Lheslie"Ito ang magiging venue ng event next month."
Pinakita sa amin ni Ma'am Jessica ang napakalaking ballroom kung saan kami ang kinuha nilang mag-decorate.
Si Ma'am Jessica ang nag-reached out kay Blanca na kunin kami bilang decorator ng company event nila. Akala ko nga no'ng una ay siya ang may-ari ng company dahil siya ang laging nakikipag-usap sa amin. Pero nalaman lang namin ngayon na assistant pala siya ng may-ari at siya ang inatasan na mag-organize ng event.
Nilibot ko ng tingin ang buong lugar. Ang kalahating wall na nandito ay sementado na kulay puti at ang natirang dalawang sides naman ay glass wall. Wala ni isang gamit o furniture akong nakita rito sa loob. For events purposes lang talaga siguro ito kaya walang mga gamit.
"We have our own supplier of tables and chairs. Sila na rin ang bahala sa cloths na pang-cover. All you need to do is to decorate this entire space and the table centerpieces. Since formal event ito, gusto ni sir na simple but classy ang decor. We prefer neutral colors as much as possible. We will have 200 guests, so it's important na hindi masyadong nakaharang ang mga decor para hindi masikip sa mga bisita."
Kaya pala isang milyon ang budget nila. Ang laki ng lugar at mukhang pang mayaman ang okasyon. Kailangan talaga naming galingan dahil for sure ay may masasabi sila kapag hindi pumasa sa tastes nila.
Napatingin ako kay Blanca. Tumango naman siya sa akin. "Noted po. Gagandahan po namin, Ma'am Jessica."
"Aasahan ko na you will not disappoint me. Sabihan niyo lang ako kapag may kailangan kayo. You can start decorating this place 3 days prior to the event. Is that enough time?"
"Opo, okay na po 'yan sa amin, 'di ba, Blanca?" baling ko sa kaibigan ko.
"Oo naman. Sisikapin po namin na matapos siya sa loob ng tatlong araw."
"Good to hear that—"
Naputol ang sinasabi ni Ma'am Jessica dahil narinig niya rin ang ingay. Pareho kaming tatlo na napatingin sa double doors na papasok dito sa ballroom.
Nakita namin ang isang batang babae na nakatawa habang tumatakbo papasok. Napasinghap kaming tatlo no'ng bigla siyang nadapa.
Akmang pupuntahan ko sana siya para damayan pero napatigil ako no'ng biglang may pumasok na tumatakbong babae. Naka-scrubs ito na damit. Dumiretso siya sa batang nadapa at pinatayo ito.
Bilib ako sa bata dahil hindi ito umiyak. Habang kinakausap ng babae ang bata ay napansin ko ang pagkakunot ng noo niya. Siguro pinagsasabihan niya ang bata.
Noong napatingin ako sa bata mismo ay napansin ko na pamilyar ang mukha niya. Saan ko nga ba siya nakita? Napaisip ako ng malalim dahil pamilyar talaga siya.
"Pasensya na kayo. Mukhang naglalaro na naman ang anak ni sir. Dito kasi siya mahilig maglaro dahil malawak ang lugar na pwede niyang takbuhan."
Napatingin ako kay Ma'am Jessica. Napapailing ito ng ulo pero nakangiti ito habang nakatingin sa bata.
Napatingin ulit ako sa batang babae. Biglang nag-flash sa isipan ko kung saan ko siya nakita. Naalala ko na! Siya ang bata na nakita namin sa mall na tinawag akong Mama. Siya 'yong bata na kasama ni Sir Mike. Siya ang anak nito.
BINABASA MO ANG
Love after Loss (Barkada Series 5)
Ficción GeneralMike Geffen Castillo's story All Rights Reserved. April 2024. Miss Kae @KaeJune