BG XXXV

34 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Hindi ko ata kaya. Nangangatog ang mga tuhod kong umaakyat ng hagdan. Nahuli ako ng isang oras sa pagpunta sa library ngayong araw kaya ginawang isang buong buwan ni Master Ravini ang isang linggong parusa ko. Si Fiona kasi eh, ang imposible naman nung pinapagawa niya.

Nanlulumo kong tinignan ang dalawang mesa na nakatoka sa akin. Ni isang basic spell ay wala akong magawa nang tama kaya heto akyat baba nanaman ako habang may hawak na madaming libro.

"Need help?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ulit si Riel. May kasama itong babae na brown din ang buhok at luntian ang mga mata.

"Uhm, punishment ko ito eh," sabay turo sa mga libro. Nagtinginan naman sila nung kasama niya. "Nga pala, heto," abot ko sa kaniya nung feather pen niya.

"I think you need to rest first. Nanginginig na iyang mga paa mo oh, here, drink it," sabi nung kasama ni Riel. "I'm Mina."

"Salamat, Mina."

Napatingin kami sabay-sabay sa mga ID namin na nabawasan nanaman ng points. Hinila kami ni Riel papunta sa kung saan sa library.

"We won't get demerits from here," pilyang pagkakasabi nito. "So, how was your mock test?" Pansin kong hindi nga nababawasan ang points namin kahit magkwentuhan kami dito.

"Na-perfect mo, as in, perfect?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mina.

"Uhm, oo pero hindi ko naman naperfect in one take, iyong second take ko iyong perfect."

"Ilan nakuha mo sa first take?"

"89, bagsak pa nga eh. Sabi kasi ni Master Ravini, 90% ang passing."

"Ano? Ang taas naman ng passing rate na binigay sa iyo," nanlalaki ang mga mata na sabi ni Mina.

"60% lang ang passing grade for recruits, 75% for novice, 90% kung apprentice or scholar ka na." Hay, sabi ko na pinagtritripan din ako ni Master Ravini eh.

"Eh, iyong basic spells?" Umiling na lang ako. "Then, why not try iyong ancient spells?"

"Ha? Pwede ba iyon."

"Yes. Most rankers failed at basic spells nung recruit/novice pa lang sila. They carry higher elemental spirits that are incompatible with basic spells," pagpapaliwanag ni Riel. Akala ko binubully lang ako ni Thunder, tinutulungan niya pala ako?

"Oh, what's your element pala?" Tanong ni Mina. Sabi sa akin ni Master Ravini, fog ang sasabihin ko kapag may nagtanong. "Ohh, you can focus on stealth. Mine is poison, we'd be good partners kung magkateam tayo, parang mga assassins."

"Mine is boring, water, mabuti na lang exciting iyong ability ko."

"What's your ability?" Tanong ko kay Riel.

"Space manipulation, something like this hihi. Kaya hindi tayo nababawasan ng points kasi we're in a separate dimension."

"Wow," posible pala iyon? Ang unique naman nung ability niya.

"Nga pala, ikaw iyong recruit nila Kuya Prince, 'di ba? Totoo bang galing ka sa taas?"

"Prince, as in Prince Blue?" Tumango naman ito. "Oo, galing ako sa taas. Nga pala iyon talaga pangalan ng kuya mo?"

"Oo. Buti na lang hindi ganun iyong akin, kung hindi Riel Blue ang pangalan ko."

"Bakit? Kailangan ba na may kulay sa pangalan?"

"Hindi naman, pero kasi iyong ina namin, magkakabarkada sila ng tatay ni Kuya Thunder, tatay ni Ate Fiona, ang headmaster, tsaka iyong legendary Hark Knight na si Lovelle.

Pinag-usapan ata nila ang pangalan ng mga magiging anak nila, tulad niyan, iyong kuya ko Prince Blue, si Ate Fiona - Fiona Scarlet, Elmira Hazel, Thunder Gold, 'di ba ang weird?"

"Sandali, hindi ba kambal si Thunder at Ate Snow, huwag mong sabihin na Snow White ang pangalan ni ate."

"Wow, ang galing, paano mo nalaman?" namamanghang tanong ni Mina. Pfft.

"AHAHAHA," pagtawa ko na ikinalito naman nila kaya ikinuwento ko iyong disney princesses. Kinaya ko pa iyong Thunder Gold pero iyong Snow White? My gosh. "AHAHAHA," sumama sila sa pagtawa ko at naglaho iyong dimension ni Riel nang hindi niya makontrol ang tawa niya at sabay-sabay kaming napalabas ng library.

Nahinto kami sa pagtawa nang mamataan ang headmaster na pinadetention iyong dalawa at pinabalik ako sa library. Nagtetele-teleport ako paminsan-minsan sa pag-akyat pero nang maalala ko iyong Thunder Gold, sa kung saan pa ako napunta.

I AM A BAD GENIE.

"Wo-woy, Ben. Bawal iyan," sabi ni Somi sabay mabilisang nagsuot ng damit pantaas.

"Sorry," nateleport ako sa kuwarto nila Thunder. Kainis. Pinulot ko iyong mga nahulog na libro saka maglalakad na paalis pero inunahan ako ni Somi sa pinto.

"Woops, excuse me una na ako," sabi nito bago dali-daling tumakbo. Natabig niya ako kanina kaya nakahulog ako ng isang libro na pinulot ko ulit.

"What do you think you're doing?" Tanong ni Thunder na katatapos lang maligo. Wala itong dye sa buhok at contact lenses kaya naalala ko ulit iyong buo niyang pangalan.

"Thunder Gold," mahinang pagkakasabi ko na narinig niya pala.

"WHAT?" Sigaw nito habang namumula ang mga tainga. Pfft. "You."

"AHAHAHA," OMG. Hindi ko na napigilang tumawa ulit. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig habang tumatawa. Tunog pintura kasi iyong pangalan niya o 'di kaya'y sports drink. Thunder Gold.

"Are you crazy!?" Akmang lalapit na ito sa akin nang itaas ko ang kamay kaya napatigil ito.

"Diyan ka lang, okay na ako," sabi ko sabay punas ng luha sa mga mata saka tumayo.

Nakaramdam ako ng mahinang pagdampi sa labi ko. "I told you not to cry unless you want me to kiss you," sabi nito sa isip ko.

"Holy freak, my eyes!" Nasa tapat ng bukas na pinto si Ate Snow habang nasa likuran nito si Somi.

Napatakip ako sa bibig sa nagbabadyang pagtawa pero nang maalala ko kung paano kami tumawa nila Riel at Mina, hindi ko na napigilan. Snow White, my goodness, 'di ko kaya.

"Oh my gosh, Thunder, what did you do to her," alalang sabi ni Snow bago ako inalo sa patuloy na pagtawa. Pakiramdam ko mauubusan na ako ng hininga.

Nagising na lang ako na nasa clinic.

"Dummy," pangungusap ni Thunder sa isip ko pero wala naman siya dito sa kwarto.

"Sister, are you okay?" Hindi ko matignan nang diretso sa mata si Snow. "Hey, what's the problem?" Kinagat ko ang ibabang labi saka yumuko at umiling. "Tinatakot mo ako, you're getting weird. We haven't seen each other in one day pa lang tapos nagkakaganiyan ka na. Tss. Get up, let's eat dinner."

Huminga ako nang malalim saka sumunod. Nagugutom na din kasi ako eh.

"Hey, may I sit with you?" bati ni Somi sa amin.

"Sure!"

Naupo si Somi sa tabi ni Snow at kasunod naman nito si Thunder na tumabi sa akin.

"So sister, what happened? Sabi ng healer sa amin, overfatigue ang dahilan kung bakit ka nahimatay. Ganoon ka napagod katatawa?" Inosenteng tanong ni Snow.

Mabuti at nahimasmasan na ako kaya naikwento ko sa kanila nang maayos iyong punishment ko sa library.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now