BG XXXVIII

40 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Agad na binawi niya ang liwanag sa mga mata ko dahil lima, hindi lang tatlo, kundi lima na ang nakatoka sa akin na mesa ngayon. Ang tagal pala akong hinanap nila Ate Snow kagabi kaya nakarating kay Master Ravini at headmaster ang balita. Points: -51,000. Binigyan pa ako ng anti-teleportation or anti-ability bracelet na kusang matatanggal matapos ang bente-kwatro oras.

Nagbaon ako ng madaming green potion na hiningi ko kay Gen para sa training namin ni Fiona kaninang madaling araw at sa manu-mano kong pagbalik ng libro sa shelves. Paano ko matatapos ito? Baka bukas, sampung mesa na ang aayusin ko. Huhu

"Dummy." Pambubuyo iyan ni Thunder habang palipad-lipad lang sa gilid ng hagdan na inaakyat ko. Sarap hambalusin. "Basahin mo na kasi iyong ancient spells."

Nang magsawa itong asarin ako ay lumayas na siya sa paningin ko. Pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko si Riel at Mina sa dulo.

"We'd like to help!" Masiglang sabi ni Riel. "Oh!" sabay turo nito sa bracelet ko na meron din siya.

"Apir." Sabi ko sabay taas ng palad. Nalilito nila akong tinignan kaya inabot ko ang kamay niya saka inapir sa palad ko.

"Ako din!" Sabi ni Mina saka umapir din sa akin.

Maya-maya ay inakyat na namin ang mga librong hawak namin. "Sandali," hingal na hingal na paghinto ni Riel. "Ginagawa mo ito, araw-araw?"

"Oo, bakit?" Inabutan ko sila ng green potion na ikinangiwi naman nilang pareho.

"Grabe ang stamina mo," namamanghang turan ni Mina bago ininom ang green potion saka nakangiwing napadila.

"Tapusin na lang natin iyong mock test mo, Beny." Halos nagmamaktol ang pagkakasabi ni Riel kaya napatawa na lang ako sa kaniya.

Bumaba kaming tatlo saka nila ako tinulungang sagutan iyong mock test. Hindi ako makapaniwala na mas madali pa iyong ancient spells kesa doon sa basic. Kulay blue ang ilaw sa dulo ng daliri ni Riel, lime kay Mina, at puti sa akin.

"Ako lang ba o parang medyo kulay rosas iyang liwanag mo?" Nagkibit balikat na lang si Riel saka sinabing "Unique."

"Kain na tayo," pag-aaya ni Mina.

Napatingin ako sa ID ko na hindi nababawasan demerit points.

"I'm short of points. Riel points: 3,000" Napatingin kami kay Mina habang nakanguso.

"Okay, ako naman nag-aya eh. Tara."

Habang kumakain ay nakwento ni Riel na pwede naman daw bumili ng ID points kaso ayaw na daw siyang bigyan ng allowance ng ama niya. Napabatok sa kaniya si Mina na ikinagulat ko, "Kung hindi ka kasi sutil na kung saan saan nagpupunta eh 'di wala ka sanang demerits."

"Pasensiya na, sinubukan ko naman eh kaso naku-curious ako."

"Ano bang nangyari?"

"Eh kasi Beny, 100K na ang points niya around last month tapos malalaman namin na sumunod siya sa kuya niya sa taas nang walang paalam."

"Akala mo naman ako lang ang nagpunta doon eh sinundan mo din si Kuya Somi."

"Oo nga kaya naging 12K na lang iyong 50K points ko. Ang hirap pa man din mag-ipon kapag novice ka pa lang. Nag-assistant pa ako sa clinic para doon."

"Bawal ba pumunta sa taas? Magkano naibawas sa points niyo?"

"75% ng current points mo Beny. Tapos itong si Riel, inulit pa ng isang beses kaya ayan. Buti na lang patapos na ang acad year."

"Bumili lang naman ako ng lightstick, saglit lang naman iyon eh."

"Ewan ko sa iyo," sabi ni Mina saka siya inirapan.

"Ikaw Beny, fan ka ba ng KPop?" Sinagot ko siya na hindi masyado kaso napadaldal ako ng madami tungkol sa taas sa dami ng tanong niya.

Bumalik kami sa library saka magkakasamang sinagutan iyong mock test. Mabuti na lang at medyo maaga ako ngayon na makakalabas. Dahil tinulungan nila ako, naibalik na namin iyong mga libro sa shelves bago mag-alas nuwebe. Okay na sana ang araw ko kaso napatawag ako sa headmaster's office.

"Greetings headmaster, greetings Master Ravini," ano nanamang nagawa ko. Huhu Naupo ako sa bakanteng upuan.

Tumikhim ang headmaster bago ito nagsalita. "You answered all of these?" sabay taas nung mock test ko sa basic spells na 91 ang score.

"Opo."

"Ikaw lang?"

Napipilitan akong umiling. "Hindi po."

"Sinong kasama mo na nagsagot?" Hala, sorry Riel, Mina. "So, you cheated."

"Po? Tinulungan lang naman po nila ako, headmaster. Hindi po ako nagcheat tsaka wala po silang kasalanan," nanghuhusga ang titig nito sa akin. "Okay po, nagcheat na po ako pero wala pong kasalanan sila Riel at Mina," walang boses na banggit ko sa pangalan nila sa dulo.

"Then, finish this test tonight. Dito sa office ko."

Napabuntong-hininga na lang ako na inabot iyong panibagong test na ibinigay ng Headmaster. "500 items!?" Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa papel. Pag-angat ko ng ulo ay tinitigan lamang ako ng headmaster at ni Master Ravini. Naluluha kong sinagutan isa-isa.

Kahit umaangal ako ay nasisiyahan ang loob ko kasi paborito ko na iyong ancient spells. Totoong nag-eenjoy ako na inaaral iyon.

"Master Sol!"

Napahawak ako sa ulo nang matapos kong sagutan lahat. Ano iyong mga alaala na iyon kanina? Pasalamat doon at nasagutan ko iyong mga items sa test kahit parang hindi ko naman nabasa iyong iba. Nitong mga nagdaang araw, hinahayaan ko na lamang sa utak ko ang mga pabalik-balik na imaheng nakikita ko.

"You may go." Sabi ng headmaster kahit hindi pa tapos magcheck iyong paper.

Alas onse. Ang tagal ko pa lang nagsagot. Pabagsak akong humiga sa kama dahil sa pagod.

I AM A BAD GENIE.

"Bangon." Alas tres. Napatalukbong ako ng kumot.

"Isa," napabalikwas ako ng bangon nang bilangan na ako ni Fiona. "We'll visit Celine today." Nabuhayan ako sa dagdag na sinabi niya. Miss ko na si baby.

"Magpaalam ka na kay Celine." Napaatras ako sa lakas ng biglaang atake niya. Puro atras at iwas lang ang nagagawa ko. Malakas na tumatama ang espada niya sa espada ko. Nanatili akong dumedepensa. Nasa kaniya ang kontrol sa laban.

Huwag mong hayaan na kontrolin ng kalaban ang laban, anak. If you leave yourself in a defensive state, hanggang doon ka na lang. Let me show you some offensive attacks. Bahagyang nanakit ang ulo ko. Mabilisan akong kumanan, umatras saka umabante sabay hampas ng espada. Nilakasan ko ang mga atake, dahilan kung bakit napakabilis kong napagod. Naiinsulto ako tuwing makikitang parang naglalaro lang si Fiona. Sisiw na sisiw ito sa kaniya.

"Aah!" daing ko nang masugatan ang braso. "Aah!" Muling inasinta ni Fiona ang isa ko pang braso.

Apat na minuto na lang. Pinagpapawisang ang mga kamay ko dahil sa kaba.

"Mahina." Patuloy na nasa kaniya ang opensa. Hindi pa nangangalahati sa oras pero parang bibigay na ako.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now