“Nasa’n si Awit?” rinig kong tanong ni Uno sa labas ng classroom namin.
Si Zane ang humarap kay Uno kasi sinabi ko na rin kay Zane ‘yong nangyari. Sa totoo lang, gustong-gusto kong bawiin ‘yong sinabi ko sa kaniya kasi alam ko sa sarili ko na nagpadala lang ako sa emosyon ko. Pero may parte sa akin na gustong panindigan ‘yong desisyon ko kasi alam ko rin sa sarili ko na puwede siya madamay sa mga nangyayari.
Ayoko siyang harapin ngayon. Ayoko siyang harapin nang hindi ako buo. Mas gusto kong sarilinin ‘yong problema kasi alam kong may pinagdadaaanan din siya at ayokong makadagdag pa.
“Mag-uusap lang kami, Zane. Please, usap kami. Tawagin mo na si Awit.”
Naririnig ko ang pagsusumamo sa boses ni Uno. Pumipiyok na ‘yong boses niya na para bang gusto niya nang umiyak.
Sa mga ganitong oras ko siyang gustong patahanin. Sa mga ganitong oras ko pinangako sa kaniya na hindi ako aalis; na mananatili ako.
Tang ina, ang sama ko naman. Ako ‘yong nagiging dahilan kung bakit siya umiiyak. Ako ‘yong nagiging dahilan ngayon kung bakit siya nahihirapan. Mas pinipili ko ngayon umalis kaysa manatili. Pinapaiyak ko siya ngayon imbes na sa akin siya tumahan.
Ang sama ko.
“Sorry talaga, Juan. Ayaw ka makausap, eh.”
Hindi ko na narinig ‘yong sinabi ni Uno kay Zane dahil tanging mga hikbi at bilis ng pintig ng puso ang tanging naririnig ko.
Gusto ko siyang puntahan ngayon. Gusto ko siyang akapin. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko.
“Hush. Tahan na, ah,” sambit ni Zane habang inaalo ako.
“S-siya na lang ‘yong nandiyan, nagawa ko pa siyang itulak palayo. Hindi dapat kami umabot sa ganito, eh… I-inayos dapat namin… Zane, kailangan ako ni Uno ngayon. Puntahan ko siya, please…” my voice broke.
“Babe, masyado kang unstable ngayon para harapin mo si Juan. In the end, alam ko na itutulak mo ulit siya palayo. Magkakasakitan lang kayo.”
Pinunasan ko ang mga luha ko pero kahit anong punas ko, hindi pa rin sila tumitigil sa pagtulo. Parang bagyo tuwing Mayo hanggang Hulyo. Walang tigil sa pag-ulan, umaabot sa punto na ang daming nasisira. Parang gripong sira na hindi tumitigil sa pag-agos ng tubig — na kahit anong gawing ayos ng tubero — kahit siya na ang pinakamagaling na tubero, hindi niya pa rin alam kung ano ba talagang sira ng gripo. Parang batang iniwan ng Nanay sa eskwela. Hindi tumitigil sa pag-iyak bagkus gusto nitong makasama ang kaniyang Ina.
Lahat ng ‘yon parang ako. Parang mga luha ko. Walang tigil sa pag-agos, walang tigil sa pagtulo.
Itong nangyayari sa amin ni Uno, parang sakuna rin. Ang dami kong nasira. Pareho kaming umiyak. Pareho kaming nagdudusa.
Akala ko dati mga iniiwan lang umiiyak. Masakit din pala sa parte ng nagdesisyon bumitaw lalo na kung hindi niya talaga gusto ‘yong nangyayari.
Ayaw ko man itulak palayo si Uno sa akin, wala gano’n na rin naman ang nangyayari. Hindi ko siyang magawang patahanin kasi maski ako, hindi ko na magawang patahanin ang sarili ko. Araw-araw, gabi-gabi, lalo na kapag mag-isa na lang, doon ko iniisip paano ako babangon kinabukasan lalo na’t alam kong sa pagpasok ko, maraming masasabi ang ibang tao. Samu't saring pagbubulong-bulungan ang bumubungad sa akin. Mula ulo hanggang paa ang tingin nila sa akin. Ni hindi ko sila magawang tignan sa mata kasi alam kong kapag tinignan ko sila, mas lalo ko lang mababasa na sirang-sira na ang imahe ko sa kanila.
STEM student, nahulihan ng kodigo.
Nakakahiya, graduating pa naman.
Damay-damay lahat, puta. Hindi man lang ba siya nag-isip?
Akala ko ba matalino 'yan? Bakit gumagamit ng kodigo?
Hindi ko na magawang maging kalmado. Gusto ko na lang maging mag-isa. Gusto ko umalis. Gusto ko takbuhan lahat.
Alam kong mali. Hindi magiging tama ang pagtakas sa problema pero tao lang din ako. Hindi ko maiwasang hindi hilingin mawala saglit para matakbuhan ang mga problema ko.
Pero sa huli, hindi pa rin ‘to sapat na dahilan para hindi ko bigyan ng proper closure si Uno. Hindi sapat na dahilan na tao lang ako para itulak ko siya palayo.
Kasi tao lang din naman siya. Hindi niya dinahilan ‘yon para i-distansya ang sarili niya sa akin.
“Mahal ko talaga siya, Zane… H-hindi ko ‘to ginusto, promise. Ayoko ng ganito… Kailan ba kasi ‘to matatapos? Gusto ko lang naman sumaya…”
BINABASA MO ANG
Same Ground
Teen FictionIf all else fails Would you be there to love me? When all else fails Would you be brave, to see right through me? ••• Awit Ryle Arcete and Juan Riverio have been on the same ground for years. Same school from Elementary to Junior High, pursued the s...