95

94 3 1
                                    

I love Awit so much.

Kulang ‘yang mga salitang ‘yan kung ilalarawan kung gaano ko siya kamahal. Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, hindi ko pinursue ‘yong strand na ICT kahit alam ko sa sarili ko na gustong-gusto ko roon. Narinig ko kasi na gusto niya mag-STEM kasi maraming scholarship pero mahina raw siya sa Mathematics kaya hindi niya alam paano siya magsu-survive.

That’s why I took STEM.

Kapag tinatanong ako kung bakit ako nag-STEM, ang lagi kong sagot, “Kasi nandito si Awit”.

Aaminin ko, ayaw ko iwan si Awit. Nakita ko na siyang mag-isa at walang karamay. Ayokong maramdaman niya na naman na mag-isa siya. That’s why I want us to be on the same ground. Gusto ko nando’n agad ako kapag may nangyaring hindi maganda.

But of course, hindi puwede na palaging gano’n. We will not grow if we keep on staying on the same ground.

Sa sobrang tagal na magkadikit kami, kabisado ko na siya. Alam ko kung kailan siya malungkot o nagpapanggap lang na masaya. Alam ko kung ano ‘yong tunog ng totoo niyang tawa. Kabisado ko si Awit na parang daan papunta sa AIMS. Na kahit siguro pumikit ako, alam ko pa rin kung paano pupunta sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya na. Hindi ko alam kung bakit niya ‘yon on a random Tuesday morning.

May mali ba sa akin? Nasakal ba siya? Masyado ba ‘kong clingy kaya ayaw niya na?

Lahat ng ‘yan pumapasok sa utak ko.

Bakit kaya hindi niya ‘ko magawang harapin? Bakit hindi niya masabi sa akin nang harapan na ayaw niya na? Minahal ba niya talaga ako? Bakit parang ang dali niyang itapon ‘yon?

Awit decided to cut me off on all of her social media accounts. Kahit sa school, hindi niya ‘ko pinapansin kapag nagkakasalubong kami. And if I tried to approach her, parang wala lang sa kaniya. Parang hindi ako nag-e-exist sa harapan niya.

Masakit. Sobra. Kung tignan niya ‘ko ngayon, wala ng kislap ‘yong mga mata niya. Ang blangko ng mga mata niya — walang emosyon. Ang hirap niya basahin ngayon.

“Pre, pre, si Awit. Lapitan mo na,” wika ni Paolo kasabay ng pagsiko niya sa akin.

Hindi ko magawa. I just froze when our gazes met. Saglit lang ‘yong pagtama ng mga tingin namin kasi agad din siyang umiwas na para bang hindi niya ‘ko nakita kahit nasa harap niya na ‘ko.

“Bakit ‘di mo hinabol? Puntahan mo na.” David stated.

Huminga lang ako nang malalim at hindi na pinansin ang sinabi niya. Baka kailangan ni Awit ngayon ng time. Baka kapag pinagsiksikan ko lang ‘yong sarili ko, mas lalo lang siyang lumayo.

Pero tang ina, gusto ko talagang ayusin ‘tong sa amin. Gusto kong bumalik na kami sa dati. Sobrang miss ko na siya.

“Alam mo, tol, bago tayo grumaduate, dapat nakapag-usap na kayo ni Awit. Malapit na ‘yon. Tatlong buwan na lang. Huwag niyo sanang sayangin ‘yon sa pag-iwas,” sabi ni Paolo.

“Alam ko naman ‘yon. May balak talaga akong kausapin siya pero hindi pa ngayon. Baka may kasalanan ako kaya siya nakipaghiwalay,” mapait akong ngumiti. “Hayaan mo na. Magbabati rin kami niyan.” I said, hopeful.

Same GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon