindihan mo pati na rin ang bawat papel na susulatan ko.

Mahal kita. Mahal ko ang lahat sa 'yo. Mahal ko 'yong mga detalye na mahal mo. At mas lalo kong mamahalin 'yong parte na ayaw mo.

Ang bawat piyesa na bumubuo sa 'yo ay ang bawat piyesang nawa'y mapasaakin habang-buhay. At 'yang bawat piyesa na 'yan ang gusto kong mahalin palagi—hanggang dulo. Pati na rin sa bawat pagitan.

Dito ka na lang habang-buhay
Habang-buhay

Maaari kaya 'yon? Na hindi ka na umalis? Na dito ka na lang hangga't maaari—hangga't kaya? Ang imposible, 'no? Pero dalangin ko 'yan tuwing nasa simbahan ako. Nakakatawa nga kasi hindi ako madasalin na tao pero kapag ikaw, handa akong lumuhod, magdasal ng mataimtim, para sa kaligtasan mo. Hinihiling ko 'yan lagi sa Kaniya. Na sana sa bawat araw at gabi na lumilipas, sana matagpuan mo pa rin 'yong sarili mong manatili.

Huwag kang bibitaw, huwag kang mawawala
Oh, aking dinadala ang bawat piyesa ng ikaw
Ano'ng gagawin kung wala ka?

Sa mga oras na hindi na tayo nagkakaintindihan, sa mga oras na matagpuan mo ang sarili mong napapagod at nahihirapan, huwag ka sanang bumitaw. Hayaan mong ayusin natin ang lahat. Piliin mo pa ring manatili, piliin mong huwag mawala.

Kasi hindi ko alam ang gagawin kung wala ka.

Parte ka na sa bawat piyesa na bumubuo sa akin. Magiging kulang ang lahat kung aalis ka

Kaya kung maaari, dito ka na lang habang-buhay.
Hayaan mo akong mahalin ka pati na rin
ang bawat piyesa na bumubuo sa 'yo.

awit ryle | bawat piyesa by munimuni

🧬

🧬

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Same GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon