Chapter 4: Santos Family

194 22 12
                                    


Lheslie

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan para mas lalo pa akong matagalan dumating sa dining room. Kung pwede sanang hindi na lang ako sumabay sa kanila kumain o huwag na lang akong magpakita sa kanila. But I promised sa Mommy na sasabay ako. Ayoko siyang magtampo sa birthday niya.

Unti-unti ko nang naririnig ang boses nila habang naglalakad ako sa hallway.

"It's not easy, Dad. They would not sell it to us. They prefer him over us," narinig kong sabi ng panganay kong kapatid na si Kuya Levan. Minsan ko lang siya nakakausap pero kilalang-kilala ko ang boses niya. Siya ang seryoso sa aming magkakapatid at bihira tumawa.

"Then do something. Offer him something he could not refuse. For sure that Castillo has something he wants that we can probably offer in order for him not to compete with us in buying the land."

Napahawak ako ng mahigpit sa regalo na hawak ko. Napalunok ako nang marinig ko ang boses ni Daddy. Ayoko ng ganyang tono ng boses niya, very authoritative and demanding. For sure tungkol na naman sa trabaho ang pinag-uusapan nila.

Nakarating na ako sa dining room. Agad napansin ni Mommy ang presensya ko.

"Nandito na si Lheslie. Come here, darling. We were waiting for you. Please take a sit," pagyaya ni Mommy sabay turo sa upuan na nasa tabi niya.

Lahat sila ay lumingon sa akin maliban kay Daddy. Nanatili siyang nakatalikod sa gawi ko. Nakaupo kasi siya sa kabisera o 'yong pinakadulo na upuan sa dining table. Pero kahit nasa bandang likuran niya ako, kung excited siyang makita ako, sana ay lumingon siya. Pero hindi niya ginawa. He didn't care to see me or acknowledge my presence.

"Bunso."

Napabaling ako kay Kuya Liam no'ng tinawag niya ako. Magkatabi sina Kuya Liam at Kuya Levan ng upuan. Nakaupo sila sa mga upuan na nasa kaliwang side ni Daddy. Si Mommy naman ay nakaupo sa right side ni Daddy.

Tumayo si Kuya Liam saka sinalubong ako. Nakangiti siya ng malawak habang palapit sa akin. Agad niya akong niyakap tapos no'ng humiwalay siya ay ginulo niya ang buhok ko na kinasimangot ko. Mahilig siyang gawin 'yan sa akin.

"Kuya naman, eh," reklamo ko.

Tinawanan niya pa ako saka sinabing, "Bakit ngayon ka lang nagpakita, ha?"

Akmang sasagot na sana ako no'ng lumapit din pala sa akin si Kuya Levan. Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo ko bago siya humiwalay ng yakap saka tiningnan niya ako ng may konting ngiti sa labi. Bihira lang 'yan ngumiti.

"I'm glad you are back home. I missed you, bunso."

Napangiti ako kay kuya dahil sa sinabi niyang na-miss niya ako. Si Kuya Levan kasi ang tipo ng tao na bihira lang magsabi ng mga bagay na sweet. Kaya kapag naging sweet siya, ibig sabihin ay totoo talaga 'yon. Hindi siya basta-bastang nagbibitaw ng salita if he really didn't mean it.

"I missed you too, Kuya."

"I know you miss each other pero lalamig na itong mga pagkain natin kapag hindi pa tayo kumain," biro ni Mommy kaya napatingin kami sa kanya.

Natatawang bumalik si Kuya Liam sa upuan niya. Sumunod si Kuya Levan na umupo. Binigay ko muna kay Mommy ang regalo ko bago ako umupo.

"Thank you for my gift. Hindi ka na sana nag-abala pa. You should've saved the money. Your presence here is enough."

"Masaya po akong bigyan kayo ng regalo, Mommy," sagot ko.

Kaming lima lang ang nandito dahil ito ang gusto ni Mommy para sa birthday niya: ang makompleto kaming lima. At ito na nga, kompleto kaming lima.

Love after Loss (Barkada Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon